Nakabalik na kasi si Ate Vi from her Italian "official" trip and at the same time ay bakasyon kaya pwede na magbalik shooting ang aktres.
Excited na kasi si Angel humarap muli sa kamera ni Direk Joyce Bernal lalo pa’t nabalam ang shooting niya (nakunan na pala siya ng ilang mga eksena) dahil ilang buwan na rin siya nakatenga while waiting for Vilma’s return at siya naman ay ongoing ang therapy sa slipped disk accident na natamo niya years ago during the shooting of their movie ni Piolo Pascual kung saan ang role ni Papa P ay isang local cowboy.
Yesterday, Tuesday naibalita sa amin ng kaibigang Bemz Benedito of the LGBT group “Ang Ladlad: na hindi man nakadalo si Angel sa launching ng “Like Ko si Neri (Colmenares) for Senator Movement” kung saan isa si Angel sa mga convenor ng grupo ay aktibo ang aktres sa kanyang pagbibigay suporta sa incumbent Bayan Muna Partylist Representative na tumakbo ito for a seat sa Senate.
Sabi ng manager ng aktres:’Cousin niya si Neri. Sayang wala siya (Neri),” sa pagtitipon.
Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares |
A couple of months ago, nakabasa kami ng letter of support na ipinamamahagi sa media at ilang mga concern citizens na pagnanais nila himukin si Rep. Neri to run for the Senate sa May 2015 election at isa sa mga signatories ng naturang sulat ay ang aktres.
Hindi man nakadalo si Angel sa pagtitipon yesterday, ang ama naman niya ang "official representative" ng aktres na nang mga sandaling yun ay naga-undergo ng therapy dahil sa kanyang makirot na slipped-disk na natamo.