Kamakailan, sa press conference ng bagong show niya sa istasyon ni MVP lampas sa talipapa ng Sauyo sa Novaliches sa Quezon City ay hindi sinipot ng singer ang event.
Eto na nga lang marahil ang sasalba sa kanya ay hind pa siya nag-effort para dumalo sa press launch para makatulong man lang siya sa publicity at consciousness ng show para sa sambayan na akala ko noong una ay "relief goods truck" ng istasyon para sa kanilang social commitment para sa mga kalamidad tulad ng bagyo, sunog at demolisyon.
Yun pala, isang Sunday show na halo-halong kantahan at sayawan na iikot sa iba't ibang bahagi ng Kamaynilaan na masisimula na next week (June 14) ;kung saan bukod kay Janno ay kabilang din sina Ogie Alcasid at Gelli de Belen, ang komedyante na si Empoy, na sinahugan ng sampu-samperang mga "artista" ng network.
Kaloka ang mister ni Bing Loyzaga. Kung ganito na ang kaganapan, kahit ano man ang alibi ni Janno, waley na waley na talaga. Kawawa naman si Bing sa attitude na ito ng mister towards his work.
Paano kaya hina-handle ng nagma-manage sa karir ng singer kung ganito ang work attitude ng talent nila?
Kung ganito rin lang naman ang kanyang gagawin at wala na siya gana , baka pagod na nga marahil si Janno sa kanyang pinanggagawa.
Sa katunayan ay wala na nga akong nakikitang effort na magpapayat siya dahil itsurang pang-Pista ng Balayan (Batangas) na ang kanyang peg, plus ang hindi magandang reputasyon niya na deadma siya sa kanyang schedules with matching sandamakmak na alibis
Better siguro ay magpahinga na nga siya. Sayang pa naman at ang galing pa rin niya kumanta at hindi naaapektuhan ang talent at boses niya sa pagiging unprofessional niya.
Ewan ko kung ano ang masasabi ng mga kaibigan niya na sina Ogie at Gelli. Baka pati sila pagod na rin sa kanya. Hindi kaya?
No comments:
Post a Comment