Saturday, September 19, 2015

DOUBLE CELEBRATION FOR GOMA & IBYANG

Happy kami dahil ang dalawa naming personal na mga kaibigan na sina Sylvia Sanchez a.k.a. Ibyang and Richard Gomez a.k.a. Goma or Goms at nominado sa 63rd FAMAS sa Best Supporting Actress (The Trial) at Best Supporting Actor ( The Trial and She's Dating The Gangster) respectively na magaganap mamayang gabi, Sunday September 20 sa Newport performing Arts Theater sa Resorts World Manila.

 
 
Sina Ibyang at Goma at nagkasama sa The Trial na pelikula na dinirek ni Chito Rono para sa Srar Cinema.

Goma played John Lloyd Cruz' lawyer na inaakusahan na nang-rape na "special child" naman ni Ibyang.

In She's Dating th Gangster, siya naman ang ama ni Daniel Padilla na may unfinish relationship with Kathryn Bernardo's aunt played by Dawn Zulueta .

Sa kasalukuayn, si Sylvia ay busy sa kanyang morning serye na " Ningning" kung saan she plays the role of "Mamay "na lola ni Ningning at si Goma naman bukod sa abala sa kanyang mga sinasalihang sports tulad ng volleyball at recently ay nagwagi siya ng Gold Medal sa isang fencing competition ay naghahanda ng kanyang bagong teleserye  para sa ABS-CBN Kapamilya Nework.

Goodluck to both of you mamaya.

Thursday, September 17, 2015

KRIS AQUINO KUNG IIBIG MULI AYAW MAGING "KERIDA"

Kapag nagsalita na si Kris Aquino, asahan mo at babandera ang statement niya ika nga. Kumbaga in layman's term, pang-headline ang bawat sasabihin niya. Inaabangan kasi ng lahat kapag bumuka na ang bibig niya lalo pa't may isang isyu na dapat niya linawin.


Sa media launch ng bagong pelikula niya para sa Star Cinema na "Etiquette for Mistress" na ipapalabas na come September 30; walang kagatol-gatol sasagutin niya ang tanong mo.
 
Kung minsan nga, ang statement niya na hindi mo inaasahan ang siyang lead mo pa sa mga susunod na itatanong mo sa kanya na may handing sagot siya ng diretsahan. Kumbaga, siya ang favorite subject ng isang nagi-interview. Walang kahirap-hirap lalo na nasa mood si Tetay just like nang humarap siya sa media last Wednesday,September 16 kasama ang ibang mga cast ng pelikula tulad nina Kim Chiu, Iza Calzado, Cheena Crab (na wala sa media launch dahil naka-based ito sa US); at ang nagbabalik na si Claudine Barretto,
 
Ang bagong pelikula ni Kris ay kuwento ng mga kabit, kerida; other woman; kept woman at kung ano man terminology na tumutukoy sa isang babae na nakikipagrelasyon sa isang lalaki na may sabit o' sa direstsahang salita ay may asawa na.
 
Alam ng showbiz at ng publiko na ilan sa mga nakarelasyon at minahal niya ay may sabit. “It’s not a secret, I was into relationships with men who’s marriage were not annulled. So, deadma -- it’s reality," pahayag niya sa media.

Sabi pa niya:"Wala akong itinatago dahil alam naman ni Bimb, and the only person who’s I’m responsible is 8 years old, and alam niya. Kasi sabi ko, mababasa niya sa internet, makikita niya sa YouTube, so, sabi ko, hindi madali kasi, you’re really judged."

Pagpapaliwanag niya na siya rin mismo ay dumaan sa pagiging "kerida or kabit". Sabi niya:" I heard that word so often, that ‘kabit’, because hindi pa plantsado at hindi pa maayos. Dumaan din naman ako sa marriage na nagloko ang asawa ko.So I’ve looked that love for both sides now, ika nga, ‘di ba?"


At kung muli siya iibig (ang kuwento nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ay ibang usapin) papayag ba siya na maging "kerida? “Sa totoo lang, ang pipiliin ko ay ‘yung madali, ‘yung wala akong kaagaw, ‘yung wala akong kaila­ngang ka-share."

