Tuesday, December 22, 2015

POKWANG HAPPY SA BOYFRIEND NA SI LEE O'BRIAN NGAYONG PASKO

Tunay na hindi mo alam kung saan ka dadalhin ng pag-ibig mo.

Kaya nga natuwa kami kay Pokwang na after so many relatiobships ay nagiging maganda ang itinatakbo ng pakikipagrelasyon nila ng kanyang current boyfriend na si Lee O’brian na nakilala niya during the shooting of her movie last year sa San Francisco, California.

Ang dati’y pa-cute na relasyon lang ni Mamang Pokie at Lee ngayon ay nauwi na sa ila seryosohang relasyon dahil ang American actor ay nag-alsa balutan na at iniwanan ang bahay nito sa San Francisco, para dito na manirahan sa Pilipinas para makasama ang komendyante.

Happy kami kay Mamang dahil ngayong Pasko, makakapiling niya si Lee at magkakasama sila together with her only daughter na si May na tanggap na rin ang boyfriend ng ina.

Sa media launch ng Christmas offering ng Star Cinema sa darating na MMFF 2015 na “All You Need is Pag-ibig” ibinalandra na ni Pokie ang diamond ring na regalo ni Lee O' Brian sa kanya.

Hindi nga lang namin naurirat kung ang singsing na nakasuot sa mga dalliri niya ay isa nang “engagement” ring sa relasyo nila ni Lee or topak lang ng lalaki n gusto gumastos para mapangiti ang kanyang lady love.

In reality, si Mamang happy sa kanyang lovelife compare sa kanyang karakter sa pelikula niya with Kris Aquino, Kim Chiu at Xian Lim at ang tambalang Ian Veneracion at Jodi Santamaria kung saan ang  kanyang ka-long distance love affair sa interenet na isang foreigner ay tila nagbibigay naman ng pasakit sa kanya sa kuwento

The fact na open naman si Mamang sa kanyang lovelife with Lee, malamang sa haybols sa Antipolo ( na minsan na rin namin dinalaw na napakaganda with mountain view nang mag-invite siya ng lunch and tsika para tikman ang kanyang super sarap na laing at halabos na hipon at sopas) na rin si Lee nakatira.

Sa mga manang at ipokrita, huwag na mag-react dahil si Mamang Pokie hindi na menor de edad kung sakaling makipag-live-in man siya sa lalaking mahal niya.

By the way, ang mga parents ni Lee ay parating sa January 2016 kung walang pagbabago sa schedule.

This time, gusto naman nila makilala ang pamilya ni Pokie at syempre, gusto na rin nila madalaw si Lee na ngayon ay pansamantalang isang “legal alien” sa bansa at may sariling career bilang artista sa TV 5 na kamakailan lang ay napanood naman ang trailer ng sitcom na kinabibilangan ng American actor.

Pero ang bonggang balita na dahilan para super happy si Mamang Pokie ngayong Pasko ay ang planong pamamanhikan ng pamilya ni Lee sa pamilya ni Mamang Pokie.

VICE GANDA MUNTIK NA IKINAMATAY ANG "BEAUTY AND THE BESTIE"

Kaloka ka Vice Ganda. Muntik mo na  niya ika-tigok ang buwis buhay niya na eksena sa MMFF 2015 entry ng Star Cinema na "Beauty and the Bestie".

Ayaw kasi ni Vice magpa-double sa helicopter scene kung saan ang tali sa upper torso niya ay muntik na bumigay dahil sa bigat ng katawan niya, na ang mga kamay lang niya ang nakakapit sa rail ng helicopter.

Buti na lang nahawakan ni Coco at ng cameraman ang braso niya at naiangat ang katawan sa muntik na pagkahulog sa gitna ng dagat,

Loka ka. Hindi ka stuntman. Hayaan mo na sa mga double mo ang mga gayong eksena at hindi ka naman action star. Ang balwarte mo ay magpatawa para bigyan ng saya at higit sa lahat ng halakhak sa mga taong trip natatawa sa ginagawa mo.

