Tuesday, December 22, 2015

POKWANG HAPPY SA BOYFRIEND NA SI LEE O'BRIAN NGAYONG PASKO

Tunay na hindi mo alam kung saan ka dadalhin ng pag-ibig mo.

Kaya nga natuwa kami kay Pokwang na after so many relatiobships ay nagiging maganda ang itinatakbo ng pakikipagrelasyon nila ng kanyang current boyfriend na si Lee O’brian na nakilala niya during the shooting of her movie last year sa San Francisco, California.

Ang dati’y pa-cute na relasyon lang ni Mamang Pokie at Lee ngayon ay nauwi na sa ila seryosohang relasyon dahil ang American actor ay nag-alsa balutan na at iniwanan ang bahay nito sa San Francisco, para dito na manirahan sa Pilipinas para makasama ang komendyante.

Happy kami kay Mamang dahil ngayong Pasko, makakapiling niya si Lee at magkakasama sila together with her only daughter na si May na tanggap na rin ang boyfriend ng ina.

Sa media launch ng Christmas offering ng Star Cinema sa darating na MMFF 2015 na “All You Need is Pag-ibig” ibinalandra na ni Pokie ang diamond ring na regalo ni Lee O' Brian sa kanya.

Hindi nga lang namin naurirat kung ang singsing na nakasuot sa mga dalliri niya ay isa nang “engagement” ring sa relasyo nila ni Lee or topak lang ng lalaki n gusto gumastos para mapangiti ang kanyang lady love.

In reality, si Mamang happy sa kanyang lovelife compare sa kanyang karakter sa pelikula niya with Kris Aquino, Kim Chiu at Xian Lim at ang tambalang Ian Veneracion at Jodi Santamaria kung saan ang  kanyang ka-long distance love affair sa interenet na isang foreigner ay tila nagbibigay naman ng pasakit sa kanya sa kuwento

The fact na open naman si Mamang sa kanyang lovelife with Lee, malamang sa haybols sa Antipolo ( na minsan na rin namin dinalaw na napakaganda with mountain view nang mag-invite siya ng lunch and tsika para tikman ang kanyang super sarap na laing at halabos na hipon at sopas) na rin si Lee nakatira.

Sa mga manang at ipokrita, huwag na mag-react dahil si Mamang Pokie hindi na menor de edad kung sakaling makipag-live-in man siya sa lalaking mahal niya.

By the way, ang mga parents ni Lee ay parating sa January 2016 kung walang pagbabago sa schedule.

This time, gusto naman nila makilala ang pamilya ni Pokie at syempre, gusto na rin nila madalaw si Lee na ngayon ay pansamantalang isang “legal alien” sa bansa at may sariling career bilang artista sa TV 5 na kamakailan lang ay napanood naman ang trailer ng sitcom na kinabibilangan ng American actor.

Pero ang bonggang balita na dahilan para super happy si Mamang Pokie ngayong Pasko ay ang planong pamamanhikan ng pamilya ni Lee sa pamilya ni Mamang Pokie.

VICE GANDA MUNTIK NA IKINAMATAY ANG "BEAUTY AND THE BESTIE"

Kaloka ka Vice Ganda. Muntik mo na  niya ika-tigok ang buwis buhay niya na eksena sa MMFF 2015 entry ng Star Cinema na "Beauty and the Bestie".

Ayaw kasi ni Vice magpa-double sa helicopter scene kung saan ang tali sa upper torso niya ay muntik na bumigay dahil sa bigat ng katawan niya, na ang mga kamay lang niya ang nakakapit sa rail ng helicopter.

Buti na lang nahawakan ni Coco at ng cameraman ang braso niya at naiangat ang katawan sa muntik na pagkahulog sa gitna ng dagat,

Loka ka. Hindi ka stuntman. Hayaan mo na sa mga double mo ang mga gayong eksena at hindi ka naman action star. Ang balwarte mo ay magpatawa para bigyan ng saya at higit sa lahat ng halakhak sa mga taong trip natatawa sa ginagawa mo.

Huwag k na magtangka sa mga susunod mo na pelikula. Pero si Vice sabi ng "unkabogable star" ngayong Pasko, gusto niya ibigay ng todo. “ Sa sobrang mahal ngayon ng presyo ng ticket para makapanood ka ng sine , gusto ko naman ibigay ang worth na ibinayad ng tao,” sabi niya.

Vice, dapat hinayaan  mo kay Coco ang gayong mga eksena. Aura to the max ka na lang at solb na yun sa akin ang feelingerang" fashion model mo.

Don't worry at pasok na ang pelikula nyo ni Coco sa Top 3 movies na panonoorin ko sa MMFF 2015.

Sa full trailer Laugh trip ako sa bakla. Fashion na fashion ang hitad sa mga outfit niya. Type ko ang super kinky fushia hair niya sa eksena nila ni Coco.

Sa tutoong lang mahirap ako patawanin o' pangitiin ng mga locally produced movies pero itong sa inyo ni Coco hindi ko ipagpapalit sa Big Mac, Large Fries at Coke Float.

XIAN MUNTIK NA ITINAKBO SA OSPITAL KUNG HINDI SUMAKLOLO SI KIM

Nakarating sa amin ang balita last December 20 na muntik-muntikan na isinugod sa ospital si Xian Lim dahil sa biglaan nito pagsusuka at pamumutla habang nagwo-work out sa isang exclusive gym along Timog Ave in Quezon City.

Ayon sa mga nakasaksi ay kumaripas ng takbo si Xian patungong shower area para mag-blow na pakiwari ng nagkuwento sa amin ay baka biglaan na pagbaba ng sugar level ng binata.

After a few minutes ay sumaklolo naman ang ka-love niya na si Kim Chiu na galing diumano sa ng MMFF 2015 entry ng Star Cinema na " All You Need is Pag-ibig".