Based sa kanyang karanasan sa mga previous relationship niya ay madami siyang aral na natutunan:" And you really realize that you have to go through those lessons to know who really matters to you.And you have to make mistakes for you to know what is right and what is wrong, and the consequences because I paid those consequences three times.” 

2 MILLION TWEETS SA KISSING SCENE NINA JAMES AT NADINE

Sa edad namin na pasado 50 na, bigla kami naging fan ng pinakamainit na tambalan sa showbiz ngayon; ang love team nina James Reid at Nadine Lustre (JaDine).

Mula nang magsimula ang kanilang teleserye sa Kapamilya Network ang "On the Wings of Love" (OTWOL) na produced ng Dreamscape Entertainment para sa ABS-CBN; naging avid follower na kami ng romcom serye nila bukod sa katotohanan na gusto ko ang tambalan nilang dalawa.

Tutoo kasi. Hindi put on ang personal relationship nilang dalawa na naintindihan naman ng mga followers at fans nila na ang napapanood  nila sa telebisyon; nababasa sa mga tabloids at dyaryo at nababalitaan online ay "friends" lang talaga sila. Parang loveteam ni John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na ang dalawa na may kanya-kanyang personal lovelife at hindi apektado ang appeal ng dalawa sa kanilang mga tagahanga.


Tulad nang una ko na naisulat na hangga't maaari, everynight ay pinapanood ko ang serye nina JaDine. Kung may appointment man I see to it na before or after ng OTWOL ako makikpagtagpo sa kausap ko so I can watch their show diligently. Kung malapit lang ang kinaroroonan ko, umuuwi ako sa bahay para manood. Swerte ko last night at maaga natapos ang lakad ko.


 I was able to watch the much talked kissing scene nina JaDine na sa pagkakaalam ko ay umabot ng 2 Million tweets ang nakuha or naging feedback sa naturang eksena.
Mamayang gabi, I want more of that kissing scene, I want a more passionate kiss from James para kay Nadine.

At my age, may kilig moment pa rin pala ako. Congrats JaDine. Mabuhay ang Dreamscape Entertainmenr and Kapamilya Network dahil pinaba-bagets nyo pa rin ako.

Wednesday, September 16, 2015

KIM CHIU AYAW MAGING "KERIDA"

Malaki pala ang takot ni Kim Chiu nang i-offer sa kanya ni Ms. Malou Santos ang pelikuang Etiquette for Mistresses ng Star Cinema.

Kasi naman, with her pa-tweetums image at nakasanayang role sa mga projects na nagawa  ay very daring ang karakter ni Kim sa pelikula a young singer na kabit ng isang lalaki na may asawa.

Hindi ibinunyag kung sino ang lalaking nagme-maintain kay Kim sa movie.“At first natakot ako.  Baka hindi matanggap ng mga fans,” paliwanag ni Kim sa media.

Sa romcom kasi nakilala si Kim at sa unang pagkakataon sa kanyang career, she will play a young “kabit” from theprovince na ibinahay ng isang lalaki na may asawa at ginawang “kept woman” na ang pangarap niya at hinahanap-hanap na true love ay hindi niya nakikita sa akala niya lalaking magmamahal sa kanya. 
   
Ewan ko kung sino ang gaganap na lalaki na nagme-maintain kay Kim sa pelikula at hindi pa inire-reveal.


Ang Etiquette for Mistress ay halaw sa libro na isinulat ng journalist na si Ms. Julie Yap-Daza at dinirek naman ni Chito Rono ay showing na sa September 30 at kinabibilangan din nina Claudine Barretto, Iza Calzao, Cheena Crab and Kris Aquino,

DAHIIL SA "PRINCESS IN THE PALACE" AIZA PINAGPAHINGA NG KAPAMILYA NETWORK

Huling bonding ni Aiza Seguerra with her fellow performers sa ASAP noong nasa London sila. After ng concert nila sa mga Pinoy para sa "ASAP in London" ng ABS-CBN and TFC gumimik sila ng kapwa “Sessionistas”.

