Thursday, June 25, 2015

KISS NI PIOLO KAY SARAH SA "THE BREAKUP PLAYLIST" MAY ISYU

Sa press launch ng pelikulang "The Breakup Playlist" na bida sina Piolo Pascual at Sarah Geronimo, tinititigan namin si Papa P. Ewan ko kung nahuhuli niya ang mga panakaw naming tingin sa kanya. Guwapo kasi. All angles, ‘ika nga. Wala kang itatapon. From left to right, swak na swak ang kaguwapuhan niya rason para lahat ng mga artistang babae ay gusto siyang makasama sa pelikula. Marami nga ang inggit kay Sarah ngayon.
 
Maging si Sarah pala, bago pa man natuloy ang project nilang ito under Direk Dan Villegas (boyfriend ng writer-director na si Antoinette Jadaone), super crush din pala ang aktor. Aminado ang Pop Princess na noong una, tensiyonada siya kapag katabi niya si Papa P na namamawis siya noong una.

‘Di nga ba’t kapag type mo ang isang tao, hindi mo pa naitatawid ang mensahe mo kadalasan sa hindi, nadidiyahe ka at conscious?

Nang uriratin ang tungkol sa kontrobersiyal na kissing scene nila sa pelikula not even the Pop Princes at si Papa P ay ayaw i-confirm nor i-deny ang eksena na hinihintay ng mga fans nila.

Kung ano ang kahihinatnan ng “kissing scene” ng dalawa, sabi ni Direk Dan ay abangan daw natin sa pelikula na palabas na sa Wednesday, July 1. Makasasama ng dalawa sina Jet Pangan, Teddy Corpuz, Maris Racal, and Dennis Padilla.
 
Pero ang balita na nakarating sa amin, yes may kissing scene ang dalawa. This time not the usual Sarah type of kissing scene na very light lang ang mangyayari. From a very reliable source, isang very passionate kissing scene ang mapapanood ng fans na hindi pa nagawa ni Sarah sa kanyang mga pelikula. “Tipong kissing scene nila ni Matteo in real life na hindi pang-showbiz ang eksena nila ni Piolo,” kuwento ng source namin.

Nagtataka lang talaga ako kung bakit sina Papa P at Pop Princess ay tikom ang bibig sa kissing scene nila sa pelikula. Kaya quite lang sila dahil baka mag-react si Matteo?

Tuesday, June 23, 2015

UP BABAYLAN SLAMS VALKYRIE!

Isa sa sumusulong sa karapatan at kapakanan ng LGBT community ay ang organisasyon ng UP Babaylan, isang university based LGBT group.

Sa kaso ng diskriminasyon na naranasan nina Veejay Floresca( isang fashion designer) at Trixie Maristela (isang transgender beauty queen na nanalo sa Super Seryna ng Eat Bulaga) kamakailan sa Valkyrie Club na matatagpuan sa Bonifacio Global City sa Taguig nagalit ang LGBT community sa pangyayari.

Sigaw ni Boy Abunda, "discrimination" ang naganap.

Ang UP Babaylan, nag-react din. Below ay ang official statement ng grupo sa isyu:

Thank You, Valkyrie.

In the midst of all the outrage of the LGBT community, UP Babaylan would like to take a moment and thank Valkyrie for shutting its doors to our dear Babaylan sister, Trixie, and to other transgender women who thought that going to your club was a perfect idea of fun.

Because now, everyone knows your club sucks....

But your club is great to have brought the LGBT, especially the trans community, even closer together. Given the cases of violence the trans community has experienced lately, and with another incident like this, it should be thrilling to see how this pans out against your favour.

Thank you, because now, we have more reasons to wield our collective indignation, steer one another, and unite against discrimination. Again, we look to each other and acknowledge everyone's efforts—all big for nothing could ever be small—for our fight to endure.

Thank you, Valkyrie, for being the role model of systemic discrimination that takes form in seemingly harmless policies like a simple dress code. Your club represents the many schools, employers, and other establishments that impose gender binary, use it as license to exclude, and effectively encourage gender-based violence in a larger and graver scale. Thank you for proving to us that no one is safe from harm—that discrimination knows no class.

Thank you, Valkyrie, that while we take pride in our 23 years of activism, we are humbled to have been reminded that we are not even close to our half-way point. Thank you for making us realize, the need to organize and to be relevant, especially to the LGBT youth, is important now more than ever.
With renewed commitment, we march this Pride Month under the rainbow flag together with the rest of the LGBT community.


For the many doors that shut us out.  

For the need to inflame passions.  For the right to be happy.

For the freedom to love. ‪#‎ThisIsWhyWeFight

PRIMA DIVA BILLY LIVE @ THE MUSIC BOX

Umuwi last week galing ng Dubai for her short vacation ang "biritera" na si Prima Diva Billy from Club Seven kung saan dahil in observance of Ramadan sa mga Muslim countries pinayagan siya at mga kasamahan niya na kga Pinoy ng management na makapagbakasyon muna for three weeks sa Manila.

Prima Diva Billy with Duncan Ramos and Michael Pangilinan
Sa kanyang pagbabalik, magkakaroon ng concert si Prima Diva Billy sa darating na Friday, June 26 sa Music Box (along Timog Ave. near the corner of Quezon Ave.) at 9PM entitled "Command and Request" kung saan special guests niya sina Duncan Ramos, Boobsie Wonderland, Super Pao, Ms. Gladys Guevarra and Michael Pangilinan.