Kuwento ng source namin na alalang-alala si Kim sa dinatnang sitwasyon ng binata. "Pagdating ni Kim naging instant nurse siya at hindi mapakali kung ano ang gagawin sa nangyari sa boyfriend," kuwento ng source namin na isa rin client ng naturang gym.

Pero got an inside info na before the incident, sa blogcon ng pelikula; both Xian and Kim ay masama na ang boses at tipong may lagnat na sa loob ng katawan dahil sa lagkit ng plema ng mga ubo ng dalawa reason marahil na kahit hindi na maganda ang timpla ng nararamdaman ni Xian ay sumige pa rin ito sa pagwo-workout noong gabing yun,


Pero on the romantic side balita namin na sa Christmas Eve, bukas (December 24) ay darating si Xian sa haybols nina Kim at doon ito salubungin ang Pasko at doon magno-noche buena.

KAHIT BAWAL SABI NG DOKTOR KRIS AQUINO SASALI SA MMFF 2015 PARADE OF STARS

Sa tutoo lang, tiniis talaga ni Kris Aquino na for almost two days ay hindi siya nagsalita. Ito kasi ang doctor’s order sa kanya nang misan isang umaga sa pagising niya ay wala na siyang boses.

Ang bilin ng throat doctor niya, huwag siya mag- talk for the next five days na recently lang (only last Friday) na complete niya ang bilin ng doctor sa kanya na ewan ko kung papaano niya nai-short cut utos ng doctor niya.

Overwork kasi si Tetay. Left and right ang trabaho na kung iisipin mo ay abuso na rin kung minsan (taping forKris TV;  TVC shoot, shooting etc,) na dapat siguro for 2016 ay maghinay-hinaya na siya na pwede niya ika-tigok kung hindi pa niya didisiplinahin ang sarili.

Sa pocket presscon ni Kris para sa MMFF 2015 entry ng Star Cinema last Monday na “All You Need is Pag-ibig” na nasa direksyon ng hugot director na si Antonette Jadone na ginawa sa bahay nila sa Green Meadows, happy si Kris dahil back to normal na naman ang schedules niya.

Pagdating namin, matapos na maayusan, heto’t tsika  to death na naman siya. Nasa front row kami at nasa harap mismo ni Tetay kaya habang naguusap at during the open forum, sa amin  nakatambad ng kasamang Alex Brosas ang focus ni Kris sa tsikhan.

Kuwento niya, during the “no talk doctor’s order”na sinamahan niya ng paginom ng gamot, sinusulat ni Tetay sa yellow pad ang mga mensahe niya kung hindi man sa kanyang ipad para mabasa ng kausap niya ang mensahe na gusto niya itawid.

On strict compliance talaga si Kris na sinunod naman  niya ang kanyag throat doctor. Pero kahit may sakit, ratsada pa rin siya na sa last Monday episode ng Kris TV na bumiyahe sila sa Central Luzon ( Tarlac at umakyat ng Baguio) na sa sobrang lamig ng Pines City, dun siya tinamaan ng husto.

‘I can’t turn down the invitation sa akin (Tarlac). Nag-prepare kasi sila. Kung ang Pampanga is known for their parols; ang Tarlac naman will be known for their belen,” kuwento niya off-cam sa amin,

Kaya nga last week, hindi visible si Kris sa TV promo ng pelikula niya at sina Kim Chiu at Xian; Ian Veneracion and Jodi Santamaria kasama si Pokwang at ang anak na si Bimby ang masipag magpalipat-lipat sa mga mall shows para sa promo ng pelikula.

We’ve learned from Tetay that she plays the role of Love na isang love adviser on television. Sa presscon, ang daming hugot and emote ni Tetay at isa na nga rito ang ma plano nya for 2016 at muli ay ang tungkol sa relasyon ng dating mister na si James Yap at sa anak nito na si Bimby.

Mamaya sa Parade of Stars ng mga entires sa MMFF 2015, kahit bawal na mabilad sa araw si Kris dahil binabantayan ng doctor niya ang kanyang hypertension ay join pa rin siya sa parade.

JENNYLYN MERCADO MAY GOOD VIBES PARA MAGING BEST ACTRESS SA "WALANG FOREVER"

Now it can be told na tila may usapan na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo not to talk about their” relationship”.

Mula nang makabalik ang dalawa galing sa kanilang Amsterdam vacation kamakailan, very elusive ang dalawa sa issue kung nagkabalikan na silang dalawa tulad sa hinala ng marami.

Depensa ni Jen:” It’s not true, Super busy ako sa promo ng Walang Forever,” paiwas pa niya.

Sa darating na MMFF 2015 may pelikula si Jen with Jericho Rosales na kaibang-kaiba sa last year entry niya na “English Only Please” na produced ng Quantum Films na nagbigay sa kanya ng acting award.

Basta kami, paniwala namin, nakatulong ang recent vacation nina Jen at Dennis sa Europe para maayos nila ang nabitin nilang relasyon noon.

Sa European vacation nila, para  pampa-kilig sa mga fans nila ay bumili ang dalawa stuff toys sa isang mall para alagaan.

Sige na nga, “friends” lang sina Jen at Den na malamang aamin din ang dalawa after ng maipalabas ang pelikula ng aktres with Echo. Si Den kasi ang pampa-good vibes ng aktres

Last Tuesday evening nagkaroon ng special screening ng "Walang Forever" na tulad ng inaasahan malamang daw ay mahirang na "Best Actress" si Jenylyn sa pelikulang ito tulad last year dahil sa ganda ng pelikula ni Direk Dan Villegas.

BRASO NI JEROME PONCE HAWAK-HAWAK NI JANELLA SALVADOR SA MIDNIGHT SCREENING NG HAUNTED MANSION

First in Philippine Movie History  ay nagkaroon ng “Midnight Screening” ang isang pelikula tulad ng “ Haunted Mansion” na entry ng Regal Films para sa MMFF 2015 na mapapanood na sa darating na Friday, araw ng Pasko. 

