Saturday, May 23, 2015

JAMES AT NADINE LUMIPAD PUNTANG AMERIKA

Ang akala ko , ang bagong teleserye ni Coco Martin na "Ang Probinsiyano" lang busy ang mga taga-Dreamscape Entertainment dahil malapit na ang pagsisimula ng taping ng actor para sa mala-action teleserye niya na halaw mula sa pelikulang ginawa ni The King Fernando Poe Jr. in the 90's

Yun pala, maging ang tambalang JaDine (James Reid at Nadine Lustre) na may romcom sa Kapamilya Network na produce din ng Dreamscape ay umalis last night (Saturday, May 23) patungong Amerika kasama si Cherie Pie Pichace para mag-shoot ng ilang mahahalagang eksena sa kanilang kauna-unahang serye na 'On the Wings of Love" na ang balita namin ay sa June na magsisimula ipalabas. Ang naturang serye ay mula sa direksyon ng "Hugot Director" na si Antoinette Jadaone.

Last Friday, special guest ang binata sa concert ni Vice Ganda sa Araneta Coliseum na nang lumabas na on stage si James, di magkamayaw ang mga tao sa loob ng concert venue sa hiyawan at pagre-rave sa pinakabatang "male sex symbol" ng showbiz,













GOMA-LUCY KAY SARAP NG WEEKEND

Sa sobrang init kahapon, Saturday (May 23) sa  buong kalunsuran habang ang karamihan ay mga nasa shopping malls para magpalamig at mag-enjoy sa libreng pa-aircon (just like me); si Richard Gomez kasama ang misis na si Rep. Lucy Torres ay nagpakasarap lang sa pagbabad sa malamig na tubig sa kanilang swimming pool  sa haybols nila sa Forbes sa Makati.

Friday, May 22, 2015

BENJAMIN ALVES ANG GUWAPONG SORBETERO

Matagal-tagal din bago masusundan ang teleserye ng guwapitong si Benjamin Alves.
 
The last time na napanood namin siya ay sa panghapong teleseryeng "Dading"  kung saan bida si Gabby Eigemann na role naman niya ay dating girlfriend ni Glyza de Castro at groom to be ni Chynna Ortaleza.
 
Pero good news sa mga tagahanga ni Benj (yan ang tawag namin sa kanya) dahil masusundan na rin sa wakas ang listahan ng mga teleserye niya sa GMA Kapuso Network. Malapit kasi uumpisahan ang "A Beautiful Stranger" kung saan gagampanan niya ang role bilang anak ni Christopher de Leon and boyfriend ni Lovi Poe sa direksyon ni Abert Langitan.
 
One nice thing about the teleserye ay pang-primetime ang obra na ang balita namin namin ay pamalit sa serye ni Dingdong Dantes na 'Pari Koy".
 
Sayang nga lang at hindi natuloy ang first taping day ng "A Beautiful Stranger" na dapat sana'y last week pa nagsimula.
While waiting for this big break para sa career niya, catch him as the "Guwapitong Sorbetero" sa mga events sa Bonifacio High Street kung saan Benj with his friends have an ice cream stand called  Phat Boys, kung saan they sell handcrafted ice cream sandwiches at the Gourmand Market this weekend (they started yesterday Friday, May 22) from 11am to 11pm.

Sa sobrang init ng panahon, fabulous ang magiging ice cream experience ninyo dahil masarap na ang ice na itinitinda ni Benjamin, pwede pa makipag-selfie sa kanya pag hindi siya busy sa pages-service sa mga customers nila.

Say ng Guwapong Sorbetero:" It's just our hobby and hopefully turn it into a full on stand this year."

ARJO ATAYDE SASABAK SA ACTION TELESERYE

Sa pagkakaalam ko, kasali si Arjo Atayde sa bagong teleserye nina James Reid at Nadine Lustre na "On the Wings of Love" na produced ng Dreamscape Entertainment para sa Kapamilya Network.

Sa katunay an ang tagal din kasi ng waiting period ni Arjo bago nasundan ang kanyang huling teleserye with Alex Gonzaga ang "Pure Love" bago dumating ang proyekto kung saan may mahalagang role sana ang binata sa kauna-unahang teleserye nina JaDine sa ABS-CBN.

Pero may  pagbabago. Arjo is out of the JaDine teleserye pero mas maganda naman ang ipinalit na proyekto ng Dreamscape Entertainment sa pagkawala niya sa pambagets na romcon nina James at Nadine dahil he will play the "best friend" of Coco Martin sa bagong teleseryeng "Ang Probinsiyano" na halaw sa pelikulang ginawa noon ni  The King FPJ Fernando Poe Jr. in the mid 90's.

