Saturday, June 6, 2015

SI LIZA SOBERANO ANG BAGONG " PRINSESA"

May tulog ika nga ang dating ni Liza Soberano. Pretty, fresh, at kagalang-galang at super sweet ang dating na kaht sino ang makakaharap niya iisa ang sasabihin nila tungkol sa kanya.

Sa survey na ginawa namin 13 out of 20 na pinagtanungan namin ay gusto siya.
Loveable kasi ang dating niya. Palagi nakangiti. Palaging may ready smile kahit kanino with or withour any camera na nakatutok sa kanya.

Sa media launch ng movie nila ng ka-loveteam na si Enrique Gil na mula sa Star Cinema na "Just the Way You Are"(palabas na sa June 17); ang sweet tingnan ni Liza bukod sa katotohanan na napaka-clean ng dating niya sa amin maging ang imahe na pinu-project niya sa publiko na harinawa’y walang mapasukan na kontrobersiya ang “prinsesa” namin.

Sa ngayon, mas napapansin na siya kumpara noon na nasa anino lang siya ni Kathryn Bernardo na minsan ay kinainisan pa si Liza ng ng mga baliw na KathNiel fans nang minsan siya ang gumanap as the third party sa isang pelikula noon nina Daniel at Kathryn.

Dalawang beses na namin nakasalamuha ng personal si Liza in person. Sa  birthday party yata ‘yun ng manager niyang si Ogie Diaz na walang kulapol na make-up sa mukha.

Hindi tulad ng ibang mga bagets stars na kasabayan niya, kahit walang make-up si Liza, 100% maganda ang dalaga bukod pa sa katotohanan na napaka-sweet at napakaamo ng mukha niya na sasahugan pa niya ng matamis na ngiti.

 May brilyo si Liza na sabi nga namin sa kanyang manager, magtiyaga lang siya, matutupad niya ang kanyang pangarap to be one of the biggest star in showbiz.

Give Liza two to three more years, ang inaaning tagumpay ng ibang artista ay mapapasakanya rin. With the right guidance and work attitude (huwag kalimutan ang magandang pakikipagkapwa tao at PR na tutoo) ay malayo ang mararating ng “prinsesa” namin na baka nga mahigitan pa niya ang mga nagre-reyna-reynahan sa kasalukuyan.


Siguro tama lang na huwag muna siyang magpaligaw kay Enrique "Quen" Gil at baka ma-distract lang ang focus niya sa pag-aartista at sa kalagitnaan ng magandang arya niya ay baka masilat lang sa kalagitnaan.

DANIEL PADILLA'S SOLD-OUT CONCERT

Sa Saturday, June 13 na ang 'Most Wanted" concert ni Daniel Padilla na produced ng ABS-CBN Integrated Events & Star Events na gagawin sa SM MOA Arena. May isang lingo pa bago ang concert pero last week pa lang ay sold-out na ang mga tickets at kung meron man natitira ay pang-SRO na lang.

Kaya kung wala ka na mabibili na tickets ay may bagong pakulo ang mga producers na pwede ka mag-watch sa live feed ala-Paquiao-Mayweather bout ng concert from MOA Arena sa mga piling mga SM Cinemas sa halagang P250.

Mapapanood ang live feed sa mga mga SM Cinemas sa Davao, Cebu, Iloilo, Cabanatuan, Dasmarinas (Cavite); Pampanga and Legaspi City.

Bukod sa mapapanood mo ito sa mga sinehan, pwede ka rin magpa-subscribe sa Sky Cable Pay Per View at sa ABS-CBN Mobile. Magandang atlernatibo itong ginawa ng mga producers (first ever sa local concert scene) lalo pa't hindi lahat ay may pagkakataon na dumayo ng Manila para manood sa SM MOA Arena.

Kung taga- Visayas or Mindanao ka, ka-join ka pa rin sa trending na usapan at feeling mo ay andun ka rin sa MOA at nakikisaya sa konsiyerto ni DJ at hindi ka pahuhuli.

Special guests ng Teen King si Gary Valenciano kasama sina Nyoy Volante, Edgar Allan Guzman ( epek ang panggagaya niya kay DJ sa isang reality talent show); Morisette, KZ Tandingan at ang boyband ng Star Music na "Harana".

