Tuesday, June 30, 2015

THE BREAKUP PLAYLIST GRADED " A" NG CEB

Bongga! Magandang balita para sa cast ng pelikulang " The Breakup Playlist" na produced ng Star Cinema at Viva Films dahil "Graded A" ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikula nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo na bukas, July 1 ang simula na mapapanod sa mga sinehan nationwide.

Nang makarating ang magandang balita  a few minutes ago kina Papa P. at Pop Princess masayang-masaya sila at inspired sa kinalabasan ng pelikula nila habang naghahanda ngayon ang dalawa para sa red carpet premier ng pelikula nila na gaganapin pamayamaya sa SM Megmall.

Sa pelikula, Piolo plays the role of Gino at si Sarah naman ay si Trixie. Both are  members ng banda kung saan ang pagkakakilala nila na nauwi sa pagmamahalan at hihiwalayan (at balikan?) ang kuwento ng pelikula na nasa direksyon ni Dan Villegas.



Bukas, kitakits tayo sa The Breakup Playlist! Kasama rin sa pelikula sina Jet Pangan, Teddy Corpuz , Maris Racal at Dennis Padilla.
 


SYLVIA SANCHEZ BALIK TELESERYE

NOW SHE'S BACK! Yes! Nagbabalik na si Sylvia Sanchez!

After almost two weeks of absence sa kaguluhan ng Manila; back to reality ang kaibigang Sylvia Sanchez sa kabihasnan. Bumalik last Saturday ang aktres from her location taping sa San Vicente sa Palawan (North of Puerto Princesa City). para sa bagong teleserye ng aktres sa Kapamilya Network kung saan makakasama niya si Janna Aguinaldo, ang bata sa teleseryeng "Dream Dad" noon na bida si Zanjo Marudo.


Sylvia with child star Janna Agoncillo
Matapos ang kanyang short guesting sa 'Pangako Sa 'Yo" bilang ina ni Angelica Panganiban, salang kaagad si Ibyang sa panibagong hamon sa kanya para patunayan na hindi pa rin siya kinakalawang pagdating sa aktingan at ang pagkawala niya panandaliaan sa telebisyon ( na may panakanakang TV guesting naman) ay may naghihitay naman na mas maganda pa na project para sa aktres.

Sa katunayan, after more than a week stay nila sa San Vicente, humingi muna ng permiso si Ibyang sa director nila na makauwi ng Manila para makasama ang anak na si Gela na nag-celebrate ng kanyang kaarawan two weeks ago.

"Pagdating ko sa airport, diretso kaagad ako sa Batangas. Andun na ang pamilya ko naghihitay sa akin," text niya sa amin.

Short break lang yun ng tatlong araw. Dumating si Sylvia Friday evening. Bumalik din agad ng Palawan early morning ng Lunes sa kagustuhan na makasama ang anak sa kaarawan nito.


Sylvia & Vandolph Quizon in Puerto Princesa 
Wala pa masyadong detalye sa bagong teleserye na kinunan nila sa Palawan." Bawal pa mag-kuwento. Yong post ko na picture naming ni Janna, yun lang yun. Ang ganda ang San Vicente. Kinunan naming yong first week ng teleserye. Pero sa kuwento luluwas din kami sa Manila," sagot ni Ibyang sa PM niya sa FB namin.

Sa teleserye ay makakasama ni Sylvia si Vandolph Quizon na co-star niya sa teleseryeng " be Careful with My Heart" noon at ang aktor na si Noni Buencamino.

ANG RASON KUNG BAKIT TALAKERO SI WILLIE REVILLAME

Hindi ako magtataka kung bakit talakero si  Willie Revillame sa mga staff ng show niyang Wowowin sa GMA 7. Masisisisi mo ba siya kung ang ilang mga tao na kasama niya sa show ay pabaya sa kanilang trabaho na kung minsan, siya na producer na nagbibigay ng super effort para maging maganda ang kanyang weekly show, pero ang mga tao niya, waley, na makapag-iinit nga naman ng ulo niya.

Saksi kami last Saturday sa mga sablay ng mga tao niya sa taping ng kanyang game show. Habang masaya at hyper na hyper si Willie, may isang technical staff na napansin si Willie na nakapangalumbaba habang ang lahat sa loob ng studio, bigay-todo ang kasiyahan at palakpakan.

Ang in-charge sa malaking TV screen sa gitna ng studio kung saan doon lumalabas ang tamang sagot sa isang game portion ng show, dalawang beses sumablay na hindi tama ang na-encode na sagot.

Si Miss Congratulations (whoever she is), sablay na sablay na hindi marunong magbilang ng pera na ipinamamahagi sa mga contestant. Tuloy sabi ni Willie, “Malulugi ako niyan.”

Mabuti na lang, taping ‘yun at ie-edit pa. ‘Pag nagkataon, ang totoong reaction ng host ay malamang sa hindi, makaaagaw-pansin na naman sa MTRCB.

