Friday, August 7, 2015

UNKABOGABLE PA RIN ANG KARISMA NG ISANG VICE GANDA

Noong una, ayaw ko kay Vice Ganda. Parang masyadong prangka ang dating sa amin ng comedian-host. Kapag pinapanood ko siya, napapangiti niya ako kung minsan pero kadalasan naiirita ako noong una.
 
Ewan ko  kung ano ng dahilan. Siguro hindi lang ako sanay sa mga entertainers na diretso, prangka, straight to the point.
 
Pero after following Vice sa "Gandang Gabi Vice" at sa kanyang noontime show na "It's Showtime" sa Kapamilya Network, naintindihan ko kung bakit ganun ang "Unkabogable Celebrity Host".
 
Pero kung titingan mo ang istilo niya, salamin lang pala siya ng utak at emosyon natin na hindi natin mailabas-labas dahil marahil sa mga kadahilanan na either nahihiya tayo na baka may masabi ang iba sa atin.

Dahil diretso siya at kung ano man ang nasa sa isip niya't nararamdaman ay nasasabi niya ; masuwerte lang marahil ang isang Vice Ganda na nagagawa niya ang hindi natin magagawa ang gusto natin gawin or sabihin..

Pareho man tayo magisip tulad niya ay takot tayo itawid sa kausap natin kung ano talaga ang tunay natin nararamdaman.

Tayo na manonood niya, malamang sa hindi ay ganun din tayo mag-isip just like Vice Ganda. Yun nga lang, dahil nahihiya tayo o' hindi lang tayo prangka tulad ni Vice mas gugustuhin na lang natin tumahimik pero sa isipan natin, may punto ang Bekelou (Vice) sa kanyang tinuran at sa mensahe na gusto niya itawid.

Kung mapapansin natin, mostly ang nanonood sa show niya sa studio ng Gandang Gabi Vice ay mga above 21 years old. Click sa kanila ang mga pagpapatawa ng Unkabogale Star dahil ganun din mag-isip ang audience niya kaya pareho sila nagakaintindihan. pareho nila nae-enjoy ang isa't isa.


Masuwerte nga lang marahil si Vice dahil isa siyang Vice Ganda na kung ano man ang nasa sa isip niya at nararamdaman ay malakas ang loob niya sabihin at iparating ang mensahe niya.

Matapos ko maintindihan kung bakit ganun ang isang Vice Ganda (kung paano siya mag-isip at magparating ng mensahe na gusto niya isabihin sa kanyang mga audience); I find him enteraining mula nang matangap ko sa sarili ko na ganun talaga siya na ang ending nae-enjoy ko ang panonood sa kanya.
 
Hindi man ako celebrity lalo pa’t hindi rin ako marunong magpatawa; ako na lang ang naga-appreciate sa mga kagagahan niya at pagiging prangka.

Pareho lang kami marahil ni Vice sa pagiging open minded, prangka, straight to the point na kung ano ang nasa isipan ko at nararamdaman inilalabas ko na kung minsan aakalain ng iba ay napakataray ko  pero ang tutoo ay hindi. Gusto ko lang sabihin kung ano ang nasa isipan ko paniwalaan man ninyo o' hindi; makumbinsi ko man kayo o' taliwas sa paniniwala ninyo ay kebs ko. Wala akong paki.

Sa kabila ng mga papuri sa “Unkabogable Bekistar” at sa may mga mangilan-ngilan na hindi pa rin siya tanggap kung anong klase ng humor na meron siya, andun pa rin ang karisma niya na saksi kami na much younger market ang nakaka-appreciate sa kanya.

Mabuti na rin na ang klase ng enterainment niya na bawal ang mga menor de edad at lalo na ang mga sarado ang isipan ay may warning na rin para walang magsisimangot at maiirita dahil hindi pang "Vice Ganda" market ang konsepto ng comedian-host.

Sa katunay nag-mellow na nga siya at sa kanyang pantangahaling segment na “Advise Ganda ni Madam Bertud" kung saan nagbibigay siya ng payo na tatak VG sa Showtime ay naaaliw kami at namamangha kung papaano niya naitatawid ang kanyang mensahe na tama naman with his own brand of humor.

Smart at Witty kasi ang comedian-host na sa tingin ko, no need for a well written script para maitawid niya ang kanyang kahusayan bilang isang celebrity host.

Iba pa rin si Vice. mula sa mga salita at enguwaheng "Pa-bebe"  at "Unkabogable" at kung-anu-ano na nalikha ng kanyang creativity. Sa tingin ko limiteless ang husay niya. Magaling ka talaga Vice Ganda.
 
 

           

 

Thursday, August 6, 2015

RIA ATAYDE ANAK NI SYLVIA SANCHEZ MARUNONG UMARTE

Impressive sa amin ang first television exposure ni Ria Atayde; ang dalagang anak ng aktres na si Sylvia Sachez at ng businessman na si Papa Art Atayde noong Tuesday nang lumabas sa pangumagang teleseryeng "Ningning" ang dalaga as Titser Joy ng bibong bata sa pinapasukan na public elementary school.

Ang ganda ng rehistro ni Ria sa telebisyon at sa unang eksena niya kung saan sa pagbaba niya ng kotse na inihatid siya ng “boyfie” na si Jacob Benedicto, nagulat kami sa lakas ng presence niya.

Short performance lang ang eksena ni Ria sa episode yesterday, kung saan habang naglalakad siya patungong principal’s office sa public elementary school na pagtuturuan niya, kita mo na ang brilyo niya.