For additional information on Daniel's concert please visit Star Records' Facebook page at Facebook.com/starrecordsphil or follow @starrecordsph on Twitter.

Wednesday, June 3, 2015

CESAR MONTANO PUMIYOK SA ISYUNG" BUNTIS" SI SANDRA

At last diretsahang sinabi ng actor na si Cesar Montano na hindi buntis ang rumored girlfriend niya na si Sandra Siefert.

Tinapos na ng aktor ang kanyang pananahimik at nagsalita na rin siya sa wakas last night (Wednesday, June 3) sa mga media na nag-cover ng gala night ng French Film Festival na ginanap sa Greenbelt sa Makati.

Hindi masyado nag-elaborate si Buboy sa "buntisan" isyu na para sa kanya ay may tao na siyang salarin na nagpapakalat ng tsismis.

Pumiyok na si Cesar at ang sabi:"Yung source niyan (buntis issue); hindi naman niya nire-reveal ang sarili niya. Takot siya pumunta sa liwanag. Saka ko na ie-entertain yun kapag matapang na siya pumunta sa liwanag."



Sa ngayon, sa kabila ng denial ng actor ay may ilan pa rin ang ayaw maniwala pahayag niya. Tutoo man o' tsismis ang balitang "buntis" si Sandra, magbilang na lang tayo ng mga four to five months simula ngayon at magpakita si Sandra sa press para patunayan na sinungaling ang nagpapakalat ng balita at si Cesar ang nagsasabi ng tutoo.


 

Tuesday, June 2, 2015

MANOLO-MARIS ANG LOVETEAM NA WALANG "SOMETHING"

Ngayong araw, Wednesday ang simula ng showing ng pelikulang ' Stars versus Me" na mula sa direksyon ni Joven Tan na pinagbibidahan nina Manolo Pedrosa at Maris Racal. Sila ang loveteam na nabuo sa loob ng bahay ni Kuya sa PBB kung saan pareho mga housemates ang dalawa.

Cutie ang pelikula na based sa trailer na napanood namin. Ang premise ng movie ay ang paniniwala natin sa horoscope na ang buhay at pag-ibig natin kung minsan ay nakabatay sa sasabihin ng ating mga horoscope.

Interesado na kami panoorin mamaya pagkatapos ng regular Wednesday schedule naming sa Lourdes Hospital.

Sabi, ang tambalang Manolo at Maris na nagsimula sa loob ng bahay ni Kuya ( na ang dalawa ay nagulat sa paglabas nila dahil sa PBB na ang daming mga fans nila ang nagka-clamor na ituloy ng dalawa ang kanilang "loveteam" sa ngayon ngayon na andidito na rin sila sa showbiz at pareho nagaartista.

Kaya nga happy ang mga fans nila na sa unang pagkakataon ay napagbigayan sila na ang "love team" nina Manolo at maric ay naitawid sa isang movie project.

Ang binata na recently ay nagtapos ng high school sa LSGH ay regular napapanood with Janella Salvador sa morning romcom na OMG sa Kapapamilya Network habang si Maris naman ay busy sa promotion ng kanyang musc album mula sa Star Music.

One nice thing about Manolo and Maris' love team, kahit walang "something" na namamagitan sa kanilang dalawa, swak na swak ang chemistry nila on screen na iispin mo na ang walang "something" between them ay may "something" pala.







Monday, June 1, 2015

SHARON MAY PAKIUSAP SA NAGNE-NEGA SA KANILA NI KC

Tila lumalaki ang isyu na diumano'y hindi pagkakaunawaan ng mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion dahil sa isang reaction ng FB follower ni Megastar na nag-post ng opinyon nito tungkol sa sexy na photo ng kanyang anak sa isang recital performance ng dance group na G Force kamakailan.

Ngayong umaga Tuesday, June 2 around 10:00 ay nag-post muli si Shawie sa kanyang Facebook account ng kanyang nararamdaman tungkol sa isyu.


