Nag-file officially ng kanyang COC si Goma last October 16, sa huling raw ng filing sa mga interesado sumali sa 2016 May Election.
Malaking panahon ang ilalaan kasi ni Goma pagnagkataon sa pagsisimula na ng kampanya:” Yung campaign period naman will be 45 days lang but ang pag-come out ko talaga as a candidate for Mayor sa Ormoc is really a sacrifice sa trabaho ko, sa career ko, and for the family.
“It's very seldom na yung mga artista ay magkaroon ng second chance or second wind sa career nila.That's why this is really a very big decision to let go of this success.”
Paniwala
ni Goma:” Sacrifices have to be made and somehow, I feel sad dahil alam ko na
mababawasan ang magiging trabaho ko dito sa showbiz and at the same time we’ll
never know kung ano ang mangyayari sa akin, kung papalarin akong maging mayor
ng Ormoc someday but I'll make sure na kayo ay pupunta sa amin dun sa Ormoc, at
marami tayong gagawin dun."
Nag-desisyon ang aktor na tumakbo muli at subukan ang local politics sa kagustuhan niya na makatulong sa mga taga-roon na noon pa man ay nasimulan na niya kahit wala pa siya sa posisyon. Gusto kasi ni Richard na magdala ng pagbabago sa buhay ng mga kababayan niya.
Naniniwala ni Goma: "If you really want to bring change sa tao, you really have to be in a position in government.That's where you can make decisions and changes. As a regular person, you can only do so much."
Kung
sabagay, subok na rin naman si Goma ng mga taga-Ormoc. Noon pa man, sa
kasagsagan ng recovery ng mga nasalanta ng delubyong si Yolanda almost two years ago;, makikita mo
ang effort ni Goma, kasama ang misis niya na si Congresswoman Lucy Torress ng
4th District ng Leyte kung gaano nila kamahal ang mga taga-Ormoc at ang
kinasasakupan ni CW Lucy.
Sa sarili nilang sikap at mga
koneksyon, nag-effort ang mag-asawa na
makapangalap ng donasyon para makatulong sa kanilang mga kababayan.
What if kung manalo si Goma as Ormoc
City Mayor? Paano ang magiging kahihinatnan ng teleserye niya ni Dawn na
magsisimula pa lang sa Kapamilya Network?
Paniguro ni Goma na hindi niya
iiwanan ang bagong serye nila ni Dawn:” Kung sakaling manalo ako, dadalhin ko
ito dun sa Ormoc. Doon tayo magti-taping," pabrong pahayag niya.
Nakapaghihinayang din naman kasi na sa muling pagiging aktibo ni Goma sa showiz ay mauudlot na naman gayong halos lahat ng mga teleserye na sinalihan niya at pelikula na sinamahan niya sa muli niyang pagbabalik pag-arte after niya mag-resign as chief of staff ng office ni Congresswoman Lucy Torres ay mawawala at maglalaho na naman.
Kung pwede naman pagsabayin ang showbiz and politics,why not? Alam ko, ang serbisyo ni Goma sa mga taga-Ormoc noon pa man at pagnagkataon ay mas mgiging maganda lalo pa na magte- team-up nila sila ng misis niya na si CW Lucy dahil mas magkakatulungan sila na paigihin ang pamumuhay ng mga kababayan nila.