Saturday, June 13, 2015

ERIK SANTOS-ANGELINE QUINTO MAGSASAMA NA!

Bongga ang tambalang Erik Santos at Angeline Quinto kapag nagsama na. What more kapag nag-duet na ang dalawa?

Isantabi muna natin kung ano man meron sila or kung may "something" man sila (this will be another showbiz item). Basta ang mahalaga, kung talent din lang naman sa pagkanta ang paguusapan, kabilang ang dalawa sa Top 10 Pinoy singers natin sa kasalukuyan na nasa listahan namin.

Kung kantahan din lang naman ang paguusapan, hahataw ng husto ang dalawa at hindi magpapakabog sa kung sino man singer natin sa music industry sa kasalukuyan.

Kaya nga maganda yong idea ng Cornerstone Productions na for the first time ay pagsamahin ang dalawa sa isang show na magaganap sa Araneta Coliseum come August 15 para sa mga tinaguriang mga "King and Queen of Theme Songs of this Generation" na akma lang ang ganung "tag" o' katawagan sa kanila dahil most of the teleseryes na napapanood natin sa Kapamilya Network kung hindi si Erick ang may boses sa likod ng theme song, asahan mo, ang boses ni Angeline ang maririnig mo sa opening at closing scenes ng teleserye bukod pa na ginagawang bridge music ang kanta ni "Angge" lalo na ang mga hugot scenes na napapanood natin sa Primetime Bida.

As solo performers swak at stand-out ang kakayahan nila . Kung matatandaan, si Erik ang first grand champion sa 'Star in a Million" noong 2003 at si Angeline naman ang kauna-unahang "Star Power" winner noong 2011 na dahil sa galing nila sa pagkanta, until now ay consistent pa rin ang dalawa sa ipinamamalas nilang talent.

Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ng dalawa ang naturang concert na idi-direk ni Mr. M (Johnny Manahan) para sa mga fans and non-fans ng dalawa na mahilig sa kantahan at manood ng concerts.

Special guests sa concert ay ang mga personal favorites nila na sina Martin Nievera at Regine Velasquez.

Knowing Mr. M, I'm sure hindi ito isang concert-konsertan sa Araneta Coliseum na ginawa lang for the purpose na "mairaos" lang. Mabibili ang concert tickets nina Erick at Angeline sa Ticketnet or tumawag sa 911-555 para sa detalye.

SARAH-PIOLO KISSING SCENE APRUB KAY MATTEO

Gawin ba malaking isyu ang kissing scene nina Sarah Geronimo at Piolo Pascual sa pelikulang The "Break-Up Playlist" ng Star Cinema na ipalalabas na come July 1st?
 

Kahit sinong girls, mapa-dalaga man, may asawa o biyuda, o ‘di kaya’y may senior citizen ID card na, aminado sila na gusto nila si Papa P. Kahit sino, isama mo na ang mga inggitera at inggiterang mga bekis na type nila ang actor; hindi nila aayawan na makahalikan si Papa P. kung bibigyan sila ng pagkakataon.

Sa katunayan, suwerte ng mga nakakaeksena ng aktor sa mga pelikula niya lalo pa't may mga kissing scene sila.

Huwag magpaka-ipokrita dahil I'm sure type mo rin mag-ala- Sarah G. sa pelikula nila ngayon pa ay pwedeng-pwede na makipag-kissing scene ang Pop Princess (with matching approval ng  boyfriend niya na si Matteo Guidicelli) on screen.

Dahil sa kissing scene ng dalawa, hindi ako magtataka kung baka ang magandang relasyon ngayon ni Sarah at Matteo ay maintriga pa.

Aminin man natin, may kilig factor si Papa P. kahit kanino. Sa ngayon, wala pa akong nakikitang male celebrity na puwedeng pumantay sa estado na naabot n Papa P.

Sa pelikula, sa mga Instagram posting ng aktor, may tattoo ang aktor sa kanyang kanang braso na lalong nagpa-sexy sa kanya, lalo pa’t ang mga muscles niya sa kanyang arms ay seksing-seksi na ang karamihan.

 

HOW MUCH ANG PRICE TAG NG KASAL NINA PAUL AT TONI?

