Sunday, May 31, 2015

ANGEL LOCSIN BUHAY NA BUHAY ANG CAREER

Bongga si Angel Locsin.

Kahit abala sa kanyang shooting sa pelikula ni Direk Bb. Joyce Bernal kung saan makakasama niya ang "future mother-in-law" niya na si Vilma Santos at Xian Lim para sa Star Cinema, may time pa ang aktres sa paliwaliw.


Recently, natupad din ang nasa bucketlist ni Angel na marating ang isla ng Batanes kung saan doon siya nag-celebrate ng kanyang birthday.

Last week, kasama ang ilang mga kaibigan, inakyat din niya ang Mt. Pulag sa Kabayan, Benguet na isa sa medyo may kahirapan na bundok na kadalasan inaakyat ng mga mountain climbers sa bandang Cordillera.

Bago niya natupad ang Batanes at Mt. Pulag trip recently, nagawa na rin ni Angel (with her friends) ang exciting experience niya sa Mt. Pinatubo.

Ngayon, back to serious work si Angel sa pelikula nila ni Ate Vi.

Sa pelikula, she plays the role of a caregiver-nurse ang peg kung saan sineryoso ng aktres ang pag-aaral kung papano mag-inject para mas makatotohanan ang kanyang pagganap sa kanyang role.

Mt. Pinatubo Hike (Angel in tank top) with friends

No comments:

Post a Comment