Marlo, Janella and Jerome
Maganda pang set ng mood para sa isang horror movie bukod sa katotohanan na ayaw ng distributor ng foreign movie na Star Wars na mag-cancel ng last screening nila  just to give way sa special screening ng pelikula ni Mother Lily.    

In fairness, ang daming mga gulat factor na mga eksena sa pelikula. Ilang beses din ako nagulat. Natakot ako sa eksena ni Janella Salvador na pinasukan ang katawang lupa niya ng masamang spirit na ang tingin niya ay tumatagos. Natakot ako sa eksenang yun. Nangilabot ako.

Last Friday evening wala si Marlo Mortel sa midnight screening sa Greenhills Theater ng "Haunted Mansion" kaya suwerte ni Jerome Ponce at siya ang katabi sa upuan ni Janella Salvador who was good sa role niya as the love interest of Marlo and Jerome.

Daming mga eksena sa pelikula na ikagugulat mo na akala mo ay simple lang. Dahil katabi ni Jerome si Janella sa upuan; ilang beses kaya napahawak ang dalaga sa braso ng binata kapag nagugulat ito sa mga eksena sa pelikula?

JOHN LLOYDE CRUZ SASALI SA PARADE OF STARS NG MMFF 2015

Natatawa si John Lloyd Cruz tungkol sa bakasyon  ng girlfriend na si Angelica Panganiban na bumiyahe ito at nagbakasyon sa New York City kamakailan na mag-isa.

Akala ng marami, may problema ang dalawa . In short, split na sila the fact na kapag nagbabasyon ang magkarelasyon, as always and as expected ay palagi sila magkasama.

Pero sa NYC vacay ni Angelica, isang “Me and Myself “mode pala ito ng aktres na nirerespeto naman ni Lloydie kaya hindi isyu ito sa kanya.

Naniniwala siya na ang relasyon nilang dalawa ay hindi nakakahon They enjoy each other’s company. They love each other na hindi kailangan na magkasama araw-araw.

Kaya nga ngayong busy ang aktor na katatapos lang ng pelikula niya with Bea Alonzo, ay abala naman siya sa promotion ng kanyang first MMFF entry na “Honor Thy Father” na isang non-conformist film na ginawa niya dahil gusto niya without thinking the box-office result.

Usually, kapag MMFF pelikulang pampasaya or pampamilya ang mga entries. Pero with “Honor Thy Father”, alam ni JLC na mabigat ang tema na handa siya at ang mga kasamahan sa produkyon sa kung papaano matatangap ng moviegoers ang obra ni Direk Erik Matti. The film ay hindi pang-Papa Lloydie ang tema. In short, hindi pang-Popoy ang obra. In short, out of the box from the usual JLC movie or karakter.

Sa isang eksena, mabigat at may kurot sa puso yong paguusap nila ng anak niya na nalalagas ang buhok dahil may cancer ito. Nahihiya ang bata na lumabas para makipaglaro sa mga kaibigan niya kaya para patunayan ng ama sa anak na mali ang iniisip nito, kinuha niya ang salamin at pinahawakan sa anak at siya mismo ang nagtastas sa buhok niya sa harap ng bata para maging kalbo tulad ng sa anak niya.


Ang galing ni JLC sa eksena na yun na pakiwari ko’y siya lang ang makakapagtawid ng gayong eksena sa mga kaliga niya.

Si John Lloyd, palaging may pang-gulat kapag may pelikula.

Sa mga nakapanood na ng “Honor Thy Father” na una ipinalabas sa opening night ng Cinema One Original only this year, malakas ang laban ni Lloydie na maging Best Actor sa MMFF  2015 Gabi ng Parangal.

Happy si John Lloyd na for the for the first time ay sasali siya sa MMFF. “Excited ako sa Parade of Stars” kuwento niya

Monday, November 30, 2015

ALEX GONZAGA NAGMUKHANG KATAWATAWA

Nairaos ang 7th PMPC Star Awards for Music kamakailan sa KIA Theater (dating New Frontier theater during the 80's sa Cubao) a couple of weeks ago sa kabila ng ilang mga eksena sa performances ng mga nag-singer-singeran na nagmumukha tuloy engot sa mga pinangagawa nila.

Agaw pansin sa akin ang back to back performance ni Alex Gonzaga at Aicelle Santos(of PETA’s Rak of Aegis) na kitang-kita ang difference kung sino talaga ang tunay na  mangaawit sa kanilang dalawa.

Una kumanta si Alex (another lip-synch number) na novelty na naman na seque sa performance ng isang “tutoong singer” like Aicelle.

Kaya tuloy nagmukhang katawatawa itong si Alex at maikukumpara mo talaga kung sino ang tunay sa tinubog lang.

Kung sino man ang nagma-manage sa career ni Alex, dapat sa susunod, itanong nila sa script writer ng show or whatever kung sino ang makakasama ng “alaga” nila on stage.
Aicelle Santos
Nagmukhang kawawa tuloy si Alex na ipinagsabay ba naman sa isang production number with a real singer. Tuloy, nagsa-suffer ang isang singer-singeran sa galing ng isang tulad ni Aicelle.Okey lang kung isang chorus or group performance ang ginawa nina Alex at Aicelle with other “singers”. Kaso may kanya-kanya silang highlight ng kanilang performance na kung sa probinsiya lang nangyari yun, malamang na "boo" na si Alex or may nambato na ng kamatis sa kanya sa entablado.

YSABEL ORTEGA MASAMA ANG LOOB KAY SEN. LITO LAPID

Hindi man niya sinasabi na may problema sila ng kanyang ama, hatala at ramdamn mo na may sama ng loob ang baguhan na si Ysabel Ortega (anak ni Sen. Lito Lapid at dating That’s Entertainment sta na si Michelle Ortega ) na nami-miss niya ang kanyang ama.

