Monday, June 1, 2015

ALITANG SHARON-KC MAY MALALIM NA DAHILAN

Pakiwari ko'y hindi lang tungkol sa sexy na suot ni KC Concepcion ang hugot ni Megatar Sharon Cuneta na kayang nai-post na reaction sa isang Facebook follower niya na nag-comment tungkol sa kanyang dalaga.

Ewan ko kung nakita na ni Shawie ang mga previous pictorials ng anak na super sexy na iisipin mo na sa mga lehtimong mga artista sa showbiz, hindi mo iisipin na keri ni KC gawin yun kahit sabihin  na natin  na "for the sake of art" or sabihin na natin na liberated lang talaga siya.

May nakapagbulong sa amin na may malalim na dahilan diumano ang conflict ng mag-ina. Hindi lang dahil sa suot nito kamakailan sa recital ng mga nag-summer workshop sa G Force na isinagaw last week sa SM MOA Arena.

Pero ayaw palakihin ng dalaga ang isyu sa kanilang mag-ina. May maikling pahayag si KC kahapon sa opening ng photo exhibit niya na kuha nila ng kaibigang Mark Nicdao na dumayo pa sa Nepal para I-document ang mga scenario pagkatapos ng lindol.

Wika ni KC:" I will love my mom, my mom is my mom forever, so I will love her forever."

Ngayong araw, Tuesday, ay naka-schedule si Shawie kasama ang mister na si ormer Sen. Kiko Pangilnan at mga kapatid ng dalaga na bibisita sa exhibit venue sa Atrium ng SM Megamall.

Ang mga photos on exhibit ay for sale at pipirmahan ng photographer. Ang malilikom sa mga maibebenta ay mapupunta sa World Food Program na matagal na pinu-push ni KC as one of her advocacy to stop hunger sa buong mundo.



No comments:

Post a Comment