Actually, hindi lang tipikal best friend ng bida ang gagampanan  na karakter ni Arjo na ayon sa kanya ay may magandang twist sa kuwento na hindi na niya dinitalye during the formal media announcement last Monday.
Mula nang I-announce sa media ang bagong teleserye ay puspusan na ang pagsasanay ng mga kasali sa pelikula. Halos araw-araw ay nasa Philippine National Police Academy(PNPA) ang mga artista na kasali sa training ng mga regular at real trainees ng PNP.

Tinuturuan sila ng iba't ibang mga martial arts skills; paghawak ng mga ammunitions at pati pagbaril bukod pa sa kasa-kasama sila sa morning exercises ng mga nagte-training para maging pulis like jogging, pag-push-ups at mga physical endurance test para maranasan nila ang tunay na buhay at pinagdaanan ng mga kapulisan natin. Bukod kay Arjo, kasama rin na nage-training ang mga aktor na sina Art Acuna, John Medina, Lester Lansang at maging si Angeline Quinto.




COCO MARTIN KINABAHAN KAY MANANG INDAY

Nang malaman niya na personal choice siya ni Ms. Susan Roces para gumanap sa isa sa mga mahahalagang pelikula ng yumao niyang mister na si The King Fernando Poe, Jr. (FPJ) ay kinabug si Coco Martin. Bigla siya kinabahan. Hindi naman kasi basta-bastang project ang pelikulang "Ang Probinsiyano" na ginawa ni The King with sexy stars Amanda Page and Dindi Gallardo noong 90’s na ngayon ay isasa-teleserye ng Dreamscape Entertainment in cooperation with FPJ Production para sa Kapamilya Network.
Excited ang actor sa kanyang role at sa bagong hamon na ibinigay sa kanya pero mas lalong kinabahan si Coco nang malaman niya na si Ms. Charo Santos-Concio mismo ang pumili sa kanya para maging bida sa serye  na sa dinami-dami ng mga artista ng ABS-CBN Network at Star Magic siya ang ang choice ni Manang Inday at Ms. Charo. Sabi nga ni Coco, “It’s an honor. Aaminin ko, kabado ako. Pero nagpapasalamat ako kina Mam Charo," sabi niya.

Nagpapasalamat din siya kay Ms. Susan Roces sa  malaking tiwala at break na ibinigay sa kanya.

Ang serye na magpapakita ng kadakilaan ng mga kapulisan natin ay magsisimula na anytime at sa katunayan ay puspusan ang training ng mga artista sa Philippine National Academy. Kabilang sa bagong teleserye bukod kay Coco at Ms. Susan (playing his Lola sa serye) ay sina Albert Martinez, Bella Padilla, Angeline Quinto, Jaime Fabregas at Arjo Atayde playing Coco's "bestfriend".

Thursday, May 21, 2015

BAWAL ANG SEX PARA KAY MIKE TAN

Ewan ko kung paniniwalaan ko. Kaya nga napatili ako at tumingin kay Mike Tan sabay tanong, “Ano??? Walang sex?”

Ito ang ipinagmamalaki ni Mike sa amin nang ususain namin siya kung gaano ka-normal (having pre-marital sex is just normal) ang lovelife (and sexlife) niya the fact na nasa showbiz siya.
Isang non-showbiz girl daw ang girlfriend ng binata. Matagal na sila ng GF niya na almost six years na (and no sex, huh!) na sa panahon ng mga contraceptives na p’wede naman ang iba’t ibang paraan na gawin o i-practice para iwas sabit o mabuntis, mas gusto ng binata to maintain the relationship nila ng girlfriend na hindi sila nagse-sex, or shall I say “make love”.

Ayaw i-tag ni Mike na Born Again Christian siya. Pero ang basa ko, naging konserbatibo siya mula nang matagpuan niya ang kanyang current na paniniwala, at ito nga ay ang no pre-marital sex.

Revelation sa amin ang personal na buhay ni Mike na ang latest sa sexy hunk ng Kapuso Network  is that plays the role of Paul Tanchinco na kapatid ni Rhian Ramos sa The Rich Man's Daughter na sa kuwento, isang "beki" pero closet queen nga lang siya.

Gayong "No Sex Before Marriage" ang paniniwala ni Mike at nirerespeto namin ito, nakalimutan ko lang itanong sa kanya kung oks lang ang same sex (man to man or woman to woman) para sa kanya.

Sayang! I’m sure inaabangan din ng mga bekis sigurado ang isasagot niya sa tanong kong ito.

Wednesday, May 20, 2015

ANG PROBINSIYANO NAGHAHANDA NA

Matapos ang story conference, contract signing at media announcement last Monday, May 18, 2015 para sa bagong teleserye ng Dreamscape Entertainment para sa Kapamilya Network nag-training na ang mga cast ng teleserye na pinangungunahan nina Coco Martin at Arjo Atayde sa Philippine Police Academy.