Almost a year na pala hindi nakikita ni Ysabel si Sen. Lito. The last tme na nagkita sila at nagkausap was almost ayear ago (last December 2014) kung saan nagpaalam siya sa ama na gusto niya pasukin din ang showbiz.

Sa interbyu namin kay Ysabel sa pamamagitan ng manager niya na si Ogie Diaz ng OgieD Productions, Inc. napaluha ang dalaga nang uriratin namin ang relasyon n dalaga sa kanyang ama.

Nahihiya man aminin nito na may problema sila ng ama; alam may may pinaghuhugutan ang dalaga.

Lately, kapag tini-text ni Ysabel ang ama, hindi daw ito nakakapag-reply sa kanya. Pero naniniwala ang dalaga na kahit nabawasan na ang pagkikita nila ng ama na si Sen. Lapid ay hindi pa rin siya bumibitaw. “Baka busy lang. The last time sabi niya sa akin; nect year he will run for a seat as Mayor of Angeles City. I love my dad. Wala ako sama ng loob sa kanya,” panigurado sa amin ng dalaga.

Si Ysabel who plays the role of Angela sa hit teleseryeng “On The Wings Of Love” (OTWL) ang sinasabing panggulo sa magandang relasyon nina James Read at Nadine Lustre reason kung bakit bina-bash na rin siya ng mga JaDine Fans.

Ysabel with her manager Ogie Diaz
“Pero naiintindihan ko po sila. Noong una I get affected pero later on na-appreciate ko ang reaction niya dahil effective pala ako sa role ko. Ang alam ko po kasi later on sa kuwento ide-develop na ako po yata ang magigign third party sa relationship nila,” sabi ng dalaga na super pretty.

MARION NO TIME FOR LOVE

Ang sipag ni Ms. Lala Aunor, ina ng singer na si Marion dahil bukod sa pagtulong personally sa paghahandle ng publicity ng mga shows ng kanyang anak ay siya mismo kusang nagde- disseminate ng information ng mga kaganapan sa career ni Marion.

Sa katunayan come December raratsada si Marion sa series of shows niya sa USA and Canada.

Aalis ang ma-ina (kasama na rin si bunso na si Ashley sa December 16 kung saan doon na sila magi-spend ng Christmas and New Year.

Loaded ang schedule ni Marion sa last stretch ng 2015.

Sa mga fans niya sa New York and New Jersey and San Francisco here’s Marion's schedule:

A show at D’ Haven  (New York) on Dec. 18; Step by Step Dance Sport (New Jersey) on Dec. 19 produced by Chris Bautista of SIRHC Productions; Ichiban Comedy Bar(San Francisco, CA) in Dec. 20;Canada Inns Destination Center Transcona (Winnepeg, Canada) on Dec. 27 produced by Rey Ar Reyes.

Last Sunday Nov. 29 sa promo tour ng kanyang 1st album na ginawa sa Lucky Chinatown Mall, enjoy ang mga nanood. Sa katunayan, sold out ang mga cd's na ibinenta nila sa entrance ng show venue.


Sa show Marion sang two of our favorites from her album na "Free Fall Into Love" at ang personal favorite ko na “Ako Siguro” composed by her sister Ashley na super hugot ang mga lyrics at tama ang timpla ng melody.

Sa susunod na taon (2016) magkakaroon naman ng grand launch sa first quarter of the new year ng kanyang 2nd Album mula sa Star Music simply titled “Marion” (wala na Aunor na karugtong sa professional name ng singer-composer) at ang kanyang firtst ever acting experience sa pelikulang “Tibak” mula sa direksyon ni Arlyn dela Cruz.

Ngayon, tell me kung saan isisingit ni Marion ang kanyang “lovelife” sa sobrang hectic ng work schedules niya. 

Sunday, November 1, 2015

ANG PAGLILINGKOD NI RICHARD GOMEZ SA ORMOC

What if kung mananalo si Richard Gomez sa darating na May 2016 election? What if kung mahalal siya bilang Alkade ng Lunsod ng Ormoc sa Leyte sa pagkakataong ito?  Paano na ang showbiz career ng aktor?

Nag-file officially ng kanyang COC si Goma last October 16, sa huling raw ng filing sa mga interesado sumali sa 2016 May Election.

Malaking panahon ang ilalaan kasi ni Goma pagnagkataon sa pagsisimula na ng kampanya:” Yung campaign period naman will be 45 days lang but ang pag-come out ko talaga as a candidate for Mayor sa Ormoc is really a sacrifice sa trabaho ko, sa career ko, and for the family.

“It's very seldom na yung mga artista ay magkaroon ng second chance or second wind sa career nila.That's why this is really a very big decision to let go of this success.”

Paniwala ni Goma:” Sacrifices have to be made and somehow, I feel sad dahil alam ko na mababawasan ang magiging trabaho ko dito sa showbiz and at the same time we’ll never know kung ano ang mangyayari sa akin, kung papalarin akong maging mayor ng Ormoc someday but I'll make sure na kayo ay pupunta sa amin dun sa Ormoc, at marami tayong gagawin dun."

Nag-desisyon ang aktor na tumakbo muli at subukan ang  local politics sa kagustuhan niya na makatulong sa mga taga-roon na noon pa man ay nasimulan na niya kahit wala pa siya sa posisyon. Gusto kasi ni Richard na magdala ng pagbabago sa buhay ng mga kababayan  niya.


Naniniwala ni Goma: "If you really want to bring change sa tao, you really have to be in a position in government.That's where you can make decisions and changes. As a regular person, you can only do so much."

Kung sabagay, subok na rin naman si Goma ng mga taga-Ormoc. Noon pa man, sa kasagsagan ng recovery ng mga nasalanta ng delubyong si Yolanda almost two years ago;, makikita mo ang effort ni Goma, kasama ang misis niya na si Congresswoman Lucy Torress ng 4th District ng Leyte kung gaano nila kamahal ang mga taga-Ormoc at ang kinasasakupan ni CW Lucy.

