Thursday, October 1, 2015

ANG LOHIKA NG ISANG VICE GANDA

Tama lang marahil ang sagot ni Vice Ganda na hind ang "AlDub" ang ka-kompitensiya niya.

Una na’y komedyante-host siya. Hindi sya pa-tweetums at iba ang market ng isang VG. Pangalawa solo artist siya at hindi naman love team or may ka-love team siya na pwede makipagsabayan kina Richard at Maine.

Kaya nga no comparison at tama naman at logical. Yun nga lang, dahil sa network wars at ang bangayan ng Eat Bulaga at Its Showtime ay hindi maiiwasan na siya ang puntirya ng mga nangiintirga lalo pa't isa siya sa mga major hosts ng pantangahaling show.

Sa ganang akin, malayo na ang narating ng isang Vice Ganda kung ikukumpara mo siya kay Alden Richards at Maine Mendoza. Sa katunayan, si Vice andun na. Ime-maintain na lang kung anong meron siya at kung anong estado niya. sa showbiz ngayon. Kung gusto pagsabungin ng mga bashers at nangi-intriga si Vice, dapat si Allan K ang direkta na competitor ni VG kung EB at Showtime shows ang pagbabasihan.

Huwag na ipilit na ikinabagsak ni Vice ang AlDub. Forget AlDub. May sarili sila tinatahak na malayo sa pinu-puntirya ni Vice sa kanyang career.

Milya-milya pa ang tatakbuhin ng dalawa. Milyones pa ang pagbabanatan ng buto nina Alden at Maine para mahigitan ang kinita at kinikita ng "Bekilou ng Bayan" kung ito man ang pinupuntirya ng mga nangiintriga at bashers.
 
Actually, nakakatakot ang Aldub kung matatapos na ang akting-aktingan nina Richard Alden at Maine Mendoza sa Aldub characters nila.

Don’t tell me na ngingiwi-ngiwi pa rin si Maine kahit out of her Yaya Dub character na siya at magpapa-bebe wave pa rin si Alden sa ibang mga projects niya?

Sa showbiz, ang nagtatagal ay ang talent at hindi ang karakter na mapapangiti ka saglit na masusundan ng pangalawa . It gets boring kung paulit-ulit na lang at iisa ang tema.

I LOVE YOU JAMES REID

One reason kung bakit gusto ko si James Reid, bukod kasi na guwapo siya at naging instant fan nila ako ng ka-loveteam na si Nadine Lustre ay ang pagiging straightforward niya.


In short ,tutoo lang siya sa kanyang sarili. Hindi showbiz ika nga na “feeling in love” sa kapareha (di tulad ng iba) gayong wala naman at hindi naman yun ang tutoo.

Sa romcom serye nila ng kapartner na si Nadine na “On The Wings of Love” na produced ng Dreamscape Entertainment para sa Kapamilya Network na regular namin pinapanood, nai-in love muli kami dahil sa tambalan nila.ng dalawa.

Sa simula, aminado na si James na there is nothing personal between him and his ka-love team. “Yes we’re friends,” sabi niya sa media launch nila ng serye noon.

Kaya nga nang mapabalita na dini-date niya ang baguhan na si Debs Garcia of the morning serye “Ningning”; isa lang ang sagot ni James sa mga JaDine fans nage-emote sa kanya na at mga bashers na nangangaliwa siya kay Nadine: “ I've never pretended to be anything but myself. Everyone, stop acting so surprised all the time,” diretsahang mensahe niya sa kanyang social media account sa Tweeter.

I love you James Reid. Yan ang gusto ko sa mga artista. Straight forward, walang eklatan. I love you for being true to yourelf na hindi takot na ibalandra ang saloobin in public.

Matangap man ng fans 'o hindi na ang katotohnan ay love team lang sila ni Nadine (na hindi naman naaapektuhan ang rating ng show nilang dalawa) ay keber ng binata. Iba ka kasi James Reid!

JENNYLYN MERCADO PERFECT WIFE PARA KAY SAM MILBY


Sa guwapo ni Sam Milby, sino ang hindi mai-in love.

May pagka-torpe nga lang si Sam na kadalasan sa hindi, nahihiya siya manligaw.

Kaya nga nang magkasama sila ni Jennylyn Mercado sa shooting ng pelikulang “PreNup” sa New York City na produced ng Regal Films, hindi maiiwasan na mahulog ang loob ni Sam kay Jen.

Mukhang may chemistry ang dalawa. Si Jen cowboy na kaya kantiyawan si Sam na sobrang mahiyain na ang basa ko naman ay sobra ang pagkatorpe.