Sa concert, kabilang sa kanyang concert repertoire ang mga favorites natin na pini-perform ni Prima Diva Billy tulad ng "Saan Darating Ang Umaga", "Mahal Ko O Mahal Ako", "Human", "I Will Always Love You", and the most requested every time nagpe-perform siya ay ang awiting "Loving You".

 After her three weeks vacation, balik Dubai si Prima Diva Billy on July 12 . "I need to finish my one year contract  with Club Seven until January of 2016," kuwento niya.
 
Nagpapasalamat si Prima Diva Billy sa mga supporters and sponsors ng kanyang show tulad nina: Isabela Gov. Bojie Dy, Vaniderm Specialty Store, Lucida-DS, Hannah's Beach Resort (Pagudpud, Ilocos Norte), Aficionado Germany Perfume, Joel Cruz Signatures, Mr. Neal Gonzales, Mr. and Mrs. Henry and Lily Chua, Ms. Chaye Cabal-Revilla, Mr. Nixon Teng, Mr. Boy Abunda, Guiguinto Mayor and Mrs. Boy and Precy Cruz, Mayor Lorenz of Biliran, Leyte, among others.
 
Para sa mga bibili ng ticket (available at the gate before show time) ay may special promo na drink all you can on all local beers, soda and juices. Prima Diva Billy is managed by writer-radio broadcaster Jobert Sucaldito.

Monday, June 22, 2015

"DISKRIMINASYON!" SIGAW NI BOY ABUNDA SA KASO NI VEEJAY

Discrimination ang ginawa ng management ng Valkyrie Club , isang sosyal daw at para sa mga pasosyal na hangout na matatagpuan sa BGC kung saan nakaranas ng diskriminasyon ang  sikat at magaling na fashion designer na si Veejay Floresca kamakailan dahil sa kanyang sexual orientation as a transgender.

Para sa kalinawan ng marami; ang isang “transgender” ay isang tao na iba ang itinuturing na kasarian kaysa sa biological sex ‘o gender nito habang ang isang “crossdresser” naman ay isang tao na nagsusuot ng damit ng opposite sex.

Si Veejay, aminado na isa siyang transgender kung kaya’y suot niya ay damit ng babae. Pero magkaiba ang transgender sa isang cross-dresser na siyang "No Entry" policy ng  naturang club.

Ang diskriminasyon sa kanya ay pangalawang beses na naganap sa buwang ito kung saan sa darating na June 29 ay magkakaroon siya ng meeting sa mga pamunuan ng club para maliwanag ang isyu.

Si Boy Abunda, isang kilalang  showbiz celebrity at advocate ng LGBT rights and against discrimination na Senior Political Adviser ng Ang Ladlad Partylist ay may pahayag sa kaganapan: ” Discrimination is wrong, no matter how you view it. The Veejay Floresca incident is plain and simple discrimination. Between policies as opposed to human rights, I would scale on the human rights aspect. May patas na karapatan ang mga taong crossdresser at mga taong transgender na pumasok sa mga gugustuhin nilang pasukin dahil wala silang nilalabag na batas dahil lamang sa kanilang pamamaraan ng pananamit at kasariang pagkakakilanlan. There should also be no distinction between people who crossdress and transgender people. Both of them have the same basic human rights to express themselves according to the clothing that they wishes. I will try my best to air my commentary on Aquino and Abunda Tonight (Monday , June 22) or to make my position public on this matter asap.”

Veejay's creation

Hindi lang ito ang unang kaganapan tungkol sa diskriminasyon sa bansa lalo na involving the LGBT community. Remember the case of Inday Garutay laban sa Aruba Bar sa Metro Walk ilang taon na ang nakakaraan?

Lalaki, Babae, Bakla, Transgerder man or Transexual; lahat tayo ay pantay-pantay at may karapatan.

TULOY ANG BANGAYAN NI KRIS AT AI AI

Bongga ang darating na film festival sa December. Parehong may entry ang dating mag-BFF na sina Ai Ai delas Alas ( with Bosing Vic Sotto) and Kris Aquino (with QC Mayor Herbert Bautista).

Di nga ba’t may away ang dalawa na nagsimula sa pangde-deadma ni Kris na hindi man lang nakiramay o’ nagpadala ng bulaklak ng patay nang mamatay ang ina ng komedyate (porke’t nasa abroad ito na pwede naman iutos sa mga kasamahan niya na naiwan sa Pinas) na ngayon ay tila nadultukan at nagwakas na.

In short nagsulian na ng kandila ang dalawa.Tapos na ang mga pasaring ni Ai Ai na umalis na sa kampo ng Kapamilya Network na doon nagre-reyna si Tetay at lumipat na nga ito sa Kapuso Network.

Kaninonong pelikula kaya ang tatanghaling box -office sa pista ng pelikula sa December? Sino kaya ang tatanghalin na tutoong Reyna ng Takilya?

As far as I know, medyo mahina na si Ai Ai sa kanyang hatak sa publiko para tumabo sa takilya ang pelikua nya. Balita namin medyo mahina rin ang rating ng kanyang bagong show sa Kapuso Network na "Let the Love Begin" under the direction of Gina Alajar together with Gladys Reyes and Gardo Versoza; while si Kris ,aminin man natin o’ hindi na lahat nang hahawawak niya ; papasukin or sasalihan, asahan mo hit ito at humahakot ng pera at good reviews.

Mayor Herbert, Direk Antoinette Jadaone & Kris Aquino

 Kanino kayo? Kay Ai Ai o’ kay Tetay? Masaya ito. Malamang pista na naman ng mga pasaringan ang  mamumutawi sa mga bibig ng dalawa pagnagkataon para buhay na naman ang"bangayan" Bet?