Monday, June 1, 2015

"I LOVE YOU" SIGAW NG PUSO NI QUEN KAY LIZ

Kung nasa tamang edad nga lang marahil, wala nang kaartehan ay postibibo ang magiging reaksyon ni Liza Soberano sa kapartner niyang si Enrique Gil na mula sa teleserye nilang Forevermore ay naitawid nila sa pelikulang "Just the Way You Are" ng Star Cinema ang kung ano man ang nararamdaman nila, lalo na sa feeling ni Quen na halatang in love at kinikilig ng husto kay Liza.

Bawal pa kasi sa dalaga ang magpaligaw hanggang maging eighteen years of age siya. May katagalan pa kung atat ka na maligawan na ang dalaga at alam mong in love na in love ka.

Sa January 2016 ay magde-debut si Liz na for sure sa mahigit na anim na buwan pa ang paghihintay ng binate may katagalan pa ang waiting period niya.

Pero dahil sa umaapaw na feelings of love ni Enrique kay Liza, kahit bawal pa manligaw, sinabi nito sa press launch ng pelikula nila na palabas na sa June 17 sa dalaga  na mahal niya ito. Hindi lang minsan o makalawang beses niya ipinahayag ang "I Love You" sa dalaga na sinusuklian naman ni Liz ng "Thank you" ang binata.

Hindi man inaamin ni Liz na gusto din niya si Quen, ang tingin at ngiti niya kapag kaharap ang binata ay positibong senyales na pagsapit ng tamang panahon na pwede na siya magka-boyfriend sasabihin din siya kay Quen na: " I love you too!"



Sa movie makakasama nina LizQuen sina Yayo Aguila, Yves Flores at marco Gumabao.

No comments:

Post a Comment