We are posting in full ang sinulat ni Megastar sa kanyang FB Account:

" I said, I wouldn't post anything else except, among other things, to clear up something. Thanks and have a nice day.

I wish it was only "sexy poses" that started all this. That is all I will say. And I am the person who not only carried her for nine months, but raised her, often at the expense of my own health. I made decisions for her, often at the expense of my own personal happiness. She has a college degree from a school located in a place that enabled ...her to learn so much more than just academics, because I sacrificed my own degree to work for her future. Unfortunately for me and fortunately for everyone else on this planet, I am the only one who made all these sacrifices, I am the only one who knows what I went through in private, and what I had to endure publicly when I was the only one raising her. It is sad that even those who these should matter to seem to have forgotten, or are not grateful for them. And so though you are all entitled to your own opinion, it is sometimes both hurtful and amusing to me how some think they know everything about what is going on now.

"There are reasons that are more hurtful and much worse than just "posing sexy." Daming judgmental sa mundo talaga minsan. We need to learn to see the whole picture first before we exercise our right to give our opinion. And that whole picture? Sorry, not happening. That "whole picture" is personal and private.

"In MY opinion, people who know NOTHING at all except what they see and think, should refrain from commenting farther on this. Parang kunyari nagagalit ka sa isang tao, kasi kausap mo sa phone at tinatanong mo kung puede mo siya dalawin at nasa bahay lang siya, pero parang galit siya sa yo at ayaw niya. Galit ka na, so kung anu-ano na ang sinasabi mo about her. Yung pala ayaw ka lang niya madamay kasi may mga magnanakaw na papatayin pala siya sa loob ng bahay niya, at pag dumalaw ka, pati ikaw, papatayin. So after that malalaman mo napatay pala siya. Di ba ang sama at sakit siguro ng loob mo kasi lahat na ng masama, lahat ng opinion at AKALA mo tungkol sa kanya, MALI PALA? Ganon ang nangyayari madalas sa puro akala lang.

"I want to thank you so much again for caring for us. I see comments from those of you who really do, and I appreciate all of them. But some, mali. Sexy photos are just the icing that has been spread too soon and therefore has melted on this still-baking BIG and DEEP cake that can't seem to reach the "baked and finished" stage. Tip of the iceberg.

"Please, baka naman puede i-request na ako naman ang i-spare ng iba from judgment? Nanay ako eh. Ang mga kinakasakit ng loob ko, wala kayong kaalam-alam. At ang nanay lang yata talaga ang poprotekta ng sariling anak kahit may sama pa siya ng loob dito. Thanks again. God bless us all.

Mamayang hapon, sa imbitasyon ng anak niyang si KC ay dadalo si Shawie kasama si former Sen. Kiko Pangilinan at ma anak nila sa photo exhibit ni KC with photographer Mark Nicdao na mga larawan na kuha nila sa Nepal na kamakailan ay sinalanta ng lindol. Ang photo exhibit ay kasalukuyan makikita sa sa Atrium ng SM Megamall.

ALITANG SHARON-KC MAY MALALIM NA DAHILAN

Pakiwari ko'y hindi lang tungkol sa sexy na suot ni KC Concepcion ang hugot ni Megatar Sharon Cuneta na kayang nai-post na reaction sa isang Facebook follower niya na nag-comment tungkol sa kanyang dalaga.

Ewan ko kung nakita na ni Shawie ang mga previous pictorials ng anak na super sexy na iisipin mo na sa mga lehtimong mga artista sa showbiz, hindi mo iisipin na keri ni KC gawin yun kahit sabihin  na natin  na "for the sake of art" or sabihin na natin na liberated lang talaga siya.

May nakapagbulong sa amin na may malalim na dahilan diumano ang conflict ng mag-ina. Hindi lang dahil sa suot nito kamakailan sa recital ng mga nag-summer workshop sa G Force na isinagaw last week sa SM MOA Arena.

Pero ayaw palakihin ng dalaga ang isyu sa kanilang mag-ina. May maikling pahayag si KC kahapon sa opening ng photo exhibit niya na kuha nila ng kaibigang Mark Nicdao na dumayo pa sa Nepal para I-document ang mga scenario pagkatapos ng lindol.

