Saturday, October 24, 2015

SINO SI TITO BUBOY SYJUCO?

Noong Sabado nasa event ako ni Tito Buboy Sycujo sa imbitasyon ng kaibigang Jobert Sucaldito.

Habang ang AlDub Nation ay di magkamayaw na nage-enjoy sa pinapanood nila sa Philippine Arena; at ang mga maka-Showtime ay nage-enjoy sa pasabog na mga performances ng mga hosts; kami naman  kasama ng ilang mga entertainment press at mga news reporters ay kasama namin si Tito Buboy.

Pangalawang pagtatagpo namin ito ni Tito Buboy na noong una ay yong deklarasyon niya sa media na kinabukasan (simula ng unang araw ng COC filing) ay sinabi niya na magpa-file siya at makikipagsabayan sa ibang mga kandidato.

Matagal na namin naririnig ang pangalan ni Tito Buboy. May mga kamaganak kasi kami sa Iloilo (Estancia at Balasan) at mga kaibigan kung saan minsan din siya naglingkod bilang Congressman  at recently nga as TESDA Director General sa panahon ni President Gloria Macapagal Arroyo.

Sa naturang media announcement, ibinalita ni Tito Buboy na nag-file siya ng 24 cases of graft and corruption laban kina Drilon, Abad,  Abaya at ilan pa sa mga “grafters” of this government (PNoy).

Sabi ng mga istambay at mga miron  sa political arena na nakikisaw-sawa; si Tito Buboy daw ay kabilang sa mga “nuisance” candidate na nag-file sa COMELEC.

Pero ang katotohanan, papaano mo siya ihahanay bilang "nuisance" candidate who have attained 4 Doctoral Degrees; 2 Masteral Degrees;  a BSBA Degree with Honors. Kahit saan mo man tingnan he is a successful and an accomplished man. Hindi naman siguro siya sumulpot na lang na parang kabute na out of nowhere ay gumising ng maaga para maligo, magbihis at pumunta ng COMELEC para mag-sumite ng kayang COC.

As a backgrounder, Tito Buboy was a Congressman for 3 terms sa Iloilo at siya din ang author and sponsor ng  ating Dual Citizenship Law af Overseas Voting Law na tinatamasa ng mga kababayan natin overseas ngayon para i-practice ang kanilang karapatan.

Tito Buboy with Jobert and Manay Lolit

Maging si Ate Lolit Solis (CelebriTV Host) & Mrs. Crispina Belen (dating entertainment editor ng Manila Bulletin) ay may magandang karanasan kay Tito Buboy  na hindi nila ini-expect or inaaahan when they met him in San Francisco (California, USA) years ago na isusulat ko na lang one of this days ayon mismo sa first-hand experience ni Manay Lolit  at Mrs. B. Kumbaga, si Tito Buboy ay friend na siya ng mga taga-showbiz noon pa man

Last Friday, October 23 ay nag-file si Tito Buboy ng Complaint-Affidavit sa tanggapan ng Ombudsman sa Makati  dahil sa Pork Barrel ni President BS Aquino na hindi hamak diummano mas malaki sa halagang P200 Billion kumpara sa kasong isinampa sa PDAF Scam ni Janet Lim Napoles.

Tulad nga ng battle cry ni Tito Buboy: “Maki-Baka ‘Wag Maki-Baboy Kadiri!” Dahil sa kayang advocacy na linisin ang gobyerno ng korupsyon sa abot ng kanyang kakayahan; suportado siya ng Pinoy!