Friday, June 12, 2015

KRIS AQUINO TINALBUGAN NG ASO

Kung istariray si Kris Aquino pagdating sa mga product endorsements, huwag na kayong magulat dahil ang aso niya na si Prada na bigay ni Derek Ramsay sa panahon na ang aktor-aktoran (na idinadaan ang acting sa pagkunot ng noo);ay star na rin.

Talbog tayo madlang pipol dahil si "Prada" na makikilala na rin as the “Dog of All Media” ay may sarili na rin product endorsement.

Siyempre, aso ng isang Kris Aquino, for sure sikat. Celebrity dog si Prada.


Isang Bichon Frise ang breed ng aso na iniregalo ni Derek kay Tetay last year na trending topic pa silang dalawa.

"Prada"  with Kuya Josh & Bimby
May pabitin na tsika si Tetay tungkol sa kanyang aso, na ayon sa kanya ay malapit na simulan ang product endorsement shoot ng aso na si Prada ang star.

Pagbabalita pa ni Tetay ay hindi sila ka-join ng mga anak na sina Bimby at Kuya Josh sa naturang product endorsement shoot at solong-solo ngistariray na aso ang mga eksena. Talbog!

No comments:

Post a Comment