Wika ni KC:" I will love my mom, my mom is my mom forever, so I will love her forever."

Ngayong araw, Tuesday, ay naka-schedule si Shawie kasama ang mister na si ormer Sen. Kiko Pangilnan at mga kapatid ng dalaga na bibisita sa exhibit venue sa Atrium ng SM Megamall.

Ang mga photos on exhibit ay for sale at pipirmahan ng photographer. Ang malilikom sa mga maibebenta ay mapupunta sa World Food Program na matagal na pinu-push ni KC as one of her advocacy to stop hunger sa buong mundo.



"I LOVE YOU" SIGAW NG PUSO NI QUEN KAY LIZ

Kung nasa tamang edad nga lang marahil, wala nang kaartehan ay postibibo ang magiging reaksyon ni Liza Soberano sa kapartner niyang si Enrique Gil na mula sa teleserye nilang Forevermore ay naitawid nila sa pelikulang "Just the Way You Are" ng Star Cinema ang kung ano man ang nararamdaman nila, lalo na sa feeling ni Quen na halatang in love at kinikilig ng husto kay Liza.

Bawal pa kasi sa dalaga ang magpaligaw hanggang maging eighteen years of age siya. May katagalan pa kung atat ka na maligawan na ang dalaga at alam mong in love na in love ka.

Sa January 2016 ay magde-debut si Liz na for sure sa mahigit na anim na buwan pa ang paghihintay ng binate may katagalan pa ang waiting period niya.

Pero dahil sa umaapaw na feelings of love ni Enrique kay Liza, kahit bawal pa manligaw, sinabi nito sa press launch ng pelikula nila na palabas na sa June 17 sa dalaga  na mahal niya ito. Hindi lang minsan o makalawang beses niya ipinahayag ang "I Love You" sa dalaga na sinusuklian naman ni Liz ng "Thank you" ang binata.

Hindi man inaamin ni Liz na gusto din niya si Quen, ang tingin at ngiti niya kapag kaharap ang binata ay positibong senyales na pagsapit ng tamang panahon na pwede na siya magka-boyfriend sasabihin din siya kay Quen na: " I love you too!"



Sa movie makakasama nina LizQuen sina Yayo Aguila, Yves Flores at marco Gumabao.

Sunday, May 31, 2015

SYLVIA SANCHEZ SAFE SA LINDOL SA JAPAN

May kalakasan ang lindol na naganap sa Japan last Saturday evening.
Kami rin kinabahan nang mabalitaan namin na may kalakasan ang lindol dahil andun kasama ang pamilya ng kaibigang Sylvia Sanchez together with her husband Art Atayde’s family sa Osaka para sa huling hirit ng baksyon nila for  summer of 2015.

 
Kasama ni Ibyang at Papa Art ang mga anak na sina Ria, Gela at Xavi (minus Arjo dahil may taping ito ng Ang Probinsiyano) at syempre the whole Atayde family.
This Japan trip ay pangalawa sa biyahe na ng pamilya ni Ibyang. 'Yong una ay sa Tokyo sila ngbakasyon kung saan kumpleto sila at kasama ng panganay na si Arjo na inakyat pa nga nila ang Mt. Fuji.
 
Sylvia with youngest son Xavi, Ria, Papa Art and Gela
 Sa Osaka, hindi daw naramdaman nina Ibyang ang lindol na nagtala ng 8.5 magnitude sa may bandang Ogasawara Islands na sinundan naman ng isa pa pagyanig with a magnitude of 6.4 sa bandang  Izu Island (kinabukasan, Sunday) na nasa bandang norte lang ng Ogasawara Islands.
 
Sa text reply sa amin ni Ibyang  late Saturday evening:” Okey lang kami. Nothing to worry. Hindi namin naramdaman dito sa Osaka.”
 
Sa pagpapabalik ni Sylvia (anytime this week) maghahanda na siya para sa bagong teleserye niya sa Kapamilya Network na malapit na simulan.

 

ANGEL LOCSIN BUHAY NA BUHAY ANG CAREER

Bongga si Angel Locsin.

