Tuesday, June 2, 2015

MANOLO-MARIS ANG LOVETEAM NA WALANG "SOMETHING"

Ngayong araw, Wednesday ang simula ng showing ng pelikulang ' Stars versus Me" na mula sa direksyon ni Joven Tan na pinagbibidahan nina Manolo Pedrosa at Maris Racal. Sila ang loveteam na nabuo sa loob ng bahay ni Kuya sa PBB kung saan pareho mga housemates ang dalawa.

Cutie ang pelikula na based sa trailer na napanood namin. Ang premise ng movie ay ang paniniwala natin sa horoscope na ang buhay at pag-ibig natin kung minsan ay nakabatay sa sasabihin ng ating mga horoscope.

Interesado na kami panoorin mamaya pagkatapos ng regular Wednesday schedule naming sa Lourdes Hospital.

Sabi, ang tambalang Manolo at Maris na nagsimula sa loob ng bahay ni Kuya ( na ang dalawa ay nagulat sa paglabas nila dahil sa PBB na ang daming mga fans nila ang nagka-clamor na ituloy ng dalawa ang kanilang "loveteam" sa ngayon ngayon na andidito na rin sila sa showbiz at pareho nagaartista.

Kaya nga happy ang mga fans nila na sa unang pagkakataon ay napagbigayan sila na ang "love team" nina Manolo at maric ay naitawid sa isang movie project.

Ang binata na recently ay nagtapos ng high school sa LSGH ay regular napapanood with Janella Salvador sa morning romcom na OMG sa Kapapamilya Network habang si Maris naman ay busy sa promotion ng kanyang musc album mula sa Star Music.

One nice thing about Manolo and Maris' love team, kahit walang "something" na namamagitan sa kanilang dalawa, swak na swak ang chemistry nila on screen na iispin mo na ang walang "something" between them ay may "something" pala.







No comments:

Post a Comment