Bongga ang tambalang Erik Santos at Angeline Quinto kapag nagsama na. What more kapag nag-duet na ang dalawa?
Isantabi muna natin kung ano man meron sila or kung may "something" man sila (this will be another showbiz item). Basta ang mahalaga, kung talent din lang naman sa pagkanta ang paguusapan, kabilang ang dalawa sa Top 10 Pinoy singers natin sa kasalukuyan na nasa listahan namin.
Kung kantahan din lang naman ang paguusapan, hahataw ng husto ang dalawa at hindi magpapakabog sa kung sino man singer natin sa music industry sa kasalukuyan.
Kaya nga maganda yong idea ng Cornerstone Productions na for the first time ay pagsamahin ang dalawa sa isang show na magaganap sa Araneta Coliseum come August 15 para sa mga tinaguriang mga "King and Queen of Theme Songs of this Generation" na akma lang ang ganung "tag" o' katawagan sa kanila dahil most of the teleseryes na napapanood natin sa Kapamilya Network kung hindi si Erick ang may boses sa likod ng theme song, asahan mo, ang boses ni Angeline ang maririnig mo sa opening at closing scenes ng teleserye bukod pa na ginagawang bridge music ang kanta ni "Angge" lalo na ang mga hugot scenes na napapanood natin sa Primetime Bida.
As solo performers swak at stand-out ang kakayahan nila . Kung matatandaan, si Erik ang first grand champion sa 'Star in a Million" noong 2003 at si Angeline naman ang kauna-unahang "Star Power" winner noong 2011 na dahil sa galing nila sa pagkanta, until now ay consistent pa rin ang dalawa sa ipinamamalas nilang talent.
Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ng dalawa ang naturang concert na idi-direk ni Mr. M (Johnny Manahan) para sa mga fans and non-fans ng dalawa na mahilig sa kantahan at manood ng concerts.
Special guests sa concert ay ang mga personal favorites nila na sina Martin Nievera at Regine Velasquez.
Knowing Mr. M, I'm sure hindi ito isang concert-konsertan sa Araneta Coliseum na ginawa lang for the purpose na "mairaos" lang. Mabibili ang concert tickets nina Erick at Angeline sa Ticketnet or tumawag sa 911-555 para sa detalye.
No comments:
Post a Comment