Sa sarili nilang sikap at mga koneksyon, nag-effort  ang mag-asawa na makapangalap ng donasyon para makatulong sa kanilang mga kababayan.

What if kung manalo si Goma as Ormoc City Mayor? Paano ang magiging kahihinatnan ng teleserye niya ni Dawn na magsisimula pa lang sa Kapamilya Network?

Paniguro ni Goma na hindi niya iiwanan ang bagong serye nila ni Dawn:” Kung sakaling manalo ako, dadalhin ko ito dun sa Ormoc. Doon tayo magti-taping," pabrong pahayag niya.

Nakapaghihinayang din  naman kasi na sa muling pagiging aktibo ni Goma sa showiz ay mauudlot na naman gayong halos lahat ng mga teleserye na sinalihan niya at pelikula na sinamahan niya sa muli niyang pagbabalik pag-arte after niya mag-resign as chief of staff ng office ni Congresswoman Lucy Torres ay mawawala at maglalaho na naman.


Kung pwede naman pagsabayin ang showbiz and politics,why not? Alam ko, ang serbisyo ni Goma sa mga taga-Ormoc noon pa man at pagnagkataon ay mas mgiging maganda lalo pa na magte- team-up nila sila ng misis niya na si CW Lucy dahil mas magkakatulungan sila na paigihin ang pamumuhay ng mga kababayan nila.

IN LOVE SI SYLVIA SANCHEZ

May sariling kuwento ng pag-ibig din sina Sylvia Sanchez at Rommel  Padilla sa morning pampa- good vibes serye na "Ningning" na napapanood sa Kapamilya Network.

Yes, ang dating masungit na si Mang Cris (Rommel) ay tila in love na kay Mamay (Sylvia).

Yes, there is life sa mga pasado 40 at ito nga ang kuwento nina mamay at Cris sa morning-serye.

Kaya nga nakakatuwa tingnan ang “kilig moment” ng dalawa lalo pa’t sino ang magaakala na sa edad nila pareho ay muling titibok ang mga puso nila sa isa’t isa.

Maging si Ibyang (Sylvia) kinikilig din sa kuwento nilang dalawa ni Mang Cris. “Mas tutoo kasi. Alam mo yun ang nangyayari sa dalawang tao na gusto nila sa isa’t isa. Di ba may eksena na akyat ligaw pa si Mang Cris at may dalang barbeque? Pati love notes na bigay niya kay Mamay, kasama sa mga eksena,”  paliwanag ng aktres sa amin na pukpukan ang taping sa Ningning dahil sa darating na Friday, November 6 ay paalis siya kasama ang manager niya na si Tita Ange para dumalo sa 14th Gawad Amerika Awards na magaganap sa Celebrity Centre International sa Hollywood, Los Angeles (Calfornia) sa darating na Sabado November 7.

Kabilang sa mga celebrities and personalities na bibigyan ng parangal ay sina Boy Abunda ( Hall of Fame); PAO Chief Atty Persida Acosta and  singer Mitoy Yonting.
 

Sunday, October 25, 2015

LALA AUNOR SUWERTE KINA MARION AT ASHLEY

Naimbitahan kami sa 18th birthday ng anak ng kaibigang Maribel ‘Lala” Aunor last Sunday, October 25. September pa lang, nakatangap na kami ng invitation sa FB namin mula sa Reyna ng Apat na Sikat of the 80’s and only last Thursday, a few days before the big event  ay muli nagpaalala siya sa amin about the party ng anak..

Tres Marias (Lala, Ashley & Marion)
Wow debut. Pero ayaw daw ni Ashely ng debut party na naka-gown siya with matching 18 candles or 18 roses (which is which ba?). Ayaw niya ng the "usual" 18th birthday party na naka-gown at pormal-pormalan.

Very 70’s ang theme ng party na ginawa sa Blue Leaf sa City of Dreams sa Paranaque. Maganda ang production design na very hippie ang dating. From props to the color palette; swak sa konsepto na gusto ng celebrant.

Happy Hippie Holiday ang theme ng party. Ang saya. Lahat ng mga bisita in full costume as required. Kaya naalala ko ang panahon ng Woodstock, The Beatles; The Papas & The Mamas at mga musika at lifestyle ng dekadang yun,

Ashley Aunor

Sa 18 birthday party ni Ashley namin una narinig ang komposisyon ng “The Rockstar” na anak ni Ms. Lala na kabilang sa album ng ate niyang si Marion.

Ang ganda ng tmusika at titik ng “Ako Siguro”. May hugot ika nga. Pang-emote na bagay sa boses ni Marion na this time, kapag pinagukulan ng pansin ng Star Music at mai-promote ang kanta; ito marahil ang kanta na maglilikha at magtatak sa kamalayan ng mas nakararami lalo pa’t ang imahe ni Marion ay hindi pang-masa.



Ashley & Marion performing " Ako Siguro"
Sabi ni Ms Lala sa amin, plano nga daw ni Ashley na isama sana ang kanyang komposisyon sa Himig Handog competition next year (2016) na malaki ang chance na manalo when we heared it na pinagtulungan kantahin ng magkapatid habang si bunso ang tumitira sa lead guitar sa party na maisama ito sa album ng kanyang ate.

“Gagawa na lang daw siya ng isa pa,” text information sa amin ni Ms. Lala. :Yun ang gusto niya. Ang ganung mga klase ng music na magpagka-fast ng beat," dagdag pa ng ina,

Sa mga kaganapan na nangyayari sa kanyang mga anak happy si Ms Lala. Marion is doing good as a singer and composer while si Ashley naman nagtapos ng high school sa Assumption College (kaya pala inglisan ng inglisan ang mga high school friends niya na dumalo at andudun sa party) at ngayon ay nagaaral ito ng culinary sa Endurun College ; happy si Ms. Lala at mababait ang mga anak niya at walang pasaway.

