Monday, November 30, 2015

ALEX GONZAGA NAGMUKHANG KATAWATAWA

Nairaos ang 7th PMPC Star Awards for Music kamakailan sa KIA Theater (dating New Frontier theater during the 80's sa Cubao) a couple of weeks ago sa kabila ng ilang mga eksena sa performances ng mga nag-singer-singeran na nagmumukha tuloy engot sa mga pinangagawa nila.

Agaw pansin sa akin ang back to back performance ni Alex Gonzaga at Aicelle Santos(of PETA’s Rak of Aegis) na kitang-kita ang difference kung sino talaga ang tunay na  mangaawit sa kanilang dalawa.

Una kumanta si Alex (another lip-synch number) na novelty na naman na seque sa performance ng isang “tutoong singer” like Aicelle.

Kaya tuloy nagmukhang katawatawa itong si Alex at maikukumpara mo talaga kung sino ang tunay sa tinubog lang.

Kung sino man ang nagma-manage sa career ni Alex, dapat sa susunod, itanong nila sa script writer ng show or whatever kung sino ang makakasama ng “alaga” nila on stage.
Aicelle Santos
Nagmukhang kawawa tuloy si Alex na ipinagsabay ba naman sa isang production number with a real singer. Tuloy, nagsa-suffer ang isang singer-singeran sa galing ng isang tulad ni Aicelle.Okey lang kung isang chorus or group performance ang ginawa nina Alex at Aicelle with other “singers”. Kaso may kanya-kanya silang highlight ng kanilang performance na kung sa probinsiya lang nangyari yun, malamang na "boo" na si Alex or may nambato na ng kamatis sa kanya sa entablado.

YSABEL ORTEGA MASAMA ANG LOOB KAY SEN. LITO LAPID

Hindi man niya sinasabi na may problema sila ng kanyang ama, hatala at ramdamn mo na may sama ng loob ang baguhan na si Ysabel Ortega (anak ni Sen. Lito Lapid at dating That’s Entertainment sta na si Michelle Ortega ) na nami-miss niya ang kanyang ama.

Almost a year na pala hindi nakikita ni Ysabel si Sen. Lito. The last tme na nagkita sila at nagkausap was almost ayear ago (last December 2014) kung saan nagpaalam siya sa ama na gusto niya pasukin din ang showbiz.

Sa interbyu namin kay Ysabel sa pamamagitan ng manager niya na si Ogie Diaz ng OgieD Productions, Inc. napaluha ang dalaga nang uriratin namin ang relasyon n dalaga sa kanyang ama.

Nahihiya man aminin nito na may problema sila ng ama; alam may may pinaghuhugutan ang dalaga.

Lately, kapag tini-text ni Ysabel ang ama, hindi daw ito nakakapag-reply sa kanya. Pero naniniwala ang dalaga na kahit nabawasan na ang pagkikita nila ng ama na si Sen. Lapid ay hindi pa rin siya bumibitaw. “Baka busy lang. The last time sabi niya sa akin; nect year he will run for a seat as Mayor of Angeles City. I love my dad. Wala ako sama ng loob sa kanya,” panigurado sa amin ng dalaga.

Si Ysabel who plays the role of Angela sa hit teleseryeng “On The Wings Of Love” (OTWL) ang sinasabing panggulo sa magandang relasyon nina James Read at Nadine Lustre reason kung bakit bina-bash na rin siya ng mga JaDine Fans.

Ysabel with her manager Ogie Diaz
“Pero naiintindihan ko po sila. Noong una I get affected pero later on na-appreciate ko ang reaction niya dahil effective pala ako sa role ko. Ang alam ko po kasi later on sa kuwento ide-develop na ako po yata ang magigign third party sa relationship nila,” sabi ng dalaga na super pretty.

MARION NO TIME FOR LOVE

Ang sipag ni Ms. Lala Aunor, ina ng singer na si Marion dahil bukod sa pagtulong personally sa paghahandle ng publicity ng mga shows ng kanyang anak ay siya mismo kusang nagde- disseminate ng information ng mga kaganapan sa career ni Marion.

Sa katunayan come December raratsada si Marion sa series of shows niya sa USA and Canada.

Aalis ang ma-ina (kasama na rin si bunso na si Ashley sa December 16 kung saan doon na sila magi-spend ng Christmas and New Year.

Loaded ang schedule ni Marion sa last stretch ng 2015.

Sa mga fans niya sa New York and New Jersey and San Francisco here’s Marion's schedule:

A show at D’ Haven  (New York) on Dec. 18; Step by Step Dance Sport (New Jersey) on Dec. 19 produced by Chris Bautista of SIRHC Productions; Ichiban Comedy Bar(San Francisco, CA) in Dec. 20;Canada Inns Destination Center Transcona (Winnepeg, Canada) on Dec. 27 produced by Rey Ar Reyes.

Last Sunday Nov. 29 sa promo tour ng kanyang 1st album na ginawa sa Lucky Chinatown Mall, enjoy ang mga nanood. Sa katunayan, sold out ang mga cd's na ibinenta nila sa entrance ng show venue.


Sa show Marion sang two of our favorites from her album na "Free Fall Into Love" at ang personal favorite ko na “Ako Siguro” composed by her sister Ashley na super hugot ang mga lyrics at tama ang timpla ng melody.

Sa susunod na taon (2016) magkakaroon naman ng grand launch sa first quarter of the new year ng kanyang 2nd Album mula sa Star Music simply titled “Marion” (wala na Aunor na karugtong sa professional name ng singer-composer) at ang kanyang firtst ever acting experience sa pelikulang “Tibak” mula sa direksyon ni Arlyn dela Cruz.

Ngayon, tell me kung saan isisingit ni Marion ang kanyang “lovelife” sa sobrang hectic ng work schedules niya.