Ngayong araw ay sumailalim ng pagsasanay sina Coco at Arjo kasama ang mga co-stars nila sina   John Medina, Lester Llansang at Art Acuña para sa kani-kanilang mga gagampanan na karakter sa serye.

Ayon kay Ms. Susan Roces, ang biyuda ni The King Fernando Poe Jr. na personal na pumili kay Coco para sa role and at the same time ay gaganap bilang lola ng aktor, batid niya na mabibigyan justice ni Coco ang serye at hindi siya mapapahiya sa gaing ni Coco bilang artista.

REGALO SA KAARAWAN NI NORA AUNOR

Kaarawan ngayon ni Nora Aunor (May 21).

At sa araw na ito, ang mga hardcore Noranians ay nagbubunyi sa magandang balita ng kaibigang Mau (Dr. Mauro Feria , Jr.) na siyang patnugot ng isang journal para sa kanyang idol na si Guy.

Mula sa kanyang Facebook account, narito ang detalye ng posting ni Mau. Hopefully paglabas commercially ng naturang journal ay suportahan naman ng mga "true blue Noranians" sa pamamagitan ng pag-purchase ng literatura tungkol sa aktres.

Narito ang FB posting ni Mau who also heads FACINE, isang Phil Am Film Festival na isinasagaw sa San Francisco, California yearly.

In celebration of her birthday today, May 21, let me share my preface to a self-published book, rather journal, "NORA AUNOR <superstar><artist><icon>" that should be out by the end of this month, with essays and articles by Joel David, Myke Obenieta, Noel Vera, Nestor de Guzman and Jojo de Vera, and photos sfrom the facebook pages of Alvin Cruz Bernardino (The Artistry of Nora Aunor) and Mercy Masangcay (The Songs of Nora Aunor).

TIMELESS:  THE CONTINUING RELEVANCE OF NORA AUNOR
Hers is a compelling narrative, to which the greater mass of her public has subscribed to through all these years. any deviation from its substance if ever proposed, is tantamount to heresy.
A young girl, so indigent that she sold water in plastic container to weary travellers in a train station and collected metal scraps to augment provisions for her family, went to the big city to seek her luck by singing in contests; a few years later, Nora Aunor became a star - a Superstar as a matter of fact - the Philippines' biggest so far has seen.

A Cinderella-like figure, that easily invoked by a number of cultural observers, but unlike the fairy tale's heroine, Aunor did not marry a prince to afford her fame and fortune.
If I may, through sheer innate talent, hard work and perseverance, Aunor had bceome what she was then, and what she is now - because, the first and perhaps the only actor with Malayan features, itself a revolutionary thought, to make it big: the biggest box-office star ever; arguably, the greatest actor in history; and unquestionably, the legendary cultural icon of her time.
Superstar. Artist. Icon.

In a career that spans more than four decades, a career path that envelopes multiple media forms - radio, music recording, film, television, theater and stage concertizing - and a career trajectory that saw the evolution of an extremely popular matinee idol to a critically-lauded actor whose works, both as performer and producer, have been celebrated in five continents and a staunch advocate of causes dear to her heart, championing Filipino independent cinema and of late, fighting for the rights and welfare of Filipino migrant workers, Nora Aunor's has been central to the vitality and dynamism of popular culture in the country.

it is in this context that this publication strives to contribute to this endeavor - first, to provide a forum for conversation and second, to preserve the legacy of her art and craft.

-Mauro Feria Tumbocon, Jr.
Editor
May 17, 2015


 

COCO MARTIN PERSONAL CHOICE NI MANANG INDAY

Ang latest and hottest chicka ay ang magaling na aktor na si Coco Martin ang personal choice ni Ms. Susan Roces na gaganap sa pelikulang "Ang Probinsiyano" na pinagbidahan ni The King FPJ noong 90's kung saan sina Amanda Page at Dindi Gallardo ang mga leading ladies ng Hari ng Pelikulang Pilipino.

Sa katunayan, sa media announcement na ginanap last Monday (May 17) afternoon, masayang-masaya ang aktor sa pagkakataon na ibinigay sa kanya ng Dreamscape Entertainment at ng ABS-CBN dahil sa dinami-dami ng mg artista ng Kapamilya Network, bukod sa siya ang pinili ng biyuda ni The King, siya din ang gusto ng  Kapamilya Network Boss na si Ms. Charo-Concio para gumanap sa role ng isang probinsiyanong pulis.

Kabilang sa cast (bukod kay Ms. Susan Roces na gaganap bilang lola ni Coco) ay sina Albert Martinez, Bella Padilla, Angeline Quinto, Jaime Fabregas at ang aktor na si Arjo Atayde na gaganap bilang "best friend" naman ni Coco sa teleserye.

BUZZ MYX: Ang Latest, Hottest at Juiciest Halo-Halo Under the Sun

Your Daily Dose on the Latest, Hottest & Juiciest
Halo-Halo Under the Sun