Mamay Belen
Sa katunayan suwerte ni Ms. Lala sa mga anak,

At Ashley's 18th birthday bash, andun din at present si Mamay Belen ang ang Lola nina Marion at Ashley.





Saturday, October 24, 2015

SINO SI TITO BUBOY SYJUCO?

Noong Sabado nasa event ako ni Tito Buboy Sycujo sa imbitasyon ng kaibigang Jobert Sucaldito.

Habang ang AlDub Nation ay di magkamayaw na nage-enjoy sa pinapanood nila sa Philippine Arena; at ang mga maka-Showtime ay nage-enjoy sa pasabog na mga performances ng mga hosts; kami naman  kasama ng ilang mga entertainment press at mga news reporters ay kasama namin si Tito Buboy.

Pangalawang pagtatagpo namin ito ni Tito Buboy na noong una ay yong deklarasyon niya sa media na kinabukasan (simula ng unang araw ng COC filing) ay sinabi niya na magpa-file siya at makikipagsabayan sa ibang mga kandidato.

Matagal na namin naririnig ang pangalan ni Tito Buboy. May mga kamaganak kasi kami sa Iloilo (Estancia at Balasan) at mga kaibigan kung saan minsan din siya naglingkod bilang Congressman  at recently nga as TESDA Director General sa panahon ni President Gloria Macapagal Arroyo.

Sa naturang media announcement, ibinalita ni Tito Buboy na nag-file siya ng 24 cases of graft and corruption laban kina Drilon, Abad,  Abaya at ilan pa sa mga “grafters” of this government (PNoy).

Sabi ng mga istambay at mga miron  sa political arena na nakikisaw-sawa; si Tito Buboy daw ay kabilang sa mga “nuisance” candidate na nag-file sa COMELEC.

Pero ang katotohanan, papaano mo siya ihahanay bilang "nuisance" candidate who have attained 4 Doctoral Degrees; 2 Masteral Degrees;  a BSBA Degree with Honors. Kahit saan mo man tingnan he is a successful and an accomplished man. Hindi naman siguro siya sumulpot na lang na parang kabute na out of nowhere ay gumising ng maaga para maligo, magbihis at pumunta ng COMELEC para mag-sumite ng kayang COC.

As a backgrounder, Tito Buboy was a Congressman for 3 terms sa Iloilo at siya din ang author and sponsor ng  ating Dual Citizenship Law af Overseas Voting Law na tinatamasa ng mga kababayan natin overseas ngayon para i-practice ang kanilang karapatan.

Tito Buboy with Jobert and Manay Lolit

Maging si Ate Lolit Solis (CelebriTV Host) & Mrs. Crispina Belen (dating entertainment editor ng Manila Bulletin) ay may magandang karanasan kay Tito Buboy  na hindi nila ini-expect or inaaahan when they met him in San Francisco (California, USA) years ago na isusulat ko na lang one of this days ayon mismo sa first-hand experience ni Manay Lolit  at Mrs. B. Kumbaga, si Tito Buboy ay friend na siya ng mga taga-showbiz noon pa man

Last Friday, October 23 ay nag-file si Tito Buboy ng Complaint-Affidavit sa tanggapan ng Ombudsman sa Makati  dahil sa Pork Barrel ni President BS Aquino na hindi hamak diummano mas malaki sa halagang P200 Billion kumpara sa kasong isinampa sa PDAF Scam ni Janet Lim Napoles.

Tulad nga ng battle cry ni Tito Buboy: “Maki-Baka ‘Wag Maki-Baboy Kadiri!” Dahil sa kayang advocacy na linisin ang gobyerno ng korupsyon sa abot ng kanyang kakayahan; suportado siya ng Pinoy!

Sunday, October 11, 2015

ANGEL LOCSIN ARTISTA NG BAYAN PARA KAY NERI COLMENARES

Parang pista ngayon ang mga kaganapan sa COMELEC sa Intramuros dahil sa unang araw ng filling ng COC (Certificate of Candidacy) na magtatagal hanggang Biyernes October 16.
 
Angel with Rep. Neri Colmenares
Kanya-kanyang gimmick ng mga kandidato; kanya-kanyang pakulo para agaw-eksena at mapansin ng mga media na nagko-cover ng mahalagang event.

Isa sa mga stand-out ang presence kanina ay ang aktres na si Angel Locsin. Bukod kasi sa maganda, madami ang nagtataka kung bakit naroroon ang aktres at kasama ang Makabayan Coalition na sumumusporta sa kandidatura ng Bayan Muna Partylist na Neri Colmenares who is running for a seat sa darating na May 2016 Election as a Senator.
 
Sa mga hindi nakakabatid, si Angel ay malapit na kamaganak ni Rep. Neri (tiyuhin) kung saan ang kapatid ng aktres na si Angela ay isa sa mga staff ni Rep. Neri.
 
Dahil sa exposure ni Angel at sa giya na rin ng nakatatandang kapatid sa iba't ibang isyus panlipunan ay hindi maiiwasan na mamulat siya at maging involved sa kabi-kabilang mga issues na para sa aktres ay mahalaga.
 

Sa katunayan, bago pumutok ang istorya sa media a few months ago tungkol sa mga Lumad killings sa Mindanao, nagkaroon na ng exposure si Angel sa naturang tribal community na minsan nakasalamuha niya at nakaharap in person ang ilan sa mga napatay na mga pinuno ng komunidad (may isinulat kami kamakailan tungkol sa karanasan ng aktres dito).
 
Sa mga hindi nakakaalam, hindi man nagkakaroon ng showbiz publicities ang mga advocacy ng aktres; kaliwa't kanan naman ang kanyang mga gawain at involvement  sa mga issues and concerns na kanyang pinanniwalan na mabibilang mo lang (kung meron man) mula sa kanyang hanay and hopefully, maging ang boyfriend na si Luis Manzano ay mahikayat niya para makasama  sa kanyang pinaniniwalaang simulaan at gawain.