Pero kuwento ni Sam sa media kamakailan; sa ilang araw nilang pagsasama sa NYC, nahulog ang loob niya sa aktres. Kung pagbibigyan: " I would go for Jen," wika ng binata.

Si Jennylyn daw ang babae na gusto niya mapangasawa. Ang traits ng aktres ang gusto niya sa babae na gusto niya  pakasalan.,

Malaking tulong ang halos mahigit 10 days na pagsasama nila sa New York habang sinu-shoot nila ang The Ultimate Romantic-Kilig Movie of the Year na ipapalabas na sa October 14 sa direksyon ng award winning director na si Jun Lana.

Ang naaalala ni Jen kay Sam during their shooting sa NYC:” Maalaga siya. Lagi niya ako tinanatnong kung ano ang gusto ko kainin. Palagi siya may dalang food sa set,” kuwento pa ng aktres.

Sa trailer ng sinasabing "The Ultimate Romantic-Kilig Movie of the Year" na PreNup na palabas na sa October 14; kami man nay personally kinilig at kung tunay ang nararamdaman ni Sam sa aktres, sana maitawid niya ito hanggang sa matapos na ang promo a showing ng pelikula  ng pelikula ni Jun Lana na produced ng Regal Entertainment, Inc.

Regal's PreNup Casts & Director Jun Lana (Photo: Jo Bonsol)
Kasama sa Pre Nup sina Dominic Ochoa and Gardo Versoza (as gay partners) and Ella Cruz.

Sunday, September 27, 2015

MAJA SALVADOR-COCO MARTIN BALIK TAMBALAN SA "ANG PROBINSYANO"

Ang tagal din pala hindi nagsama sa isang project sina Coco Martin at Maja Salvador.

After almost four years ay muli magsasama ang dalawa sa isa sa pinaka-maaksyon na serye sa telebisyon na magsisimula mamayang gabi pagkatapos ng TV Patrol ang ” Ang Probinsyano” na halaw mula sa pelikula ni Fernando Poe Jr.

Sa katunayan, sa ilang beses na pagsasama ng dalawa, nagkaroon ng instant following ang dalawa na tulad ng mga bagets stars at loveteam ng Kapamilya Network tulad nina KathNiel; LizQuen at JaDine’ ang hindi alam ng marami, sina Coco at Maja ay may loeteam din na ang tawag ng mga fans sa kanila ay "CocoJam".

Kung gaano katamis ang palaman na pamahid sa mainit na pandesal tuwing umaga at merienda; ganun din daw ang saya na nararamdaman ng aktor sa muli ay makasama niya  ang isa sa mga hinahangaan niyang leading lady.


The fact na pawing magagaling na mga artista sina Coco at Maja; hindi na isyu ang galing nila sa pag-arte ang paguusapan. Sisiw na lang ika nga and no more publicity spin na naka-focus sa kagalingan nila sa kani-kanilang mga trabaho.

Ang magahala ay happy ang mga CocoJam na muli, ang tambalan ng dalawa ay maipagpapatuloy.

 

Si Maja, loveless. Yong sa kanila ni Paulo Avelino na tsismis na naganap sa London ay hindi na-prosper kaya waley. Si Coco at si Julia Montes, may tsismis pero both ay nnagsasabi na friends lang daw sila.

Pero  for now na regular na muli magsasama sina Coco at Maja sa taping ng action serye; hindi kaya ang naudlot na ipagpapatuloy nila sa “Ang Probinsyano” ay magkakaroon na ng linaw at matibay na pundasyon?

Sa action serye makakasama ng dalawa sina Ms. Susan Roces, Albert Martinez, Bella Padillam Joey Marquez, Ana Roces, Agot Isidro at si Arjo Atayde.

"Ang Probinsyano" ay produced ng Dreamscape Entertainment para sa ABS-CBN Kapamilya Network.

SI MAYOR BISTIK AT MGA KUWENTONG "OFF THE RECORD"

Aliw si Quezon City Mayor Herbert Bautista kapag katsika niya ang mga entertainment press, Talkshow talaga ang  peg niya na kadalasan, ang daming mga “off the record” na mga kuwento na walang recorder na naka-on. Walang magsusulat. Sayang. Pang-headline pa naman. Karamihan, mga kuwento na hindi mo inaasahan ang mainit niyang statement sa  isyu.

Dahil mga kaibigan niya kami noon pa man, waley magsusulat kung ano man ang narinig mo sa usapan na sinabayan ng tawanan.