Naging close si Aiza sa mga kapwa singers and performers dahil every Sunday, napapanood natin siya sa ASAP for the past six years. Bukod dito, naging regular cast din siya ng morning teleserye na “Be Careful with My Heart”.

Pero dahil sa bagong project ni Aiza sa TAPE,Inc ang tinuturing niyang “home”(dito siya nagsimula na producer ng Eat Bulaga); pansamantala naka-LOA (Leave of Absence) muna siya dahil sa tinaggap na morning serye na "Princess in the Palace” na magsisimula na sa Lunes, September 21 bago mag-EB.

Sa katunayan, wala naman talaga conflict sa tingin ni Aiza ang show na tinaggap niya dahil hindi naman direct competitor ang bagong morning show na pama-good vibes tuwing umaga kung saan bida si Ryza Mae Dizon. Pero may desisyon na mula mismo sa ABS-CBN Management na ang kanyang pansamantalang pamamaalam sa istasyon ay ipinarating ng pamunuan sa kanyang manager na si Anabelle Borja (in short ay hindi man lang siya kinausap?).

“Pero it's a directive galing sa management that I have to respect. I don't hold any grudges against them na they have to do that. After all, this is a business, they have to protect their business," kuwento niya sa amin.

Sa bagong morning show ni Ryzza Mae; Aiza plays the role of head for security ni Madam President played by Eula Valdez.

Tuesday, September 15, 2015

HAPPY SI PIOLO SA ESTADO NG KANYANG CAREER

Si Piolo Pascual na ilusyon ng mga kababaihan at mga beki at kinaiingitan ng mga kalalakihan, for the first time ay nagpaka-daring sa kanyang indie film, kung saan nagpakita siya ng kanyang "puwet" sa pelikula na siya mismo ay aminado na hindi niya matanggihan ang offer sa kanya ng kaibigang si Jefrrey Hidalgo na nagdirek ng pelikulang "Silong" kasama si Roy Sevilla Ho para sa Black Mamba Pictures na palabas simula ngayong araw Wednesday, September 16.

Nililinaw lang namin na hindi ST (sex trip) ang pelikula ng actor.Acting piece actually ito at isang magandang project kaya pumayag siya gawin. “As an artist, you want to do things that you like and not just for the purpose that you need to do the film dahil artista ka,” sabi niya.

Sa estado ng kanyang showbiz career ngayon na halos lahat ng mga artista ay pangarap na maabot ang narating ng isang Piolo Pascual, may mga pangarap pa rin ang aktor na gusto niya tuparin. “At this stage of my career, I am inclined to do more unusual stories with out-of-the-box characters that seldom come in my mainstream projects. I enjoy my work as actor, because I am given a chance to portray other people’s lives,” kuwento niya sa media.

Pagmamalaki ni Papa P. na dapat abangan ng mga manonood sa Silong ang love scene nila ng kaparehan na medyo natatawa siya. “I have this passionate love scene with Rhian (Ramos) that is bound to shock audiences. It cannot be the other way around as we are playing characters with twisted minds. But in between takes, I have to cover Rhian’s body and wait for the next take.”

Dahil first love scene ni Rhian sa tanang showbiz career niya hindi maiiwasan na kakabahan siya. Kaya bago kunan ang eksena nina Direk Jeff at Direk Roy ay humingi muna siya ng glass of wine para pampakalma sa kaba niya.


Sa mga nakapanood na sa advance screening ng pelikula at naging closing film ito sa nakaraang CineMalaya 2015 film festival, ang daming magaganang reviews at papuuri ang nakuha ng pelikula mula sa manonood lalo na sa mga film reviewers.

No wonder, sa kabila ng mga natatamo ni Piolo na magagandang pangyayari sa kanyang showbiz career at happy siya, hindi rin dapat kalimutan na contented father siya sa anak na si Inigo na napakabait at masunurin sa kanya.

Sa huling paguusap naming ni Papa P. sa media launch ng kanyang pelikulang "Silong" last Sunday ay naibalita niya na magsisimula na siya ng kanyang bagong serye para sa Kapamlya Network with Toni Gonzaga, Jolina Magdangal at Sam Milby.

