Kami rin kinabahan nang mabalitaan
namin na may kalakasan ang lindol dahil andun kasama ang pamilya ng kaibigang
Sylvia Sanchez together with her husband Art Atayde’s family sa Osaka para sa
huling hirit ng baksyon nila for summer
of 2015.
Kasama ni Ibyang at Papa Art ang mga
anak na sina Ria, Gela at Xavi (minus Arjo dahil may taping ito ng Ang
Probinsiyano) at syempre the whole Atayde family.
This Japan trip ay pangalawa sa biyahe na ng
pamilya ni Ibyang. 'Yong una ay sa Tokyo sila ngbakasyon kung saan kumpleto sila
at kasama ng panganay na si Arjo na inakyat pa nga nila ang Mt. Fuji.
Sylvia with youngest son Xavi, Ria, Papa Art and Gela |
Sa Osaka, hindi daw naramdaman nina
Ibyang ang lindol na nagtala ng 8.5 magnitude sa may bandang Ogasawara Islands
na sinundan naman ng isa pa pagyanig with a magnitude of 6.4 sa bandang Izu Island (kinabukasan, Sunday) na nasa bandang norte lang ng
Ogasawara Islands.
Sa pagpapabalik ni Sylvia (anytime this week) maghahanda na siya para sa bagong teleserye niya sa Kapamilya Network na malapit na simulan.
No comments:
Post a Comment