Sabi ng aktres kaninang umaga nang ma-interbyu siya ng media: "I am calling for the military pullout from lumad ancestral lands."

Dagdag pa ni Angel na the fact ang mga lumad refugees ay tumatangi na bumalik sa kanilang mga bahay ay dahil sa takot ng mga ito sa mga militar.
 
 
Angel with Gabriela Partylist Rep. Emmi de Jesus( in pink shirt)

With Angel's busy showbiz schedules lalo pa't may pelikula siyang ginagawa with Vilma Santos para sa Star Cinema, nangako naman ang aktres ang kanyang suporta para kay Rep, Neri Colmenares.
 
Mabuhay ka Angel Locsin,. Goodluck Rep. Neri Colmenares
 
Photos: Tudla Productions

Thursday, October 8, 2015

KRIS , WALEY LEVEL UP SA "ETIQUETTE FOR MISTRESSES"

Inaya ko last Friday evening ang isang lalaking kaibigan na manood ng Etiquette for Mistresses. Inaabangan ko kasi na every Wednesday is my movie day dahil araw ng palitan ng mga pelikula. Pero dahil ang daming tao noong opening day para mapanood ko ang obra ni Direk Chito Roño, ‘di na ako nanood at nakipila at mahihirapan ako.

Pero noong Friday(last week) at maaga ako nasa mall, sabi ko sa sarili ko, dapat mapanood ko na ang pelikula na pinag-uusapan nila. Inaya ko ang isang kaibigang lalaki na manood kami. Ayaw niya at “baduy” daw. Ang gusto, ‘yong English movie na The Martian. Kaso 9:30 pm pa ang screening and might as well na hindi masayang ang waiting time namin, hayun napapayag ko rin siya na i-appreciate ang sinasabi niyang “baduy” at saka namin panoorin ang pelikula ni Matt Damon pagkatapos namin panoorin ang pelikula tungkol sa kuwento ng apat na mga kabit.

Pero si mokong na-enjoy niya ang pelikiula. “May aral naman pala. Parang kuwento ng kaibigan ko na nasa Saudi na may kinakasama noon na ‘yong tunay niyang asawa na hindi sila nagkaanak, nagkahiwalay sila. Ayaw kong mangyari ‘yun sa pamilya ko,” komentaryo niya.

We like the film. Simple ang pagkalahad ng kuwento na portion by portion, ang mga rules ng pagiging kerida ay isinasalarawan based sa mga pangyayari sa buhay ng mga kerida sa pelikula nina Kris, Kim Chiu, Iza Calzado, Cheena Crab, at ang nagbabalik na si Claudine Barretto.

Oks ang movie sa amin. No wonder karamihan sa mga manonood ng pelikula ay mga babae na kung hindi man mga magkakabarkadang mga girls (21years old and above market), mga mister nila or boyfriend ang kasama.

Komentaryo nga ng kasama naming lalaki that evening, “Puro mga babae ang nanonood. Ilan kaya sa kanila riyan ang mga mistress? Sino kaya ang mga legal wife sa nakapila ang may problema sa mister nila dahil nangangaliwa?”

Magaling si Claudine kahit may kalakihan pa rin siya on screen na oks naman dahil reasonable naman na sasagutin ng pelikula . Si Iza at Cheena, oks na oks sa kani-kanilang mga roles lalo na si Kim na dahil ang pa-tweetums na image niya ay nabasag na rin sa wakas sa kanyang role as a young kerida.

I was expecting na si Kris ay umayos na. Akala ko nag-level up na siya. The last film na napanood ko sa kanya was ‘yong pinagsamahan nila ni Coco Martin last MMFF 2014 na Feng Shui 2. Akala ko, may changes na to a higher level ang pag-arte ni Kris na love na love ko sa pagiging TV host niya.

Basta ako iritado sa boses niya sa pelikula na mamaos-maos na kapag nagpapaka-hyper na siya sa kanyang eksena, boses na parang pinupunit na yero o ‘di kaya’y chalk na iginuguhit sa blackboard ang tono.



Sabi ng mhin na kasama namin nanood, magaling daw si Claudine. In short natalbugan si Tetay ng nagbabalik na aktres.

No wonder, sa ilang mga film reviews tulad tulad sa Rappler.com at sa Philippine Daily Inquirer, hindi nabangit ang name Tetay bilang isa sa mga magagaling sa pelikula.

For me, Etiquette for Mistress ay pelikula na sigurado ako na hindi ninyo ipagpapalit sa Big Mac, Large Fries at Cola float. Gora na!

MGA BABAE TAKOT MAHALIN SI GERALD ANDERSON

Trabaho lang para kay Gerald Anderson ang pagsasama nila ng dalawang ex-girlfriends niya na sina Maja Salvador at Kim Chiu sa isang dance production number sa isang show ng Kapamilya Network kamakailan.

Kung maaalala pa, sa split-up ni Gerald kay Kim (na kung tama ang pagkakaalala namin ay first love siya ng dalaga), hindi nai-reveal kung ano ang reason ng paghihiwalay nila na nagwasak sa katauhan ng dalaga.

Lately na lang ni-reveal ni Kim na may thid party 'o sa tuwirang salita ay nag-cheat ang binata sa kanya na ni-reveal na lang ng dalaga sa promo ng box-office movie nilang "Etiquette For Mistresses".

Sa kaso naman nina Gerald at Maja, ang akala ng marami ay for good na’t mahal naman nila ang isa’t isa, pero kamukat- mukat mo, split na sila na for no explained reason na until now ay hindi pa rin naging malinaw sa media ang dahilan.

Kung tatanungin mo si Maja, deadma lang ang dalaga at tatawanan nang kuntodo sabay iwas sa tanong. Si Gerald, hindi rin nagsasalita. In short, deadma at ang palusot na lang, “real gentleman” ito at ayaw nang pag-usapan.