Kung tama ang pagkakaalala namin, nakatakda magbakasyon muna ang mag-ama anytime as a birthday gift ng actor sa anak who turned 18 last Monday, Sept. 14 bago magsimula muli magtrabaho si Papa P. para sa isang bagong teleserye na kaabang-abang.

FANS TINAMAD 1ST SCREENING NG TAKLUB CANCELLED

Nasaan ang mga sinasabing mga solid Noranians? 1st screening ng pelikulang "Taklub" ni Nora Aunor sa Gateway Cineplex kaninang 12:45pm. Pero nadismaya ang pinsan ko na maaga pa lang (11:30AM) ay andun na para panoorin ang pelikula kasama ng nanay niyang Noranian na edad 65 ang pelikula ng idol niya.


Nang kumukuha na sila ng ticket at 12:20pm kanina, sabi ng ticket seller cancelled ang 1st screening. Ngayon, nasaan na an mga mayayabang at maiingay na mga Noranians na halos alas-dos na ng hapon ay di pa rin kumikilos para magparamdam ng sinasabi nilang lakas para suportahan ang idol nila?

Ang mga sinasabing supporters ni Guy ay napuyat sa walang wawang mga diskusyon nila kagabi ng "bonggang" karir ng idol nila sa mga chat rooms

Text message ng pinsan ko, manonood na lang daw sila ng pelikulang Heneral Luna ni John Arcilla.



This week may dalawang palabas ang siguradong panonoorin ko. Ang "Everest" at ang" Pay the Ghost" na bida si Nicolas Cage and not to forget ang pelikula ni Piolo Pascual and Rhian Ramos na "Silong" na sa trailer pa lang ay interesting na sa akin.

Pero pangako, panonoorin ko ang movie ni Mama Guy. Noranian ako by heart at alam yan ni Albert Sunga, Favatinni San, ni Pilarksy at ni Vonell Mirandilla,

SI ANGEL LOCSIN SA ISYU NG MGA LUMAD KILLINGS

Aminadoa ako, lately ko lang hinangaan si Angel Locsin bilang isang tao lalo pa't napagalaman ko at aprub sa akin ang kanyang mga mithiin at paniniwala sa buhay.

Bilang isang artista, mahusay siya umarte. Magaling siya at hindi pipitsugin sa hanay nila
Sa likod ng kanyang glamorosang buhay showbiz ,ang hindi alam ng publiko, lalo na ng kanyang mga tagahanga at mga taga-suporta, hindi siya pangkaraniwaan.

Hindi lang showbiz ang alam ni Angel. Dahil marahil sa kanyang kapatid na si Angela at tiyuhin na si Bayan Muna Re. Neri Colmenares, maganda ang pondasyon ni Angel para lalong maintindihan niya ang mga bagay-bagay na nangaganap sa kanyang kapaligiran lalo na sa ating lipunan.

Mainit ang isyu ng mga pagpatay sa mga Lumad sa CARAGA kamakailan. Maging si DILG Sec. Mar Roxas na gustong makisawsaw (dahil malapit na ang eleksyon) pero butata at bigla nawalan ng "pogi" points dahil sa kanyang pageksena na waley din naman knows ang tunay na isyu.

Daig pa siya ng aktres na wala naman intensyo or hidden agenda na ipaalam sa publiko ang kanyang sintimiyento at posisyon hingil sa militarisayon sa naturang rehiyon kung saan biktima ang mga  Lumad leaders na ilan ay  namatay at marami mga nagsipagalisan sa kani-kanilang mga bahay para makaiwas sa kaguluhan na ayon sa mga reports ang  paramilitary group Mahagay-Bagani Force  ang may kagagawan.


Ang  kanyang karanasan sa pakikipagsalamuha niya noon sa mga naging biktima ay isinulat ni Angel sa "Pinoy  Weekly" (www.pinoyweekly.org) na isang organisasyong nonprofit na naglalayong idemokratisa ang praktika ng pamamahayag sa bansa ay nag-share ang aktres ng kanyang kakaibang karanasan kanyang exposure trip sa Mindanao almost six years ago.

