Saturday, June 6, 2015

SI LIZA SOBERANO ANG BAGONG " PRINSESA"

May tulog ika nga ang dating ni Liza Soberano. Pretty, fresh, at kagalang-galang at super sweet ang dating na kaht sino ang makakaharap niya iisa ang sasabihin nila tungkol sa kanya.

Sa survey na ginawa namin 13 out of 20 na pinagtanungan namin ay gusto siya.
Loveable kasi ang dating niya. Palagi nakangiti. Palaging may ready smile kahit kanino with or withour any camera na nakatutok sa kanya.

Sa media launch ng movie nila ng ka-loveteam na si Enrique Gil na mula sa Star Cinema na "Just the Way You Are"(palabas na sa June 17); ang sweet tingnan ni Liza bukod sa katotohanan na napaka-clean ng dating niya sa amin maging ang imahe na pinu-project niya sa publiko na harinawa’y walang mapasukan na kontrobersiya ang “prinsesa” namin.

Sa ngayon, mas napapansin na siya kumpara noon na nasa anino lang siya ni Kathryn Bernardo na minsan ay kinainisan pa si Liza ng ng mga baliw na KathNiel fans nang minsan siya ang gumanap as the third party sa isang pelikula noon nina Daniel at Kathryn.

Dalawang beses na namin nakasalamuha ng personal si Liza in person. Sa  birthday party yata ‘yun ng manager niyang si Ogie Diaz na walang kulapol na make-up sa mukha.

Hindi tulad ng ibang mga bagets stars na kasabayan niya, kahit walang make-up si Liza, 100% maganda ang dalaga bukod pa sa katotohanan na napaka-sweet at napakaamo ng mukha niya na sasahugan pa niya ng matamis na ngiti.

 May brilyo si Liza na sabi nga namin sa kanyang manager, magtiyaga lang siya, matutupad niya ang kanyang pangarap to be one of the biggest star in showbiz.

Give Liza two to three more years, ang inaaning tagumpay ng ibang artista ay mapapasakanya rin. With the right guidance and work attitude (huwag kalimutan ang magandang pakikipagkapwa tao at PR na tutoo) ay malayo ang mararating ng “prinsesa” namin na baka nga mahigitan pa niya ang mga nagre-reyna-reynahan sa kasalukuyan.


Siguro tama lang na huwag muna siyang magpaligaw kay Enrique "Quen" Gil at baka ma-distract lang ang focus niya sa pag-aartista at sa kalagitnaan ng magandang arya niya ay baka masilat lang sa kalagitnaan.

No comments:

Post a Comment