Isang kasalan with a price tag? Ito ang komento ng karamihan sa social media sa kasal nina Toni Gonzaga at ang boyfriend na si Direk Paul Soriano na naganap last Friday, June 12, 2015.

Nagtataka lang kasi ang mga netizens maging ang mga taga-showbiz sa kung anong drama na na may personal note pa si Toni sa mga binigyan niya ng wedding invitation nila na huwag ipagsabi ang tutoong date ng kanilang kasal.

"Ano feeling niya, kasal nina Sharon Cuneta-Gabby Concepcion noon na isinara ang halos buong Intramuros?” sambit ng isang showbiz reporter na katsika namin.

Sa Instagram, may mga natuwa dahil at long last ang hinihintay-hintay na kasalan ay natupad rin. Sa post ni @beksgerlyn_23 sa kayang IG Account last Friday evening:” E di kung tutoo na waley dyug sila ni Direk Paul at sacred para sa kanila ang sex, ngayong gabi magaganap ang basagan. Waging-wagi si Toni. Ang guwapo ni Paul at super yummy pa.”

Sa early portion ng TV special ng kasal ng dalawa na napanood namin last Saturday night  pagkatapos ng MMK ay hindi ko ma-gets kung bakit ayaw ipaalam ni Toni ang wedding date nila gayong based sa mga shots ng kamera sa crowd, dalawang hilera lang naman ng mga behave na mga fans ang nagmiron sa kainitan ng sikat ng araw sa labas ng pinagdausan ng kasal.


Basta ang analysis ko, kinalakal nina Toni at Paul ang kasal nila na akala ko ay gusto nila maging private.

Sa tutoo lang mas consistent sina Bianca Gonzales at JC Intal sa kagustuhan nila na maging private ang kasal nila noon na nirespeto naman ng media at ng publiko na hindi naman nagmaramot ang dalawa I-share sa mga pictures na kuha sa kasal nila sa Palawan pagkatapos ng kaganapan. Hindi man nila ibinenta ang "sagrado" nilang pagiisang dibdib para ikalakal ay walang ilusyun of grandeur ang kasal ng dalawa na napakasimple pero soyal huh!

How much kaya ang TV rights na binayaran ng ABS-CBN sa dalawa? Si Direk Paul, na-corrupt na rin sa sistema ng showbiz? Sus! Praise the Lord po tayo !


Friday, June 12, 2015

DANIEL KINARIR ANG RELASYON KAY ERICH?

Diretsahang sinabi ni Matteo Guidicelli na hindi niya pakikiusapan ang girlfried na si Sarah Geronimo na mag-guest sa nalalapit niyang concert together with JC de Vera at Daniel Matsunaga. Malinaw para sa kaya na ang relasyon nila ng Pop Princess ay private. ‘Ika nga ay personal na para hindi magulo at maintriga, kung ano lang ang puwedeng i-share sa mga fans nila at sa publiko ay ‘yun lang. In short, hindi abuso (lenguwahe ng isang showbiz observer).

Kaya may komento ang isang kaibigan namin na  mukhang “kalakal” ang napakaagang relasyon nina Daniel at girlfriend na si Erich Gonzales dahil sa naturang palabas nahilingan ng binata na mag-guest ang GF.

Napangiti ang kaibigan namin at nagtanong: “‘Di ba ‘yan din ang rason kung bakit nag-split sila ni Heart Evangelista na walang malinaw na dahilan pero nag-leak ang tsismis na manggagamit nga itong si Daniel?

“Baka ganu’n din ang sa kanila ni Erich. Ito na ang simula,” dugtong ng kaibigan namin.

Pero matatanda na sila. Si Erich, alam na rin naman siguro niya kung ano ang tama sa mali. Knows na rin niya at mararamdaman kung nagagamit siya o hindi.

Sa panahon na mas marami na ang girls na costumers sa gay bars at mas nagwawaldas ng kadatungan kaya type sila ng go go boys; modern na rin naman siguro ang pananaw ng dalaga sa pakikipag-relasyon.

Keber ang reaksyon ng publiko. Ang mahalaga, masaya siya. Inggit lang talaga kayo sa masaya at “ma-yummy” niyang pakikipagrelasyon sa isa sa mga machong showbiz celebrities natin.

