Tuesday, October 6, 2015

FELIX MANALO BIO-PIC GAGAWA NG BAGONG GUINESS WORLD RECORD

Pinatunayan na naman ng Iglesia ni Cristo ang lakas nila kapag ang mga members nila ay nagkakaisa.

Remember the road blockage (sa may bandang Shaw Blvd.-EDSA) almost a month ago dahil sa kontra sila sa pamamalakad ni  DOJ Sec. Delima sa pagtrato sa kaso ng kanilang mga pinuno na halos limang araw din nabalam ang trapik at galit ang taumbayan sa ginawa nila dahil sa kanilang protesta at pagipon-ipon sa kalye na naging sanhi ng pagkaabala sa nakararami?
 

Last Sunday, sa Philippine Arena sa may Bocaque, Bulacan ay  pinatunayan ng mga INC followers and believers na kaya nila buwagin ang Guinness World Record at maglikha ng bago para ang malaking pagtitipon nila sa premiere night ng pelikulang Felix Manalo na pinagbibidahan ni Dennis Trillo na nabreak ng Guinness World Record para sa largest audience for a film screening na sa mahigpit nilang pagbibilang gamit ang isang electronic device na nire-record ang bawat tao na pumapasok sa loob ng arena na may hawak ng ticket na umabot ng 43,624 audience ang naturang premiere showing ng pelikula tungkol sa buhay ng INC founder and leader.

Ngayong araw October 7 ay palabas  na sa almost 300 theaters na ang sabi ay maglilikha muli ang INC ng record para maging box-office hit ang obra ni Direk Joel Lamangan na sa unang araw ng pagpapalabas ay hihigitan nila ang nakatalang biggest hit ng lokal na pelikula na na-produced sa Pilipinas sa unang araw ng pagpapalabas nito.



Dahil sa pagkakaisa ng mga INC faithful, hindi ako magtataka kung bakit tuwing eleksyon; ang mga politiko ay nililigawan ang pinuno nila to get some recommendations na ewan ko kung may havey or waley ang mga endorsements ng mga bosings ng INC sa mga kandidato tulad sa mga natistsismis noon pa man.

Pero sa bio-pic ng lider nila na si Felix Manalo, hindi tinalakay ang iba't ibang isyu na nakabitin sa isipan ng mga non-INC followers tulad  halimbasa sa sinasabing sa pilitang pagbibigay ng abuloy sa kanilang simbahan; ang sinasabing impluwensya ng mga pinuno nila sa kung sino ang kandidatong iboboto at mga sinasabing sikreto nila na ang isang INC member lang ang nakakaalam,

Sa pelikula , nag-focus ang direktor na si Joel Lamangan sa personal na kuwento ng pinuno ng INC mula sa pagkapanganak at kamatayan ni Felix hanggang sa mabuo ang Iglesia ni Cristo sa bansa at kumalat na sa buong mundo.

Ang bio-pic ay produced ng Viva Films at kinabibilangan nina Gladys Reyes, Bella Padilla, AJ Muhlach, Gabby Concepcion at maraming mga artista na sikat na  umekstra. 

No comments:

Post a Comment