Huwag k na magtangka sa mga susunod mo na pelikula. Pero si Vice sabi ng "unkabogable star" ngayong Pasko, gusto niya ibigay ng todo. “ Sa sobrang mahal ngayon ng presyo ng ticket para makapanood ka ng sine , gusto ko naman ibigay ang worth na ibinayad ng tao,” sabi niya.

Vice, dapat hinayaan  mo kay Coco ang gayong mga eksena. Aura to the max ka na lang at solb na yun sa akin ang feelingerang" fashion model mo.

Don't worry at pasok na ang pelikula nyo ni Coco sa Top 3 movies na panonoorin ko sa MMFF 2015.

Sa full trailer Laugh trip ako sa bakla. Fashion na fashion ang hitad sa mga outfit niya. Type ko ang super kinky fushia hair niya sa eksena nila ni Coco.

Sa tutoong lang mahirap ako patawanin o' pangitiin ng mga locally produced movies pero itong sa inyo ni Coco hindi ko ipagpapalit sa Big Mac, Large Fries at Coke Float.

XIAN MUNTIK NA ITINAKBO SA OSPITAL KUNG HINDI SUMAKLOLO SI KIM

Nakarating sa amin ang balita last December 20 na muntik-muntikan na isinugod sa ospital si Xian Lim dahil sa biglaan nito pagsusuka at pamumutla habang nagwo-work out sa isang exclusive gym along Timog Ave in Quezon City.

Ayon sa mga nakasaksi ay kumaripas ng takbo si Xian patungong shower area para mag-blow na pakiwari ng nagkuwento sa amin ay baka biglaan na pagbaba ng sugar level ng binata.

After a few minutes ay sumaklolo naman ang ka-love niya na si Kim Chiu na galing diumano sa ng MMFF 2015 entry ng Star Cinema na " All You Need is Pag-ibig".

Kuwento ng source namin na alalang-alala si Kim sa dinatnang sitwasyon ng binata. "Pagdating ni Kim naging instant nurse siya at hindi mapakali kung ano ang gagawin sa nangyari sa boyfriend," kuwento ng source namin na isa rin client ng naturang gym.

Pero got an inside info na before the incident, sa blogcon ng pelikula; both Xian and Kim ay masama na ang boses at tipong may lagnat na sa loob ng katawan dahil sa lagkit ng plema ng mga ubo ng dalawa reason marahil na kahit hindi na maganda ang timpla ng nararamdaman ni Xian ay sumige pa rin ito sa pagwo-workout noong gabing yun,


Pero on the romantic side balita namin na sa Christmas Eve, bukas (December 24) ay darating si Xian sa haybols nina Kim at doon ito salubungin ang Pasko at doon magno-noche buena.

KAHIT BAWAL SABI NG DOKTOR KRIS AQUINO SASALI SA MMFF 2015 PARADE OF STARS

Sa tutoo lang, tiniis talaga ni Kris Aquino na for almost two days ay hindi siya nagsalita. Ito kasi ang doctor’s order sa kanya nang misan isang umaga sa pagising niya ay wala na siyang boses.

Ang bilin ng throat doctor niya, huwag siya mag- talk for the next five days na recently lang (only last Friday) na complete niya ang bilin ng doctor sa kanya na ewan ko kung papaano niya nai-short cut utos ng doctor niya.

Overwork kasi si Tetay. Left and right ang trabaho na kung iisipin mo ay abuso na rin kung minsan (taping forKris TV;  TVC shoot, shooting etc,) na dapat siguro for 2016 ay maghinay-hinaya na siya na pwede niya ika-tigok kung hindi pa niya didisiplinahin ang sarili.

Sa pocket presscon ni Kris para sa MMFF 2015 entry ng Star Cinema last Monday na “All You Need is Pag-ibig” na nasa direksyon ng hugot director na si Antonette Jadone na ginawa sa bahay nila sa Green Meadows, happy si Kris dahil back to normal na naman ang schedules niya.

