Siya si Miggy Campbell, a newcomer who played the role of a young guy na may gusto kay Michael na siyang pinatutungkulan ng kanta. Siya si Pare na nagmamahal kay Mchael sa komposisyon ni Joven.
Newcomer Miggy Campbell |
Akala ko nga noong una, hanggang sa music video lang ni Michael ko makikita si Miggy; yun pala ay may ibang plano pa ang manager nya sa kanya.
Nang malaman ko na seryoso si Miggy na pasukin niya ang showbiz, parang nagalangan ako sa screen name na gamit niya. Sabi ko kay Dominic; parang pangalan ng isang cartoon character. Parang hindi angkop sa isang future serious actor kapag nabigyan ng pagkakataon sa showbiz na umarte at magkapangalan. Paano kung nag-mature na siya sa showbiz, pangalang bata pa rin ang gamit nya?
Pinagtanungan ni Dominic ang Head ng Star Music na si Roxy Liquigan. Oks daw ang pangalan na Miggy. At least unique. Pangalan ng bata pero binata pala ang may nagmamayari.
Miggy with Michael Pangilinan |
Pero masuwerte si Miggy dahil matiyaga ang manager niya sa paghahanap sa kanya ng magagandang projects. Sabi ko nga kay Dominic, slow but sure lang at isa na nga rito ay ang bagong teleserye ng Star Creatives para sa Kapamilya Network na "Will Never Say Goodbye"na pagbibidahan nina Richard Gomez at Dawn Zulueta na suportado nina JC de Vera, Sam Concepcion, Assunta de Rossi, Tonton Gutierrez at Jessy Mendiola na malapit na mapanood sa Kapamilya Network.
Di man ganun kalaki ang role na ginagampan ni Miggy sa bagong tele-serye kung saan masasabing ito na ang biggest break para sa binata ay dahan-dahan nagkakaroon ng katuparan ang ang hinahabi niyang pangarap.
With Maja Salvador |
Para sa mga updates and activities ni Miggy, follow him sa Instagram na @miggycampbell.
No comments:
Post a Comment