Narito ang kabuunan ng kanyang isinulat:

Nung nabalitaan ko ang brutal killings sa community ng mga Lumad, sinilip ko ang pictures naming noong nag-exposure kami sa lugar na ‘yun noong 2009. Dito nakangiti pa sina Tatay Emok at Kuya Dionel…Nakakalungkot na isipin na ganito ang sinapit nila, na ang kagustuhan lang naman nila ay magandang edukasyon para sa mga anak nila at sa susunod na henerasyon at maayos na pamumuhay.


Mababait sila, mahiyain, masisipag ang mga bata at nakakatuwa na zero-crime rate ang lugar nila. Nakita ko kung paano sila nagtutulungan bilang isang komunidad at kung paano nila pinagsisikapan ang kanilang mga pangarap. Ramdam ko kung paano nila pinapahalagahan ang kanilang paaralan at komunidad, ang nutrisyon, kalusugan, ang kalikasan, at kapwa tao.

Naalala ko nung nagpunta ako dun ay kailangan pa naming magtago sa loob ng pick-up para malagpasan ang napakaraming military checkpoints kahit kasama na namin ang Mayor ng lugar. Nalaman namin na kahit silang mga tagaroon ay mas hinihigpitan pa sa pagpasok sa sarili nilang lugar. Kailangan pa ba nilang magpaalam kung pupunta sila sa kanilang “yutang-kabilin” (ancestral domain)? Bakit may paramilitary? Kung sanctuary ang mga paaralan, bakit may presence ng military kung saan puwede sila madamay sa conflict at magkaron ng takot — not to mention ‘yung grabeng psychological effects sa mga kabataan?

Nung huling gabi namin sa Alcadev (Alternative Learning Center for Agriculture and Livelihood Development), nangako kami na ibabahagi namin ang kanilang karanasan sa marami pang tao. Tulungan n’yo po kami para mas maihatid po ang kuwento nila sa mas nakakarami.

Nakikiisa ako sa panawagang respetuhin ang kanilang kultura at karapatan. At naniniwala ako na ang isang eskuwelahan ay sentro ng edukasyon at isang sangktuwaryo — at ang presensiya ng militar ay hindi nararapat. Panawagan ko rin ang katarungan para sa mga pinaslang.

Mabuhay ka Angel!

Sunday, September 13, 2015

ANG DETALYE NG KAGANAPAN NINA PIOLO AT KC SA LONDON

Happy to see ang isang photo posting na tila ayos na sina Piolo Pacucal at KC Concepcion nang magkasama ang dalawa sa ASAP in London two weekends ago,

Sa picture, magkasama ang dalawa na basa mo sa mga itsura nila na ang lahat ng pain na naranasan ni KC sa former boyfriend ay wala na. Nakangiti na kasi siya na tila sabi ng mga mata niya, naka-move on na siya. Yes, hindi kasi naging maganda ang hiwalayan ng dalawa for reasons na hindi rin naman nila ibinunyag sa ibang tao lalo na sa media.

Sa ngayon, KC is happy and romantically involved sa isang foreigner (na bagay sa kanya) lalo pa’t ang dalaga ay pang-foreigner ang market ng kanyang buhay pag-ibig. Long distance relationship ang namamagitan between KC at sa misteryosong boyfriend niya na magmi-meet-up sila kapag napapadpad sa Asya ang binata na kung tama ang hinala namin ay isang European.
Sa tipo kasi ng dalaga ni Megastar Sharon Cuneta na sa ibang bansa lumaki at nag-aral sa Paris (France), iba na ang basehan ng dalaga na kadalasan ang mga nagiging karelasyon niyang mga Pinoy ay nauuwi lang sa wala after all her effort at pagmamahal. Kaya nga ‘yong sa kanila ni Papa P, hindi malinaw ang dahilan ng split-up. Kung meron man, malisyoso ang sinasabing dahilan.
 
Sa London, marami ang nakapansin na tila muling okey na ang samahan ng mag-ex na kung dati’y may konting ilangan lalo pa’t hindi naging maganda ang hiwalayan nila.


I just don’t know kung matapos ang kaganapan sa London ay muling magkakaroon ng pagkakataon na magtambal sa isang project ang dating magkarelasyon.