Pagdating namin, matapos na maayusan, heto’t tsika  to death na naman siya. Nasa front row kami at nasa harap mismo ni Tetay kaya habang naguusap at during the open forum, sa amin  nakatambad ng kasamang Alex Brosas ang focus ni Kris sa tsikhan.

Kuwento niya, during the “no talk doctor’s order”na sinamahan niya ng paginom ng gamot, sinusulat ni Tetay sa yellow pad ang mga mensahe niya kung hindi man sa kanyang ipad para mabasa ng kausap niya ang mensahe na gusto niya itawid.

On strict compliance talaga si Kris na sinunod naman  niya ang kanyag throat doctor. Pero kahit may sakit, ratsada pa rin siya na sa last Monday episode ng Kris TV na bumiyahe sila sa Central Luzon ( Tarlac at umakyat ng Baguio) na sa sobrang lamig ng Pines City, dun siya tinamaan ng husto.

‘I can’t turn down the invitation sa akin (Tarlac). Nag-prepare kasi sila. Kung ang Pampanga is known for their parols; ang Tarlac naman will be known for their belen,” kuwento niya off-cam sa amin,

Kaya nga last week, hindi visible si Kris sa TV promo ng pelikula niya at sina Kim Chiu at Xian; Ian Veneracion and Jodi Santamaria kasama si Pokwang at ang anak na si Bimby ang masipag magpalipat-lipat sa mga mall shows para sa promo ng pelikula.

We’ve learned from Tetay that she plays the role of Love na isang love adviser on television. Sa presscon, ang daming hugot and emote ni Tetay at isa na nga rito ang ma plano nya for 2016 at muli ay ang tungkol sa relasyon ng dating mister na si James Yap at sa anak nito na si Bimby.

Mamaya sa Parade of Stars ng mga entires sa MMFF 2015, kahit bawal na mabilad sa araw si Kris dahil binabantayan ng doctor niya ang kanyang hypertension ay join pa rin siya sa parade.

JENNYLYN MERCADO MAY GOOD VIBES PARA MAGING BEST ACTRESS SA "WALANG FOREVER"

Now it can be told na tila may usapan na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo not to talk about their” relationship”.

Mula nang makabalik ang dalawa galing sa kanilang Amsterdam vacation kamakailan, very elusive ang dalawa sa issue kung nagkabalikan na silang dalawa tulad sa hinala ng marami.

Depensa ni Jen:” It’s not true, Super busy ako sa promo ng Walang Forever,” paiwas pa niya.

Sa darating na MMFF 2015 may pelikula si Jen with Jericho Rosales na kaibang-kaiba sa last year entry niya na “English Only Please” na produced ng Quantum Films na nagbigay sa kanya ng acting award.

Basta kami, paniwala namin, nakatulong ang recent vacation nina Jen at Dennis sa Europe para maayos nila ang nabitin nilang relasyon noon.

Sa European vacation nila, para  pampa-kilig sa mga fans nila ay bumili ang dalawa stuff toys sa isang mall para alagaan.

Sige na nga, “friends” lang sina Jen at Den na malamang aamin din ang dalawa after ng maipalabas ang pelikula ng aktres with Echo. Si Den kasi ang pampa-good vibes ng aktres

Last Tuesday evening nagkaroon ng special screening ng "Walang Forever" na tulad ng inaasahan malamang daw ay mahirang na "Best Actress" si Jenylyn sa pelikulang ito tulad last year dahil sa ganda ng pelikula ni Direk Dan Villegas.

BRASO NI JEROME PONCE HAWAK-HAWAK NI JANELLA SALVADOR SA MIDNIGHT SCREENING NG HAUNTED MANSION

First in Philippine Movie History  ay nagkaroon ng “Midnight Screening” ang isang pelikula tulad ng “ Haunted Mansion” na entry ng Regal Films para sa MMFF 2015 na mapapanood na sa darating na Friday, araw ng Pasko. 