Sana mali ang obserbasyon ng kaibigan namin. Kung kabe-break mo nga lang naman sa boyfriend mo na matagal mo nakarelasyon na akala mo ay siya maghahatid sa iyo sa harap ng altar at magsusuot ka ng wedding gown dahil niregaluhan ka na niya ng napakamahal na diamond ring ay mas madali mahulog ang loob mo sa lalaking susuyo sa 'yo na ibe-baby ka iyo sa yugto ng buhay mo na super emote ka sa break-up nyo' ng boyfriend mo for so many years.

FASHION SENSE OF "JUST THE WAY YOU ARE " STARS

Nakakaaliw tingnan ang mga artista ng bagong romcom ng Star Cinema na "Just the Way You Are"na pinagbibidhan nina Enrique Gil at Liza Soberano na showing na sa Wednesday, June 17.

Sa presscon nila last week mas pinagtuunan namin ng pansin ang mga suot nilang sapin sa paa.

Iba''t ibang style na pakiwari ko ay feeling bahagi ako ng isang fashion magazine na inaantabayanan ang fashion sense , style at taste ng mga Filipino celebrities natin kung ano ang isusuot nila or ipo-porma sa dadaluhan. nila na okasyon.

Sa pagkakataong ito, mahuhulaan nyo ba kung sino ang mga artista ng "Just the Way You Are" ang may suot ng mga ito?

Guwaping ang may suot ng black suede na ito  I'm sure kabilang siya sa bucket list mo na gusto mo maka-date. Kilala mo ba kung sino ang male teenstar na ito?

 How about itong beige stiletto, kilala mo kung sino ang nagmamay-ari nito? Seksi di ba?
 
 Lalo naman siya sumeksi kapag suot ng isa sa mga stars ng "Just the Way You Are" ang pointed  beige stiletto na ito na bagay sa kanya.
 
 Very casual ang sapin sa paa ng guwapong actor na may suot nito. 
 
Kilala mo ba sila? Sige nga hulaan ninyo? Any comment sa mga sapin sa paa na suot ng mga favorite 'nyo na artista sa "Just the Wy You Are"?


ROBIN BAD TRIP SA PALAKAD SA 'PINAS KAYA LUMAYAS

 Umalis last week si Robin Padilla patungong Spain, kung saan magsisimula siya manaliksik sa ugat ng kanilang pamilya as a “Padilla”. Sa Cataluna, Spain yata ang ancestors ng pamilya niya na gusto niyang halukayin ang kasaysayan (bukod sa balita na bad trip na nga ang Idol ng Bayan sa klase ng pamamalakad ng ating pamahalaan sa bayan na kanyang minamahal at inaaruga.


Sayang at nakaalis na siya nang sumagot siya sa Instagram message niya sa amin na hindi namin nabasa early last week dahil gusto namin siya makausap ng personal.

Ang alam namin, ang misis niyang si Mariel Rodriquez, susunod sa kanya. Ang balita nga  ay doon sila muli magbubuo ng kanilang nausyaming “baby”.

The fact na tapos na ang taping niya sa sitcom nilang magkakapatid (Rommel Padilla at BB Gandanghari) sa istasyon ni MVP, mukhang matatagalan nang kaunti ang Idol ng Bayan sa EspaƱa bago makabalik ng ‘Pinas.

Sa kanyang pag-alis last week (inihatid siya ni Mariel sa airport) ay sinimulan naman niya ang bago niyang pelikula, kung saan makasasama niya ang anak na si Kylie Padilla at ang pamangkin na si Daniel.


Sa pagdating nya ng Spain ay dumalaw kaagad siya sa Philippine Embassy kung saan masaya siya tinaggap ng mga kababayan natin doon .

KRIS AQUINO TINALBUGAN NG ASO

Kung istariray si Kris Aquino pagdating sa mga product endorsements, huwag na kayong magulat dahil ang aso niya na si Prada na bigay ni Derek Ramsay sa panahon na ang aktor-aktoran (na idinadaan ang acting sa pagkunot ng noo);ay star na rin.

Talbog tayo madlang pipol dahil si "Prada" na makikilala na rin as the “Dog of All Media” ay may sarili na rin product endorsement.

Siyempre, aso ng isang Kris Aquino, for sure sikat. Celebrity dog si Prada.


