Aminadoa ako, lately ko lang hinangaan si Angel Locsin bilang isang tao lalo pa't napagalaman ko at aprub sa akin ang kanyang mga mithiin at paniniwala sa buhay.
Bilang isang artista, mahusay siya umarte. Magaling siya at hindi pipitsugin sa hanay nila
Sa likod ng kanyang glamorosang buhay showbiz ,ang hindi alam ng publiko, lalo na ng kanyang mga tagahanga at mga taga-suporta, hindi siya pangkaraniwaan.
Hindi lang showbiz ang alam ni Angel. Dahil marahil sa kanyang kapatid na si Angela at tiyuhin na si Bayan Muna Re. Neri Colmenares, maganda ang pondasyon ni Angel para lalong maintindihan niya ang mga bagay-bagay na nangaganap sa kanyang kapaligiran lalo na sa ating lipunan.
Mainit ang isyu ng mga pagpatay sa mga Lumad sa CARAGA kamakailan. Maging si DILG Sec. Mar Roxas na gustong makisawsaw (dahil malapit na ang eleksyon) pero butata at bigla nawalan ng "pogi" points dahil sa kanyang pageksena na waley din naman knows ang tunay na isyu.
Daig pa siya ng aktres na wala naman intensyo or hidden agenda na ipaalam sa publiko ang kanyang sintimiyento at posisyon hingil sa militarisayon sa naturang rehiyon kung saan biktima ang mga Lumad leaders na ilan ay namatay at marami mga nagsipagalisan sa kani-kanilang mga bahay para makaiwas sa kaguluhan na ayon sa mga reports ang paramilitary group Mahagay-Bagani Force ang may kagagawan.
Ang kanyang karanasan sa pakikipagsalamuha niya noon sa mga naging biktima ay isinulat ni Angel sa "Pinoy Weekly" (www.pinoyweekly.org) na isang organisasyong nonprofit na naglalayong idemokratisa ang praktika ng pamamahayag sa bansa ay nag-share ang aktres ng kanyang kakaibang karanasan kanyang exposure trip sa Mindanao almost six years ago.
Narito ang kabuunan ng kanyang isinulat:
Nung nabalitaan ko ang brutal killings sa community ng mga Lumad, sinilip ko ang pictures naming noong nag-exposure kami sa lugar na ‘yun noong 2009. Dito nakangiti pa sina Tatay Emok at Kuya Dionel…Nakakalungkot na isipin na ganito ang sinapit nila, na ang kagustuhan lang naman nila ay magandang edukasyon para sa mga anak nila at sa susunod na henerasyon at maayos na pamumuhay.
Mababait sila, mahiyain, masisipag ang mga bata at nakakatuwa na zero-crime rate ang lugar nila. Nakita ko kung paano sila nagtutulungan bilang isang komunidad at kung paano nila pinagsisikapan ang kanilang mga pangarap. Ramdam ko kung paano nila pinapahalagahan ang kanilang paaralan at komunidad, ang nutrisyon, kalusugan, ang kalikasan, at kapwa tao.
Naalala ko nung nagpunta ako dun ay kailangan pa naming magtago sa loob ng pick-up para malagpasan ang napakaraming military checkpoints kahit kasama na namin ang Mayor ng lugar. Nalaman namin na kahit silang mga tagaroon ay mas hinihigpitan pa sa pagpasok sa sarili nilang lugar. Kailangan pa ba nilang magpaalam kung pupunta sila sa kanilang “yutang-kabilin” (ancestral domain)? Bakit may paramilitary? Kung sanctuary ang mga paaralan, bakit may presence ng military kung saan puwede sila madamay sa conflict at magkaron ng takot — not to mention ‘yung grabeng psychological effects sa mga kabataan?
Nung huling gabi namin sa Alcadev (Alternative Learning Center for Agriculture and Livelihood Development), nangako kami na ibabahagi namin ang kanilang karanasan sa marami pang tao. Tulungan n’yo po kami para mas maihatid po ang kuwento nila sa mas nakakarami.
Nakikiisa ako sa panawagang respetuhin ang kanilang kultura at karapatan. At naniniwala ako na ang isang eskuwelahan ay sentro ng edukasyon at isang sangktuwaryo — at ang presensiya ng militar ay hindi nararapat. Panawagan ko rin ang katarungan para sa mga pinaslang.
Mabuhay ka Angel!
No comments:
Post a Comment