Marlo, Janella and Jerome
Maganda pang set ng mood para sa isang horror movie bukod sa katotohanan na ayaw ng distributor ng foreign movie na Star Wars na mag-cancel ng last screening nila  just to give way sa special screening ng pelikula ni Mother Lily.    

In fairness, ang daming mga gulat factor na mga eksena sa pelikula. Ilang beses din ako nagulat. Natakot ako sa eksena ni Janella Salvador na pinasukan ang katawang lupa niya ng masamang spirit na ang tingin niya ay tumatagos. Natakot ako sa eksenang yun. Nangilabot ako.

Last Friday evening wala si Marlo Mortel sa midnight screening sa Greenhills Theater ng "Haunted Mansion" kaya suwerte ni Jerome Ponce at siya ang katabi sa upuan ni Janella Salvador who was good sa role niya as the love interest of Marlo and Jerome.

Daming mga eksena sa pelikula na ikagugulat mo na akala mo ay simple lang. Dahil katabi ni Jerome si Janella sa upuan; ilang beses kaya napahawak ang dalaga sa braso ng binata kapag nagugulat ito sa mga eksena sa pelikula?

JOHN LLOYDE CRUZ SASALI SA PARADE OF STARS NG MMFF 2015

Natatawa si John Lloyd Cruz tungkol sa bakasyon  ng girlfriend na si Angelica Panganiban na bumiyahe ito at nagbakasyon sa New York City kamakailan na mag-isa.

Akala ng marami, may problema ang dalawa . In short, split na sila the fact na kapag nagbabasyon ang magkarelasyon, as always and as expected ay palagi sila magkasama.

Pero sa NYC vacay ni Angelica, isang “Me and Myself “mode pala ito ng aktres na nirerespeto naman ni Lloydie kaya hindi isyu ito sa kanya.

Naniniwala siya na ang relasyon nilang dalawa ay hindi nakakahon They enjoy each other’s company. They love each other na hindi kailangan na magkasama araw-araw.

Kaya nga ngayong busy ang aktor na katatapos lang ng pelikula niya with Bea Alonzo, ay abala naman siya sa promotion ng kanyang first MMFF entry na “Honor Thy Father” na isang non-conformist film na ginawa niya dahil gusto niya without thinking the box-office result.

Usually, kapag MMFF pelikulang pampasaya or pampamilya ang mga entries. Pero with “Honor Thy Father”, alam ni JLC na mabigat ang tema na handa siya at ang mga kasamahan sa produkyon sa kung papaano matatangap ng moviegoers ang obra ni Direk Erik Matti. The film ay hindi pang-Papa Lloydie ang tema. In short, hindi pang-Popoy ang obra. In short, out of the box from the usual JLC movie or karakter.

Sa isang eksena, mabigat at may kurot sa puso yong paguusap nila ng anak niya na nalalagas ang buhok dahil may cancer ito. Nahihiya ang bata na lumabas para makipaglaro sa mga kaibigan niya kaya para patunayan ng ama sa anak na mali ang iniisip nito, kinuha niya ang salamin at pinahawakan sa anak at siya mismo ang nagtastas sa buhok niya sa harap ng bata para maging kalbo tulad ng sa anak niya.


Ang galing ni JLC sa eksena na yun na pakiwari ko’y siya lang ang makakapagtawid ng gayong eksena sa mga kaliga niya.

Si John Lloyd, palaging may pang-gulat kapag may pelikula.

Sa mga nakapanood na ng “Honor Thy Father” na una ipinalabas sa opening night ng Cinema One Original only this year, malakas ang laban ni Lloydie na maging Best Actor sa MMFF  2015 Gabi ng Parangal.

Happy si John Lloyd na for the for the first time ay sasali siya sa MMFF. “Excited ako sa Parade of Stars” kuwento niya