 
Sa media launch last Sunday para sa indie flm ng actor na "Silong" together with Rhian Ramos na palabas na sa darating na Wednesday, September 16; hangga't maaai ay ayaw na niya iditalye ang pagtatagpo at paguusap nilang dalawa g ex-girlfriend na si KC, pero nag-share ng konting info si Papa P para sa maurirat ng media na naganap ang paguusap nila muli ng "heart to heart" onboard their Thames River cruise after ng ASAP in London concert sa may bar kung saan nadatnan ng actor ang aktres nang umorder ito ng wine to enjoy the night.

ALEX CASTRO KAHIT NATOUCH ANG "BIRDIE"JOIN PA RIN SA COSMO 69

Kaloka itong artistahin na si Alex Castro at super react ang hitaderong “macho” sa nanghipo sa kanya habang nagkakagulo ang mga babae, beki, at nagpaka-men na mga “bisexual” sa nakaraang Cosmo 69 event last Saturday ng isang sikat na lifestyle magazine for the female market.

‘Di nga ba’t ang konsepto ng show or shall I say pinasosyal na gay bar “area-area” scene minus the blackout at naka-shorts or naka-jagger pants (or was it a jogging pants) ang mga male models ay hindi na bago sa regular patrons ng naturang event ang panglalandi at panghaharot ng mga male participants-models at maging artista sa naturang ganap?

Every year isinasagawa ang kalandian at harutan ng Cosmo 69 na ang mga babaeng kimi ay nagiging “kiri” at nagwawala. Sino ba naman ang hindi mag-water-water sa kaseksihan ng mga kalalakihan na kabilang sa 69 men na nag-topless (shirtless) at ibinabandera ang kanilang mga muscles at abs?

Hindi lang pambabae ang market ng Cosmo 69. Maging ang mga beki (pasosyal, fashion designers, at maging make-up artist na may salon sa talipapa ng Novaliches, at mga bugaloo na naghahanap ng kanilang aalagaan para ibenta ng por kilo) ay target market ng naturang event.
Kaya nga laking gulat ni Alex nang mag-“area” siya sa isang side ng entablado na bukod sa kagustuhan ng mga babae at bekis na mahawakan siya, hayun naisahan ang “artistahin” at na-“touch” ang kanyang ari ng isa sa mga nagwawalang spectator. Hindi mai-dentify kung babae o beki ang nanghipo sa “birdie” ni Alex.


Read sa mga beki chatrooms: hindi naman daw nasalat nang husto ang “birdie” nito dahil waley naman daw bukol ito. “Hindi nga masilip sa kanyang suot na jogging pants na maluwag dahil wala man lang nakaporma. Hindi nagparamdam si jun-jun niya or baka waley lang talaga,” komento ng isang beki sa naturang gay chatroom na isa sa mga nanood.

Pero dahil sa pangyayari, nag-post ang Kapamilya star-performer sa kanyang socal media stating ng kanyang pasasalamat sa organizer, pero super corney ang reaction ng karamihan sa pag-super react ni Alex sa nanghipo sa kanya stating: “‘Dun sa nanghawak, bonus na sa ‘yo ‘yan! ‘Wag ka nang maghuhugas ng kamay.”

Pero binawi na ni Alex ang statement niyang ito sa kanyang social media account at ang sabi, biro lang daw yun,

Nang matauhan at naintindihan ng binata na ang lahat ng kalandian at "laswaan" (actually mas exciting daw ang mga previous Cosmo 69 events), gusto ni Alex na kung mai-invite siya muli next year ay papayag siya.

Sa media launch ng bagong horror movie na "Resureksyon" ng Regal Films & Reality Entertainment na palabas na sa September 23, ngingiti-ngiti lang ang binata na nagpa-plano naman na tumakbo sa pahka-konsehal sa sarating na eleksyon sa 2016.

Sa pelikula he plays a doctor at makakasama niya sina Paulo Avelino, Isabelle Daza, Jasmin Curtis-Smith, Nino Muhlach at John Lapuz sa direksyon ni Alfonso "Borgy" Torre III.