ALEX GONZAGA NAGMUKHANG KATAWATAWA
Nairaos ang 7th PMPC Star Awards for Music kamakailan sa KIA Theater (dating New Frontier theater during the 80's sa Cubao) a couple of weeks ago sa kabila ng ilang mga eksena sa performances ng mga nag-singer-singeran na nagmumukha tuloy engot sa mga pinangagawa nila.
Agaw
pansin sa akin ang back to back performance ni Alex Gonzaga at Aicelle Santos(of
PETA’s Rak of Aegis) na kitang-kita ang difference kung sino talaga ang tunay
na mangaawit sa kanilang dalawa.
Una
kumanta si Alex (another lip-synch number) na novelty na naman na seque sa
performance ng isang “tutoong singer” like Aicelle.
Kaya
tuloy nagmukhang katawatawa itong si Alex at maikukumpara mo talaga kung sino ang
tunay sa tinubog lang.
Kung
sino man ang nagma-manage sa career ni Alex, dapat sa susunod, itanong nila sa script
writer ng show or whatever kung sino ang makakasama ng “alaga” nila on stage.
|
Aicelle Santos |
Nagmukhang
kawawa tuloy si Alex na ipinagsabay ba naman sa isang production number with a
real singer. Tuloy, nagsa-suffer ang isang singer-singeran sa galing ng isang tulad ni Aicelle.Okey lang kung isang chorus
or group performance ang ginawa nina Alex at Aicelle with other “singers”.
Kaso may kanya-kanya silang highlight ng kanilang performance na kung sa probinsiya lang nangyari yun, malamang na "boo" na si Alex or may nambato na ng kamatis sa kanya sa entablado.
No comments:
Post a Comment