Tres Marias (Lala, Ashley & Marion) |
Very 70’s ang theme ng party na
ginawa sa Blue Leaf sa City of Dreams sa Paranaque. Maganda ang production
design na very hippie ang dating. From props to the color palette; swak sa
konsepto na gusto ng celebrant.
Happy Hippie Holiday ang theme ng party. Ang saya. Lahat ng mga bisita in full costume as required. Kaya naalala ko ang panahon ng Woodstock, The Beatles; The Papas & The Mamas at mga musika at lifestyle ng dekadang yun,
Ashley Aunor |
Sa 18 birthday party ni Ashley namin una narinig ang komposisyon ng “The Rockstar” na anak ni Ms. Lala na kabilang sa album ng ate niyang si Marion.
Ang ganda ng tmusika at titik ng “Ako Siguro”. May hugot ika nga. Pang-emote na bagay sa boses ni Marion na this time, kapag pinagukulan ng pansin ng Star Music at mai-promote ang kanta; ito marahil ang kanta na maglilikha at magtatak sa kamalayan ng mas nakararami lalo pa’t ang imahe ni Marion ay hindi pang-masa.
Ashley & Marion performing " Ako Siguro" |
“Gagawa na lang daw siya ng isa pa,” text information sa amin ni Ms. Lala. :Yun ang gusto niya. Ang ganung mga klase ng music na magpagka-fast ng beat," dagdag pa ng ina,
Sa mga kaganapan na nangyayari sa kanyang mga anak happy si Ms Lala. Marion is doing good as a singer and composer while si Ashley naman nagtapos ng high school sa Assumption College (kaya pala inglisan ng inglisan ang mga high school friends niya na dumalo at andudun sa party) at ngayon ay nagaaral ito ng culinary sa Endurun College ; happy si Ms. Lala at mababait ang mga anak niya at walang pasaway.
Mamay Belen |
At Ashley's 18th birthday bash, andun din at present si Mamay Belen ang ang Lola nina Marion at Ashley.
No comments:
Post a Comment