Kung ako kay Kuya Will, sa effort niya na mapaigi ang kanyang show, tama na siguro na napagbigyan mo sila (mga staff) na pabaya sa kanilang mga trabaho at walang concern sa show.

Pero naaliw kami sa patalbugan ng performances ng mga beki sa episode na ‘yun, na kung hindi ako nagkakamali ay sa July 12 ang telecast.

Monday, June 29, 2015

DIRECTORIAL DEBUT NI CARLOS MORALES NA "PIRING" WAGI SA FILM FESTIVAL

Nice to learn na wagi ang first directorial job ni Carlos Morales na Piring as 2nd Best Picture (Filipino New Cinema Category) sa World Premieres Film Festival Philippines.

 Aside from the award mentioned;  nagwagi rin as Best Screenplay at sa Best Supporting Actor si Rocky Salumbides last Sunday night sa awarding ceremony na ginanap sa Mall of Asia Centerstage.

Masaya si Carlos dahil hindi niya ini-expect na as a newcomer sa film direction ay mananalo siya.

Eight out of 40 entries, nabiyan siya ng break at napasali ang pelikula niya kung saan nagtiwala agad ang mga beterano tulad nina Bembol Roco, Tessie Tomas at Yussef Esteves sa kakayahan niya bilang isang director kahit hindi pa naman nasusubukan o' napapanood kung ano ang alam niya sa film directing.

Inspired si Carlos nang gawing niya ang "Piring". Kuwento niya sa amin: “After my first experience. I want to pursue it kaya inspired ako sa galing nina Chito Roño, Lino Brocka, Maryo J, Wenn Deremas, and Eddie Garcia .”

"Ngayon, mas inspirado ako na pagbutihan ang next film project ko. Salamat sa mga artista na nagtiwala sa akin kahit baguhan ako," pahayag ng actor-director.

Simula bukas June 30 until July 7 ay mapapanood ang pelikula ng tatlong araw sa mga piling SM Cinemas sa Metro Manila.


The Team of Piring with Direk Carlos (in beige suit)

KRIS AQUINO IS THE NEW "PATOLA QUEEN"

Si Tetay nga pala ay may bagong past time, ang pagiging isang 'Patola Queen" na pati mga bashers niya sa social media na di naman niya kilala kung mga tutoong tao or alyas lang ay pinagpapatulan.sa kanyang Instagram Account.

May nag-comment na si Bimby raw ay mukhang beki sa itsura niya na naka-white shirt at nakakuwintas ng ginto habang nagre-relax si bagets (may separate kuwento kami tungkol sa sensitive issue ng sexuality ni bagets).

May kumuwestiyon kung katas ba ng Hacienda Luisita ang mga suot na gintong necklace ng anak. Sagot ni Tetay na walang kagatol-gatol, “Katas ng sipag naming mag-nanay. Try mo? Masaya,” subtle na pagtataray ng Queen of All Media now knows as the "Patola Queen".

On the side, may kuwento naman kami tungkol sa isyu ng Hacienda Luisita na dumano'y nakamkam ng mga ninuno ni Tetay sa Cojuangco side noong panahon ng pakikipagtunggali ng Pinas sa pamumuno pa ni Emilio Aguinaldo noon na naisulat na at nasa archives ng dyaryong Manila Times.

Sunday, June 28, 2015

JONA INVADES THE WORLD WITH "POP POLITICIAN"

Thanks to entertainment columnist Joey Sarmiento aka "Kuya Machete" of WIN Radio for introducing Jona, an international artist who invaded the international music scene last June 24 as he launched his first music video " Pop Politician" worldwide.

Jona is a Hungarian-American singer-songwriter, actor and  human rights activist and was born in Budapest. Hungary.

The singer-performer started his career as a ballroom dancer when he was only seven years old and earned a reputation as one of his native country's foremost young male ballroom dancers. By captivating audiences with his fluent motions, graceful movements, soft steps and dynamic on-floor personality, he had become a household name within the Hungarian ballroom dancing community, and his track record of first-class awards has gained him international notoriety.

After moving to Hollywood at the age of 19, Jona landed on a hit TV show and DVD release on" Vietnamese Paris by Night "
and "Celebrity Dancing" more popularly knows dance competition on TV" Dancing with the Stars."

Jona has been featured in films and TV shows with "A" list Hollywood celebrities such as Eva Longoria and Christian Slater. Jona has been working on movies and commercials not only in the US of A but also worldwide.

https://vimeo.com/channels/jona
 
He was also featured on the cover of GQ Magazine in Vietnam and  other magazines and publications such as "Iron Chef and the Star".

Jona will be visiting Manila very soon to do a couple of shows and to promote his trendy music video after his European tour for two months and shooting more videos.

His music is now available at all major music stores.