Bukod sa maganda, maamo ang mukha (na pang-bida); bukod sa maganda ang timbre ng boses niya. Pang-bida si Ria in the next few years na puwedeng ihanay sa mga tulad at tipo nina Kristine Hermosa at Bea Alonzo at ang mga kaliga nito.

Biniro ko nga si Ibyang (Sylvia) na puwede na siyang mag-retire dahil nalalapit na, ang anak naman niya ang raratsada tulad ng panganay niya na si Arjo Atayde who have proven na isa sa mga magagaling nating mga artista sa liga ng mga baguhang aktor natin na malapit na rin mapapanood with Coco Martin in Ang Probinsiyano.


Si Ria, malakas ang presence sa una niyang sultada  sa morning serye ng Ningning . Makikita mo na kaagad na may "kinang" na kapag naalagaan malayo ang mararating sa mundo na gusto niya kabinilangan.

Kaninanang umaga, Friday sa kanyang eksena with Ningning, ipinamalas na kaagad ng dalaga that she's not just a pretty face sa television kundi marunong din siya umarte  just like her mom.


Nag-aral sa Poveda from kinder to high school at nagtapos ng LiaCom sa DLSU at aktibo sa student council nila, unang pangarap ni Ria ay maging isang broadcast journalist at magtrabaho sa CNN. Gusto niyang maging isang dekalibreng broadcast journalist tulad ng mga idol niya na napapanood lang niya sa mga international news program sa cable.

After last Tuesday's performance on Ria nagpost kaagad ang mom niya na si Sylvia ng mensahe sa kanyang FB wall at ang sabi:" “Congratulations anak!! Sobrang proud kami ng daddy mo habang pinapanood ka namin!! Nakamit mo na rin ang matagal mo nang pinapangarap. Pag-igihan mong mabuti ang bagong landas na pinasok mo, mahalin mong trabaho mo, pakabait ka sa lahat ng taong makakasalamuha at makakasama mo, wag mang-apak ng kapwa, pag-aralang mabuti ang bawat role na ipagkakatiwala syo, maging professional at higit sa lahat wag maging pasaway sa set!!

Yahooooo!! Kakaproud lang nak!! Goodluck Maria Sophia Atayde! We love you, Potpot!”



Happy kami kay Ria sa bagong landas na tinatahak niya. I still remember si Ria na makulit na super chubby na kawawa siya sa dahil sa kakurot namin sa kanyang pisngi because of her cuteness noong nakatira pa sila sa Riverside sa Pasig habang nilalantakan namin ang "tacos" ala Sylvia Sanchez nina Ana Pingol at Lucille Jarina  kapag dumadalaw kami sa aktres in the early 90's.

Dahil sa maganda feedback sa performance ni Ria, nalalapit na rin ang panahon na makikipagtagisan na rin ng acting talent ang dalaga sa ina kung saan Sylvia plays Mamay (lola  ni Ningning) sa moring serye bago mag Showtime.

Basta Ria, always remember nandito lang si Tito Roel mo to support and defend you tulad ng pagpapamahal ko rin kay Mommy mo at Kuya Arjo. ‘Yun nga lang, tanggapin mo na loka-loka ako at iba ang timpla ng iniinum kong kape!

RAMP MODEL AARON YANGA NASA SHOWBIZ NA

Iba ang kinang ng showbiz. Madami pa rin ang nabibighani at gusto nila subukan ang dagitab at glamour ng mundo ng pagaartista.

Kaya hindi mo masisisi na kahit sigurado na sila sa mundo na kinabibilangan nila, madami pa rin ang nagnanais na makilala sa larangan ng pag-arte at showbiz.

May isang Kapampangan ang kumakatok ngayon sa showbiz na pinagbuksan ng GMA-Kapuso Network via their new teleseryeng "My Faithful Husband" na magsisimula na sa Lunes, August 10.

Siya si Aaron Yanga, tubong Angeles City, Pampanga na nagtatangkang makilala sa bagong teleserye na bida sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Sa serye, he plays brother of Dennis na asawa ni Jade Lopez. kasama rin sa seye si Snooky Serna where she plays mom to Aaron and Dennis, Rio Locsin, Ricky Davao, Lloyd Samartino, Timmy Cruz and Nonie Buencamino na mula sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal.

Before Aaron started his “showbiz” career bilang akor, runway  and a TVC model siya. Mao na mao (read: mode) ang peg at tindig niya and he stands 5’11.

Bago niya nakuha ang role sa MFH and his biggest break so far, gusto niyang maging isang action star tulad ng idol niya si Robin Padilla.

Pangako ni Aaron sa sarili na pag-iigihin niya ang kanyang trabaho. “Ine-expect ko po sa pagpasok ko sa showbiz na sana magbunga ng maganda ‘yung pagpupursigi ko. Tsaka po sana, maganda ‘yung kalabasan ng ginagawa kong role ngayon sa ‘My faithful Husband’. First serye ko po kasi ito, kaya may kaba pa ko.”

Isa sa mga pangarap ni Aaron ay makasama si Vilma Santos sa isang proyekto. “Si Dennis na idol ko, nakaeksena ko na saMFH,” pagmamalaki ni Aaron.

Nang makausap nga naming recently si Snooky Serna sa media launch ng "My Faithful Husband" ; puring-puri ng aktres ang baguhan.
 
"Kung magtitiyaga lang siya sa showbiz at maging disiplinado, may mararating siya at matutupad niya ang kanyang wish na makilala sa laragan na pinasukan," kuwento ni Cookie sa amin.