Saturday, June 13, 2015

HOW MUCH ANG PRICE TAG NG KASAL NINA PAUL AT TONI?

Isang kasalan with a price tag? Ito ang komento ng karamihan sa social media sa kasal nina Toni Gonzaga at ang boyfriend na si Direk Paul Soriano na naganap last Friday, June 12, 2015.

Nagtataka lang kasi ang mga netizens maging ang mga taga-showbiz sa kung anong drama na na may personal note pa si Toni sa mga binigyan niya ng wedding invitation nila na huwag ipagsabi ang tutoong date ng kanilang kasal.

"Ano feeling niya, kasal nina Sharon Cuneta-Gabby Concepcion noon na isinara ang halos buong Intramuros?” sambit ng isang showbiz reporter na katsika namin.

Sa Instagram, may mga natuwa dahil at long last ang hinihintay-hintay na kasalan ay natupad rin. Sa post ni @beksgerlyn_23 sa kayang IG Account last Friday evening:” E di kung tutoo na waley dyug sila ni Direk Paul at sacred para sa kanila ang sex, ngayong gabi magaganap ang basagan. Waging-wagi si Toni. Ang guwapo ni Paul at super yummy pa.”

Sa early portion ng TV special ng kasal ng dalawa na napanood namin last Saturday night  pagkatapos ng MMK ay hindi ko ma-gets kung bakit ayaw ipaalam ni Toni ang wedding date nila gayong based sa mga shots ng kamera sa crowd, dalawang hilera lang naman ng mga behave na mga fans ang nagmiron sa kainitan ng sikat ng araw sa labas ng pinagdausan ng kasal.


Basta ang analysis ko, kinalakal nina Toni at Paul ang kasal nila na akala ko ay gusto nila maging private.

Sa tutoo lang mas consistent sina Bianca Gonzales at JC Intal sa kagustuhan nila na maging private ang kasal nila noon na nirespeto naman ng media at ng publiko na hindi naman nagmaramot ang dalawa I-share sa mga pictures na kuha sa kasal nila sa Palawan pagkatapos ng kaganapan. Hindi man nila ibinenta ang "sagrado" nilang pagiisang dibdib para ikalakal ay walang ilusyun of grandeur ang kasal ng dalawa na napakasimple pero soyal huh!

How much kaya ang TV rights na binayaran ng ABS-CBN sa dalawa? Si Direk Paul, na-corrupt na rin sa sistema ng showbiz? Sus! Praise the Lord po tayo !


No comments:

Post a Comment