Thursday, September 3, 2015

MARION AUNOR'S NEW LOOK

Nagulat kami sa bagong look ni Marion Aunor. More edgy. Not your usual sweet Marion.

Like na like ko lalo pa’t ibang-iba na ayon sa kanyang ina na si Maribel “Lala” Aunor, yun daw ang gusto ng Star Music na maging image ng dati’y pa-sweet sa kanyang 2nd album.

Kung maaalala pa, the usual or shall I say typical teenage girl ang look ni Mariao na ang nagiging dating ay parang one of those lang ang singer-song writer.

But with her “Baby Tsina” look (yun ang tawag namin) ang pamosong hairstylist na si Jing Monis ang may konsepto.
 
 
Noong una, nang malaman ni Marion na puputulin ang buhok niya to attain that sexy “Bob” look ay mangiyak-ngiyak siya na noong una ay ayaw niya pero no choice. It’s part of a new image ika nga.

Pero after a few minutes, a new Marion ang bumulaga sa harap ng salamin mula sa mga scissors ni Jing.

Now, I find Marion sexier, lalo pa ang kanyang bagong istilo ng pananamit na naka-leather ang dating. More cleavage. More shorter. More tighter na hapit at nakaporma ang kanyang sexy body.


Actually, kare-release pa lang online ng bagong album ni Marion pero ang dami na nag-upload sa Spotify at kaliwa’t kanan na ang mga positive reviews which is a good sign.

Marion's one on one interview with Boy Abunda

Below are some messages sa social media on how they love Marion's latest song:

On Facebook from Nancy Rutherford:" I have you in my playlist at Spotify and listen it all night long... "Unbound" U Rock..."Be like you"... So cute and the Rewind so cool... i love the whole album really wish you get invited to sing at Good Morning America someday...you are like Taylor Swift now if not Better keep it up...God Bless.

On Twitter from Chem Isidro (@chemistryisidro): Marion Aunor's new album serves as a hope for the Filipino music industry. YEPPP

Also on Twitter from Kookai Labayen (@kookoolab): " Noon pa man bilib na ko kay Marion Aunor pero iba yung album niya ngayon!! Pakinggan niyo guys! Nasa Spotify na.





















 
 
 
 
 
 

Wednesday, September 2, 2015

NAGBUNGA ANG SIPAG NI LIZA SOBERANO

Nakakatuwa isipin na sa murang edad, alam ni Liza Soberano ang kanyang responsibilidad sa kanyang pamilya.

Sa ilang taon pa lang niya sa showbiz, nakakatuwa na ibinalita ng dalaga na may bahay na siya para sa kanyang pamilya somewhere in Quezon City.  
        
Yes, bunga ang naturang bahay ng kanyang pagsusumikap at pagtitiyaga bilang isang artista na ang akala kasi ng mga tagalabas ng showbiz, ang dali ng trabaho ng mga artista natin. Hindi nila alam ang hirap t pagod sa taping, shooting at pag-arte sa harap ng kamera.

Ang nakikita lang ng mga tagalabas at mga fans ay ang produkto na bunga ng pagtitiyaga, puyat at kung minsan pagkakasakit dahil exhausted ang katawan mo.

Di nga ba't si Kris Aquino recently ay na-ospital dahil sa sobrang trabaho?

Sa mahigit sampung TVC and endorsements na rin ang nagwa ng dalaga; ayon sa manager niya na s Ogie Diaz,” Ang maganda sa kanya (Liza); hindi siya mareklamo sa trabaho. Work lang siya ng work. Alam kasi niya kung ano ang goals niya sa buhay at kung ano ang gusto niya,” sabi ni Ogie sa amin  during the contract signing nila ng alaga niya as the celebrity endorser of Nails.Glow (Nails & Body Spa) owned by husband & wife Ferdie & AJ Opena na may 40  branches nationwide na ang ilan ay matataguan sa Tandang Sora (Q.C); Guiguinto, Bulacan; Star Mall Molino-Cabite, at kung saan-saan pa.

Ang Nail.Glow is Liza 14th product endorsement kung saan kabilang din ang ilang mga beauty products, food chain at clothing brand ang mga ini-endorso ni Liza.


Liza with Nails.Glow owners Ferdie & AJ Opena
Very pretty si Liza that afternoon who was so sweet to accommodate sa photo-op with the press and some guests sa naturang event.

Now na may bagong haybols na si Liza for her family; her next project naman ay ang pagbubuo ng kanyang dream house.

“I need to work hard. Yes, work very hard dahil I want to design the house na titirahan ko in the near future,” kuwento ng dalaga sa amin.


Sa mga fans ni Liza at Enrique Gil (LizQuen) watch out sa bago nilang romcom sa Kapamilya Network na nagsimula na mag-taping at ang pelikula nila para sa Star Cinema na nagsimula na mag-shooting today (September 3,Thursday)with Aiko Melendez and Gerald Anderson under the direction of Mae Cruz-Alviar .

Sa darating na Star Magic Ball ang ka-love team ng dalaga na si Enrique ang kanyang magiging date.

Tuesday, September 1, 2015

MABUHAY VICE GANDA AT MEGA MAGAZINE

Hangga kami sa fashion magazine na Mega sa ginawa nilang matapang na hakbang na ilagay si Vice Ganda sa kanilang September 2015 issue sa cover.
 Alam naman natin, lalo na yong mga subscribers ng Mega at ilang mga local fashion and lifestyle magazines na palagi, mga magandang babae ang nasa cover nila.

 Kaya nga matapang ang publisher ng Mega na i-cover si Vice na nakasuot ng isang magarang pink colored gown na kinunan pa ang cover photo sa Hokkaido, Japan na nakapaligid ang mga lavender flowers.

Hindi ito ordinaryo. Isang malaking hakbang ito sa fashion world sa Pilipinas na alam ko madami ang maguusisa at magtataas ng mga kilay.

Bakit si Vice. Bakit isang bakla? Ano na ang nagaganap sa mundo ng local fashion na sa dinami-dami ng mga modelong magaganda, isang Vice Ganda lang ang kanilang inilagay sa cover.

Ang naturang cover ay isang matapang na hakbang para sa magazine na gawin ito sa dati-rati’y naka-kahon nilang konsepto at cover na pulos babae na kinulapulan lang ng make-up, pero yun lang ang simpleng mensahe na gusto nila itawid na magaganda ang mga itsura ng mga babae na nakabihis at naka-pustura at magagara ang mga suot na yari at disenyo ng mga local designers or gawa ng isang sikat na international designer or fashion house.

Pero panalo ang LGBT community sa ginawa ng Mega sa kanilang September issue na lalabas sa next week (Wednesday, September 9) at magiging available sa mga bookstores dahil binigyan nila ng pagkakataon ang isang tulad ni Vice na nagtataguyod sa karapatan ng mga “kafatid” niyang LGBT na sa pamamagitan ng September issue ng naturang babasahin ay maitatawid ng comediane-host ang mensahe na sa mundong ito ang lahat ay pantay-pantay at may karapatan.

Mabuhay kayo Vice Ganda at Mega Magazine