Wednesday, June 3, 2015

CESAR MONTANO PUMIYOK SA ISYUNG" BUNTIS" SI SANDRA

At last diretsahang sinabi ng actor na si Cesar Montano na hindi buntis ang rumored girlfriend niya na si Sandra Siefert.

Tinapos na ng aktor ang kanyang pananahimik at nagsalita na rin siya sa wakas last night (Wednesday, June 3) sa mga media na nag-cover ng gala night ng French Film Festival na ginanap sa Greenbelt sa Makati.

Hindi masyado nag-elaborate si Buboy sa "buntisan" isyu na para sa kanya ay may tao na siyang salarin na nagpapakalat ng tsismis.

Pumiyok na si Cesar at ang sabi:"Yung source niyan (buntis issue); hindi naman niya nire-reveal ang sarili niya. Takot siya pumunta sa liwanag. Saka ko na ie-entertain yun kapag matapang na siya pumunta sa liwanag."



Sa ngayon, sa kabila ng denial ng actor ay may ilan pa rin ang ayaw maniwala pahayag niya. Tutoo man o' tsismis ang balitang "buntis" si Sandra, magbilang na lang tayo ng mga four to five months simula ngayon at magpakita si Sandra sa press para patunayan na sinungaling ang nagpapakalat ng balita at si Cesar ang nagsasabi ng tutoo.


 

No comments:

Post a Comment