Sunday, June 7, 2015

ANGEL LOCSIN TAAS KAMAO KASAMA ANG BAYAN MUNA

Natupad na in sa wakas ang mga destinasyon na gustong marating ni Angel Locsin sa Pilipinas. Kamakailan, isa-isa niyang narating ang mga lugar na akala niya ay hindi niya mararating tulad ng Mt. Pinatubo, Mt. Pulag (sa Kabayan, Benguet), at Batanes kung saan siya nag-celebrate ng kanyang kaarawan. Sa latest Instgram posting niya nasa ituktuk siya ng Mt. Pico de Loro na matatagpuan sa Maragndon, Cavite.

Angel in tank top with Aeta kids and friends
 before trekking Mt. Pinatubo


 From a reliable informant, sa darating na May 2016 elections, magpapakilala na si Angel ng kanyang tunay na kulay at paniniwalang politikal sa pagsuporta sa progresibong Bayan Muna Partylist (na identified sa extreme left ng political spectrum); kung saan may iluluklok ang grupo for a seat sa Senate na bongga ‘pag nagkataon.

Kamakaian ay may mabasa kami na imbitasyon ng Bayan Muna Partylist para sa ilang mga kaibigan namin na kabilang sa 'Makabayan Bloc" na andun ang pangalan ng aktres kasama sina international stage actress-activist Monque Wilson, Atty. Cristina Yambot at Rep. Teddy Casino bilang mga signatories para suportahan ang kandidato nila para sa Senado.



The invitation-letter with Angel's signature
Si Angel, makikibaka at magtataas kamao na rin laban sa mga isyu na hindi pinaniniwalaan at pinu-protesta ng Bayan Muna. Pero may katanungan ako, kaanu-ano kaya ni Angel si Party-list Rep. Neri Colmenares? ‘Di ba’t ang tunay na apelyido ni Angel ay Colmenares?


Sa kasalukuyan, tinatapos ng aktres ang pelikulang pagsasamahan nila ng kanyang “future-mother-in-law” na si Vilma Santos with Xian Lim. Ewan ko lang kung magpapasiklab si Xian sa acting niya sa pelikula, the fact na magagaling ang makakasama niya sa obra ni Direk Bb. Joyce Bernal para sa Star Cinema.

No comments:

Post a Comment