Sa yearly pa-birthday blow-out niya sa amin, aliw kami at laugh trip dahil dito mo makikilala si Bistik na noon pa man ay kilala na namin noong panahon na siya pa lang si Reneboy na kapatid ni Floredeluna (played by Janice de Belen) sa teleseryaneg panghapon na "Flor de Luna" sa RPN 9 kung saan dumadalaw kami regularly sa taping nila sa Broadcast City sa may bandang UP Diliman.

Malalim ang pondasyon ng friendship namin ni Mayor. Noong panahon na si Mommy Baby (mother of Herbert, Harlene and Hero) ang isa sa mga nanay-nanayan namin sa showbiz na kapag waley datung ang mga bekis, dadaan lang kami sa haybols nila sa may bandang New York sa Cubao (malapit sa simbahan kung saan doon nagpakasal sina Dingdong at Marian); pakakainin na kami ni Mommy Baby. Hindi ko aalala kung uso na ang "gibsung" nun.

Kung hindi ako nagkakamali, si Mommy Baby ang nanay ng mga showbiz writers noon na may ready na food na ipapatikim sa yo kapag dumalaw ka sa kanila. Like ko ang adobong baboy ni Mommy Baby. Sila lang yata noong na open ang pintuan nila sa lahat ng press people na napapadaan sa bahay nila.


Kaya nga siguro ganito si Mayor Bistik ngayon, namana niya sa mabait niyang ina ang ugali. Ang ama naman ni Mayor si Daddy Butch, once or twice lang namin nakasalamuha.

“Gusto ko ipagpatuloy ang nasimulan ni Mama ,” kuwento ni Mayor Bistik sa amin last Saturday over lunch.

Sa mga taga-showbiz, siya lang yata ang naaalala ko na may ganitong get-together sa mga entertainment press yearly.

Kung ikukumpara mo ang family ni Mayor Herbert sa mga artista ngayon, waley. Hindi mo nga alam kung saan sila nakatira. Hindi mo alam kung sino ang ibinabahay nila na lingid sa kaalaman ng mga fans nila. Sina Mommy Baby, Mayor Bistik ang buong pamlya nila, transparent sa mga showbiz writers kaya ang turing ng mga manunulat sa kanila, hindi showbiz kundi kapamilya.

I still remember noon na hindi pa naman uso ang “havey” na datung, si Mommy Baby  pupunta sa bahay namin sa Sampaloc, Manila na karay-karay si Harlene (na nasa edad 10-11 lang yata nun); at may dalang longaniza na napakasarap. Token ng pasasalamat sa naisulat naming sa panganay niya.

Ang layo na ang narating ni Reneboy; ni Bistik at ngayon nga ay si Mayor Herbert or ang tawag namin sa kanya ay MBistik. Milya-milya na mula sa karakter niya sa seryeng Flor de Luna, siya na ngayon ang tagapamahalan ng Lunsod ng Quezon kung saan sa itinagal-tagal namin na pagtira sa kalunsuran (galling kami ng probinsiya ng Central Luzon); sa Kyusi na kami namuhay at nasanay mamuhay.

Sa lunch tsikahan namin with MBistik, naikuwento niya na ang Liberal Party kung saan siya kaalyado ay isinasama siya sa listahan ng mga Senador na isusuga nila sa 2016 elections.

Pero ang gusto ng mga entertainment press ay ipagpatuloy niya ang kanyang paglilingkod sa Quezon City kung saan napatunayan naman na ang kanyang gawain ay swak sa istandard ng mga mamayan na pinaglilingkuran niya sa ilang nagdaang panahon.
Sabi ko personally sa kay MBistik, mas makakapaglingkod siya ng upfront sa mga taga-QC kaysa sa pasukin niya ang pagka-Senador.

Sa nalalapit na announcement n PNOY sa media anytime bago matapos ang buwan ng September ay malalaman kung tuloy si Mayor Herbert sa mas malawak na labanan sa politika for a higher position.

We hope na I-consider ni Mayor Herbert ang mag- run for re-election for Mayor ng QC next year. One more term na lang. Sayang kasi.


By the way, kung napabalita man na hindi na matutuloy ang pelikulang pagsasamahan nila ni Kris Aquino para sa Star Cinema para sa MMFF 2015, sabi ni Mayor Bistik: "Tuloy na ako. As of last night (Friday evening) nagkausap na kami ni Miss Malou (Santos). Sabi, dapat andun ako sa pelikula, Ako daw kasi ang nasa original cast," kuwento ni Mayor.