Pero sa mga nakapanood sa dance performance ni Gerald with his two ex-girlfriends, halatang hindi solb ang ipinamalas ng binata na dati-rati’y todo-bigay at palaging performance level. Magaling na dancer si Gerald, reason kung bakit naging back-up dancer siya dati ng aktor na si Joross Gamboa bago siya nakilala. Actually, isa ang binata sa mga artista natin na very sexy sumayaw at mag-perform.
 
Sa ngayon, after Maja, loveless ngayon ang binata (as far as I know). In short, walang ka-loving-loving. I just don’t know kung after Kim and Maja, ang tsismis na nasagap namin na double timer daw ang binata kaya nakadadalang mahalin. ‘Di ko alam kung may taga-showbiz pa kayang magmahal sa kanya.

Basta ang alam ko ang mga babae ngayon na dinidikartehan ni Gerald palaging naaalala ang kantang "Don't Break My Heart..." para reminder sa kanila ang sakit na naidulot ng guwaping na actor sa dalawang nakalipas niya na relasyon.

Gerald with Liza & Enrique for "Everyday I Love You"
Si Gerald na solo ngayon at walang love ay kasama nina Liza Soberano at Enrique Gil sa pelikulang "Everyday I Love You" ng Star Cinema showing na sa October 28. I’m sure, may inggit factor si Gerald kay Quen nito, pag nakita niya ang binata kung gaano nito kamahal si Liza.

ELLEN ADARNA KINATATAKUTAN NG MGA LALAKI

Girl for All Seasons’ ang tawag kay Ellen Adarna. No wonder kung bakit siya ang topic ng mga kalalakihan (mga guwapings na yuppies or even mga DOM). Aminin man ni Ellen o i-deny, usap-usapan ang sexy star ng mga “Big Boys” (read: mayayamang negosyante) dahil sa kanyang pagiging “friendly” kapag nalalasing daw ito. ‘Di nga ba’t ilang beses na napapabalita na si Ellen, kapag nalalasing ay nagiging wild?

No wonder, ang mga kalalakihan (lalo na ang mga Big Boys) ay like na like siya at interesadong makilala in person.

Sa latest tsismis na kumakalat, is it true na pinagtatawanan diumano ng mga girlfriends ni Ellen ang dalawang kilalang male star ng Star Magic?

Ang dalawang male stars ay isang kilalang aktor na nauugnay rin sa mga sikat na mga female stars natin. ‘Yong isa naman ay tsini-tsismis na ang hunky nitong katawan ay kabaliktaran naman ang kanyang “jun-jun”. In short, dyutay ang merchandise nito.

Bukod sa pagiging super sexy ni Ellen, one disadvantage sa kanya tulad ng kuwento ng ilan; kiss and tell daw ito sa mga lalaking natsi-tsismis sa kanya. No wonder ang mga lalaki, nae-excite at lalong nagpapantasya sa kanya pero may kaba kung sakaling may chance man sila na makilala si Ellen ng masinsinan,,

Tuesday, October 6, 2015

FELIX MANALO BIO-PIC GAGAWA NG BAGONG GUINESS WORLD RECORD

Pinatunayan na naman ng Iglesia ni Cristo ang lakas nila kapag ang mga members nila ay nagkakaisa.

Remember the road blockage (sa may bandang Shaw Blvd.-EDSA) almost a month ago dahil sa kontra sila sa pamamalakad ni  DOJ Sec. Delima sa pagtrato sa kaso ng kanilang mga pinuno na halos limang araw din nabalam ang trapik at galit ang taumbayan sa ginawa nila dahil sa kanilang protesta at pagipon-ipon sa kalye na naging sanhi ng pagkaabala sa nakararami?
 

Last Sunday, sa Philippine Arena sa may Bocaque, Bulacan ay  pinatunayan ng mga INC followers and believers na kaya nila buwagin ang Guinness World Record at maglikha ng bago para ang malaking pagtitipon nila sa premiere night ng pelikulang Felix Manalo na pinagbibidahan ni Dennis Trillo na nabreak ng Guinness World Record para sa largest audience for a film screening na sa mahigpit nilang pagbibilang gamit ang isang electronic device na nire-record ang bawat tao na pumapasok sa loob ng arena na may hawak ng ticket na umabot ng 43,624 audience ang naturang premiere showing ng pelikula tungkol sa buhay ng INC founder and leader.

Ngayong araw October 7 ay palabas  na sa almost 300 theaters na ang sabi ay maglilikha muli ang INC ng record para maging box-office hit ang obra ni Direk Joel Lamangan na sa unang araw ng pagpapalabas ay hihigitan nila ang nakatalang biggest hit ng lokal na pelikula na na-produced sa Pilipinas sa unang araw ng pagpapalabas nito.



Dahil sa pagkakaisa ng mga INC faithful, hindi ako magtataka kung bakit tuwing eleksyon; ang mga politiko ay nililigawan ang pinuno nila to get some recommendations na ewan ko kung may havey or waley ang mga endorsements ng mga bosings ng INC sa mga kandidato tulad sa mga natistsismis noon pa man.

Pero sa bio-pic ng lider nila na si Felix Manalo, hindi tinalakay ang iba't ibang isyu na nakabitin sa isipan ng mga non-INC followers tulad  halimbasa sa sinasabing sa pilitang pagbibigay ng abuloy sa kanilang simbahan; ang sinasabing impluwensya ng mga pinuno nila sa kung sino ang kandidatong iboboto at mga sinasabing sikreto nila na ang isang INC member lang ang nakakaalam,

Sa pelikula , nag-focus ang direktor na si Joel Lamangan sa personal na kuwento ng pinuno ng INC mula sa pagkapanganak at kamatayan ni Felix hanggang sa mabuo ang Iglesia ni Cristo sa bansa at kumalat na sa buong mundo.

Ang bio-pic ay produced ng Viva Films at kinabibilangan nina Gladys Reyes, Bella Padilla, AJ Muhlach, Gabby Concepcion at maraming mga artista na sikat na  umekstra.