Saturday, June 13, 2015

SARAH-PIOLO KISSING SCENE APRUB KAY MATTEO

Gawin ba malaking isyu ang kissing scene nina Sarah Geronimo at Piolo Pascual sa pelikulang The "Break-Up Playlist" ng Star Cinema na ipalalabas na come July 1st?
 

Kahit sinong girls, mapa-dalaga man, may asawa o biyuda, o ‘di kaya’y may senior citizen ID card na, aminado sila na gusto nila si Papa P. Kahit sino, isama mo na ang mga inggitera at inggiterang mga bekis na type nila ang actor; hindi nila aayawan na makahalikan si Papa P. kung bibigyan sila ng pagkakataon.

Sa katunayan, suwerte ng mga nakakaeksena ng aktor sa mga pelikula niya lalo pa't may mga kissing scene sila.

Huwag magpaka-ipokrita dahil I'm sure type mo rin mag-ala- Sarah G. sa pelikula nila ngayon pa ay pwedeng-pwede na makipag-kissing scene ang Pop Princess (with matching approval ng  boyfriend niya na si Matteo Guidicelli) on screen.

Dahil sa kissing scene ng dalawa, hindi ako magtataka kung baka ang magandang relasyon ngayon ni Sarah at Matteo ay maintriga pa.

Aminin man natin, may kilig factor si Papa P. kahit kanino. Sa ngayon, wala pa akong nakikitang male celebrity na puwedeng pumantay sa estado na naabot n Papa P.

Sa pelikula, sa mga Instagram posting ng aktor, may tattoo ang aktor sa kanyang kanang braso na lalong nagpa-sexy sa kanya, lalo pa’t ang mga muscles niya sa kanyang arms ay seksing-seksi na ang karamihan.

 

No comments:

Post a Comment