Kahit abala sa kanyang shooting sa pelikula ni Direk Bb. Joyce Bernal kung saan makakasama niya ang "future mother-in-law" niya na si Vilma Santos at Xian Lim para sa Star Cinema, may time pa ang aktres sa paliwaliw.


Recently, natupad din ang nasa bucketlist ni Angel na marating ang isla ng Batanes kung saan doon siya nag-celebrate ng kanyang birthday.

Last week, kasama ang ilang mga kaibigan, inakyat din niya ang Mt. Pulag sa Kabayan, Benguet na isa sa medyo may kahirapan na bundok na kadalasan inaakyat ng mga mountain climbers sa bandang Cordillera.

Bago niya natupad ang Batanes at Mt. Pulag trip recently, nagawa na rin ni Angel (with her friends) ang exciting experience niya sa Mt. Pinatubo.

Ngayon, back to serious work si Angel sa pelikula nila ni Ate Vi.

Sa pelikula, she plays the role of a caregiver-nurse ang peg kung saan sineryoso ng aktres ang pag-aaral kung papano mag-inject para mas makatotohanan ang kanyang pagganap sa kanyang role.

Mt. Pinatubo Hike (Angel in tank top) with friends

RAMON BAUTISTA SABLAY AS KRIS CO-HOST

Bakit siya ang bagong co-host ni Kris Aquino. Si Ramon Bautista ang tinutukoy namin na diumano ang makatutuwang ni Tetay sa kanyang morning show na Kris TV. Porke’t balik-eskuwela na ang anak na si Bimby (na co-host ni Tetay nitong tag-araw), nagbabalak ang executive producer ng show niya na kunin ang serbisyo nitong si Ramon.

Sa totoo lang, nakokornihan ako sa humor nitong si RB. Ewan ko kung ano nakita ni Tetay kay Ramon na may sariling mundo sa klase ng humor niya na siya lang ang natatawa, gayong ang galing at mas natural ng sundot at pakuwela ng mga regular co-host (guests) ni Kris tulad nina Pokwang, K Brosas, Erich Gonzales, Kim Chiu, at ang buong barkada na mas relax at entertaining na mapanood natin tuwing umaga.

Early riser ako. Kahit puyat the previous night. Maaga pa rin ako nagigising. Kadalasan, mga pasado alas-singko ay gising na ako at simula na ng TV viewing habit ko na tuwing umaga ang panonood ko ang morning magazine show ng Kapamilya Network nina Amy Perez, Bernadette Sembrano, Anthony Taberna, George CariƱo, Ariel Ureta, at Winnie Cordero.

Kasunod ng balita at samu’t saring mga kuwento at features ng morning show, kasunod nito ay ang pagaabang namin ng show ni Kris.


Mas interesting ang mga food trips and review ni Tetay at ng mga guests niya. Ang mga biyahe niya kung saan-saan na parang bumiyahe ka na rin at kasama siya sa iba’t ibang mga lokasyon sa Pilipinas at sa labas ng bansa.

Sa totoo lang, I don’t enjoy watching ang mala-concert na episode nila na walang bago, dahil napapanood ko naman ang mga singers na guest niya na nagpe-perform sa ASAP or shall I say nauubusan din ang produksyon kung ano ang pwede nila maging topic or mas madali humugot ng isang singer, pagantahin at mag-promote ng kanilang album or concerts.

Aliw ako kapag nagluluto si Kris at ang mga guests niya at si Darla Sauler ang food taster. Enjoy ako sa mga restaurant reviews niya together with her guest na enjoy na enjoy sa kanilang kinakain.

Now si Ramon Bautista who’s very corny at never ko nagustuhan ang istilo, sundot, at opinion  magiging co-host ni Tetay sa umaga ?  I’d better watch CNN or ANC kaysa mabuwisit ako at magsayang ng oras or better, balik tulog na lang.

Last week, may short segment si Tetay na iniinterbyu niya ang hitad na si Ramon na kahit naka-on cam nagte-text siya at walang POV. In short walang pakialam sa kausap. Nang magbitaw ito ng “hugot line” na akala niya cute, isa lang ang reaksyon ni Tetay, waley! In short, sablay si Mang Ramon!