Inaya ko last Friday evening ang isang lalaking kaibigan na manood ng Etiquette for Mistresses. Inaabangan ko kasi na every Wednesday is my movie day dahil araw ng palitan ng mga pelikula. Pero dahil ang daming tao noong opening day para mapanood ko ang obra ni Direk Chito Roño, ‘di na ako nanood at nakipila at mahihirapan ako.
Pero noong Friday(last week) at maaga ako nasa mall, sabi ko sa sarili ko, dapat mapanood ko na ang pelikula na pinag-uusapan nila. Inaya ko ang isang kaibigang lalaki na manood kami. Ayaw niya at “baduy” daw. Ang gusto, ‘yong English movie na The Martian. Kaso 9:30 pm pa ang screening and might as well na hindi masayang ang waiting time namin, hayun napapayag ko rin siya na i-appreciate ang sinasabi niyang “baduy” at saka namin panoorin ang pelikula ni Matt Damon pagkatapos namin panoorin ang pelikula tungkol sa kuwento ng apat na mga kabit.
Pero si mokong na-enjoy niya ang pelikiula. “May aral naman pala. Parang kuwento ng kaibigan ko na nasa Saudi na may kinakasama noon na ‘yong tunay niyang asawa na hindi sila nagkaanak, nagkahiwalay sila. Ayaw kong mangyari ‘yun sa pamilya ko,” komentaryo niya.
We like the film. Simple ang pagkalahad ng kuwento na portion by portion, ang mga rules ng pagiging kerida ay isinasalarawan based sa mga pangyayari sa buhay ng mga kerida sa pelikula nina Kris, Kim Chiu, Iza Calzado, Cheena Crab, at ang nagbabalik na si Claudine Barretto.
Oks ang movie sa amin. No wonder karamihan sa mga manonood ng pelikula ay mga babae na kung hindi man mga magkakabarkadang mga girls (21years old and above market), mga mister nila or boyfriend ang kasama.
Komentaryo nga ng kasama naming lalaki that evening, “Puro mga babae ang nanonood. Ilan kaya sa kanila riyan ang mga mistress? Sino kaya ang mga legal wife sa nakapila ang may problema sa mister nila dahil nangangaliwa?”
Magaling si Claudine kahit may kalakihan pa rin siya on screen na oks naman dahil reasonable naman na sasagutin ng pelikula . Si Iza at Cheena, oks na oks sa kani-kanilang mga roles lalo na si Kim na dahil ang pa-tweetums na image niya ay nabasag na rin sa wakas sa kanyang role as a young kerida.
I was expecting na si Kris ay umayos na. Akala ko nag-level up na siya. The last film na napanood ko sa kanya was ‘yong pinagsamahan nila ni Coco Martin last MMFF 2014 na Feng Shui 2. Akala ko, may changes na to a higher level ang pag-arte ni Kris na love na love ko sa pagiging TV host niya.
Basta ako iritado sa boses niya sa pelikula na mamaos-maos na kapag nagpapaka-hyper na siya sa kanyang eksena, boses na parang pinupunit na yero o ‘di kaya’y chalk na iginuguhit sa blackboard ang tono.
Sabi ng mhin na kasama namin nanood, magaling daw si Claudine. In short natalbugan si Tetay ng nagbabalik na aktres.
No wonder, sa ilang mga film reviews tulad tulad sa Rappler.com at sa Philippine Daily Inquirer, hindi nabangit ang name Tetay bilang isa sa mga magagaling sa pelikula.
For me, Etiquette for Mistress ay pelikula na sigurado ako na hindi ninyo ipagpapalit sa Big Mac, Large Fries at Cola float. Gora na!
No comments:
Post a Comment