Saturday, June 6, 2015

DANIEL PADILLA'S SOLD-OUT CONCERT

Sa Saturday, June 13 na ang 'Most Wanted" concert ni Daniel Padilla na produced ng ABS-CBN Integrated Events & Star Events na gagawin sa SM MOA Arena. May isang lingo pa bago ang concert pero last week pa lang ay sold-out na ang mga tickets at kung meron man natitira ay pang-SRO na lang.

Kaya kung wala ka na mabibili na tickets ay may bagong pakulo ang mga producers na pwede ka mag-watch sa live feed ala-Paquiao-Mayweather bout ng concert from MOA Arena sa mga piling mga SM Cinemas sa halagang P250.

Mapapanood ang live feed sa mga mga SM Cinemas sa Davao, Cebu, Iloilo, Cabanatuan, Dasmarinas (Cavite); Pampanga and Legaspi City.

Bukod sa mapapanood mo ito sa mga sinehan, pwede ka rin magpa-subscribe sa Sky Cable Pay Per View at sa ABS-CBN Mobile. Magandang atlernatibo itong ginawa ng mga producers (first ever sa local concert scene) lalo pa't hindi lahat ay may pagkakataon na dumayo ng Manila para manood sa SM MOA Arena.

Kung taga- Visayas or Mindanao ka, ka-join ka pa rin sa trending na usapan at feeling mo ay andun ka rin sa MOA at nakikisaya sa konsiyerto ni DJ at hindi ka pahuhuli.

Special guests ng Teen King si Gary Valenciano kasama sina Nyoy Volante, Edgar Allan Guzman ( epek ang panggagaya niya kay DJ sa isang reality talent show); Morisette, KZ Tandingan at ang boyband ng Star Music na "Harana".

For additional information on Daniel's concert please visit Star Records' Facebook page at Facebook.com/starrecordsphil or follow @starrecordsph on Twitter.

No comments:

Post a Comment