Almost two years niya pinaghandaan ang naturang cookbook kung saan siya mismo ang sumulat sa tulong ng kaibigan niya na si Rica Peralejo-Bonifacio at ilang mga food writers para mailahad niya ng tama at akmang salita sa lenguwahe na madaling maintindihan ng mambabasa.
Nakatikim ka na ba ng "Tinolang Manok na Walang Manok"?
Nasa pahina ng cookbook ang personal old time favorite ng aktres na ayon sa kuwento niya, noong panahon na wala pa silang pera bibili lang sila ng dahon ng sili na sasangkapan ng luya at pipitas ng bunga ng berdeng papaya sa likod ng bahay nila ay presto may masarap na silang "Tinolang Manok na Walang Manok" na ulam;pagmamalaki pa ng aktres na ayon sa kanya ay mas nauna siya nagkahilig magluto kaysa sa natutong umarte noong bata pa siya.
From Juday's own version of Chicken Curry, Picadillo at Chicken Sopas na mga comfort foods ng ating panahon na kinalakhan natin, binigyan ni Juday ng sarili niyang personal touch ang mga pagkain na gustong-gusto natin na palaging inihahanda ng ating mga nanay.
Sa launching ng cookbook last June 19, 2015 sa Swatch Center sa Pasay Rd., Makati City masayang ibinalita ng aktres na tuwang-tuwa siya sa outcome ng pinaghirapan niyang. Mga old time favorites natin ang ilan sa mga recipes na kasama sa pahina ng cook book na published ng Anvil.
Kabilang sa mga pagkain na pinatikim ni Juday sa mga media na dumalo sa naturang book launch ay personal recipe niya na kabilang sa mga pages ng Judy Ann's Kitchen ay ang Grilled Shirmps with Jicama Salsa (na super sarap); Steak Rice with French Beans na ipinagmalaki mismo ng mister niyang si Ryan Agoncillo sa amin; Thai Beef Lettuce Wraps at ang Juday's version ng Marinated Baby Back Ribs na nagkaroon pa ng third serving dahil mabilis naubos.
Ayon sa chef na si Gene Gonzales na President ng Center for Asian Culinary Studies na sumulat ng foreword ng libro: " Knowing Judy Ann, this book is just one step to more delicious possibilities in the future. Her school and mentors take pride and joy in her joining the roster of culinary authors in our country"
Congrats Juday!