Isang Bichon Frise ang breed ng aso na iniregalo ni Derek kay Tetay last year na trending topic pa silang dalawa.

"Prada"  with Kuya Josh & Bimby
May pabitin na tsika si Tetay tungkol sa kanyang aso, na ayon sa kanya ay malapit na simulan ang product endorsement shoot ng aso na si Prada ang star.

Pagbabalita pa ni Tetay ay hindi sila ka-join ng mga anak na sina Bimby at Kuya Josh sa naturang product endorsement shoot at solong-solo ngistariray na aso ang mga eksena. Talbog!

Sunday, June 7, 2015

JANNO GIBBS BIDS SHOWBIZ GOODBYE?

Mamamaalam na nga ba si Janno Gibbs sa showbiz?  Di nga ba’t may kuwento na ang pagiging unprofessional niya ang rason kung bakit ano man gawin niyang effort ay wala na talagang mangyayari sa kanyang career?

Kamakailan, sa press conference ng bagong show niya sa istasyon ni MVP lampas sa talipapa ng Sauyo sa Novaliches sa Quezon City ay hindi sinipot ng singer ang event.

Eto na nga lang marahil ang sasalba sa kanya ay hind pa siya nag-effort para dumalo sa press launch para makatulong man lang siya sa publicity at consciousness ng show para sa sambayan na akala ko noong una ay "relief goods truck" ng istasyon para sa kanilang social commitment para sa mga kalamidad tulad ng bagyo, sunog at demolisyon.

Yun pala, isang Sunday show na halo-halong kantahan at sayawan na iikot sa iba't ibang bahagi ng Kamaynilaan na masisimula na next week (June 14) ;kung saan bukod kay Janno ay kabilang din sina Ogie Alcasid at  Gelli de Belen, ang komedyante na si Empoy,  na sinahugan ng sampu-samperang mga "artista" ng network.



Kaloka ang mister ni Bing Loyzaga. Kung ganito na ang kaganapan, kahit ano man ang alibi ni Janno, waley na waley na talaga. Kawawa naman si Bing sa attitude na ito ng mister towards his work.

Paano kaya hina-handle ng nagma-manage sa karir ng singer kung ganito ang work attitude ng talent nila?

Kung ganito rin lang naman ang kanyang gagawin at wala na siya gana , baka pagod na nga marahil si Janno sa kanyang pinanggagawa.

Sa katunayan ay wala na nga akong nakikitang effort na magpapayat siya dahil itsurang pang-Pista ng Balayan (Batangas) na ang kanyang peg, plus ang hindi magandang reputasyon niya na deadma siya sa kanyang schedules with matching sandamakmak na alibis

Better siguro ay magpahinga na nga siya. Sayang pa naman at ang galing pa rin niya kumanta at hindi naaapektuhan ang talent at boses niya sa pagiging unprofessional niya.

Ewan ko kung ano ang masasabi ng mga kaibigan niya na sina Ogie at Gelli. Baka pati sila pagod na rin sa kanya. Hindi kaya?

ANGEL LOCSIN TAAS KAMAO KASAMA ANG BAYAN MUNA

Natupad na in sa wakas ang mga destinasyon na gustong marating ni Angel Locsin sa Pilipinas. Kamakailan, isa-isa niyang narating ang mga lugar na akala niya ay hindi niya mararating tulad ng Mt. Pinatubo, Mt. Pulag (sa Kabayan, Benguet), at Batanes kung saan siya nag-celebrate ng kanyang kaarawan. Sa latest Instgram posting niya nasa ituktuk siya ng Mt. Pico de Loro na matatagpuan sa Maragndon, Cavite.

Angel in tank top with Aeta kids and friends
 before trekking Mt. Pinatubo


 From a reliable informant, sa darating na May 2016 elections, magpapakilala na si Angel ng kanyang tunay na kulay at paniniwalang politikal sa pagsuporta sa progresibong Bayan Muna Partylist (na identified sa extreme left ng political spectrum); kung saan may iluluklok ang grupo for a seat sa Senate na bongga ‘pag nagkataon.

