Friday, June 12, 2015

ROBIN BAD TRIP SA PALAKAD SA 'PINAS KAYA LUMAYAS

 Umalis last week si Robin Padilla patungong Spain, kung saan magsisimula siya manaliksik sa ugat ng kanilang pamilya as a “Padilla”. Sa Cataluna, Spain yata ang ancestors ng pamilya niya na gusto niyang halukayin ang kasaysayan (bukod sa balita na bad trip na nga ang Idol ng Bayan sa klase ng pamamalakad ng ating pamahalaan sa bayan na kanyang minamahal at inaaruga.


Sayang at nakaalis na siya nang sumagot siya sa Instagram message niya sa amin na hindi namin nabasa early last week dahil gusto namin siya makausap ng personal.

Ang alam namin, ang misis niyang si Mariel Rodriquez, susunod sa kanya. Ang balita nga  ay doon sila muli magbubuo ng kanilang nausyaming “baby”.

The fact na tapos na ang taping niya sa sitcom nilang magkakapatid (Rommel Padilla at BB Gandanghari) sa istasyon ni MVP, mukhang matatagalan nang kaunti ang Idol ng Bayan sa España bago makabalik ng ‘Pinas.

Sa kanyang pag-alis last week (inihatid siya ni Mariel sa airport) ay sinimulan naman niya ang bago niyang pelikula, kung saan makasasama niya ang anak na si Kylie Padilla at ang pamangkin na si Daniel.


Sa pagdating nya ng Spain ay dumalaw kaagad siya sa Philippine Embassy kung saan masaya siya tinaggap ng mga kababayan natin doon .

No comments:

Post a Comment