Kamakaian ay may mabasa kami na imbitasyon ng Bayan Muna Partylist para sa ilang mga kaibigan namin na kabilang sa 'Makabayan Bloc" na andun ang pangalan ng aktres kasama sina international stage actress-activist Monque Wilson, Atty. Cristina Yambot at Rep. Teddy Casino bilang mga signatories para suportahan ang kandidato nila para sa Senado.



The invitation-letter with Angel's signature
Si Angel, makikibaka at magtataas kamao na rin laban sa mga isyu na hindi pinaniniwalaan at pinu-protesta ng Bayan Muna. Pero may katanungan ako, kaanu-ano kaya ni Angel si Party-list Rep. Neri Colmenares? ‘Di ba’t ang tunay na apelyido ni Angel ay Colmenares?


Sa kasalukuyan, tinatapos ng aktres ang pelikulang pagsasamahan nila ng kanyang “future-mother-in-law” na si Vilma Santos with Xian Lim. Ewan ko lang kung magpapasiklab si Xian sa acting niya sa pelikula, the fact na magagaling ang makakasama niya sa obra ni Direk Bb. Joyce Bernal para sa Star Cinema.

SI MIGGY CAMPBELL ANG LALAKING MAY GUSTO KAY MICHAEL

Malakas ang presence niya nang una ko napanood ang music video ni Michael Pangilinan na "Pare Mahal Mo Raw Ako" na official entry ng composer-film director na si Joven Tan para sa K-Pop Himig Handog Love Songs  2014. Naglikha ang kanta ng malakas na following lalo na mula sa LGBT community.

Siya si Miggy Campbell, a newcomer who played the role of a young guy na may gusto kay Michael na siyang pinatutungkulan ng kanta. Siya si Pare na nagmamahal kay Mchael sa komposisyon ni Joven.

Newcomer Miggy Campbell
Una ko nakita ang picture ni Miggy sa Facebook posting ng kanyang manager na si Dominic Rea.

Akala ko nga noong una, hanggang sa music video lang ni Michael ko makikita si Miggy; yun pala ay may ibang plano pa ang manager nya sa kanya.

Nang malaman ko na seryoso si Miggy na pasukin niya ang showbiz, parang nagalangan ako sa screen name na gamit niya. Sabi ko kay Dominic; parang pangalan ng isang cartoon character. Parang hindi angkop sa isang future serious actor kapag nabigyan ng pagkakataon sa showbiz na umarte at magkapangalan. Paano kung nag-mature na siya sa showbiz, pangalang bata pa rin ang gamit nya?

Pinagtanungan ni Dominic ang Head ng Star Music na si Roxy Liquigan. Oks daw ang pangalan na Miggy. At least unique. Pangalan ng bata pero binata pala ang may nagmamayari.


Miggy with Michael Pangilinan
Sa katunayan, malayo na rin ang tinatahak at pagtitiyaga ni Miggy para matupad niya ang pagarap na magkaroon ng konting pangalan sa showbiz. Nagsimula sa mga forgettable "indie movies" na naitawid ng manager niya ng pakoni-konti ang career niya para maging isang legitimate na artista sa showbiz.  Artista na seryoso at hindi sampay bakod lang na kung anu-ano na lang ang mga pinagagawa para lang masabi na taga-showbiz siya.
Pero masuwerte si Miggy dahil matiyaga ang manager niya sa paghahanap sa kanya ng magagandang projects. Sabi ko nga kay Dominic, slow but sure lang at isa na nga rito ay ang bagong teleserye ng Star Creatives para sa Kapamilya Network na "Will Never Say Goodbye"na pagbibidahan nina Richard Gomez at Dawn Zulueta na suportado nina JC de Vera, Sam Concepcion, Assunta de Rossi, Tonton Gutierrez at Jessy Mendiola na malapit na mapanood sa Kapamilya Network.

Di man ganun kalaki ang role na ginagampan ni Miggy sa bagong tele-serye  kung saan masasabing ito na ang biggest break para sa binata ay dahan-dahan nagkakaroon ng katuparan ang ang hinahabi niyang pangarap.
With Maja Salvador
Ito ang simula. Who knows at baka bukas makalawa kapag sinuwerte na samahan ng dasal ay baka andyan na ang ang malaking break na darating sa tamang panahon.

Para sa mga updates and activities ni Miggy, follow him sa Instagram na @miggycampbell.