Sa picture, magkasama ang dalawa na basa mo sa mga itsura nila na ang lahat ng pain na naranasan ni KC sa former boyfriend ay wala na. Nakangiti na kasi siya na tila sabi ng mga mata niya, naka-move on na siya. Yes, hindi kasi naging maganda ang hiwalayan ng dalawa for reasons na hindi rin naman nila ibinunyag sa ibang tao lalo na sa media.
Sa ngayon, KC is happy and romantically involved sa isang foreigner (na bagay sa kanya) lalo pa’t ang dalaga ay pang-foreigner ang market ng kanyang buhay pag-ibig. Long distance relationship ang namamagitan between KC at sa misteryosong boyfriend niya na magmi-meet-up sila kapag napapadpad sa Asya ang binata na kung tama ang hinala namin ay isang European.
Sa tipo kasi ng dalaga ni Megastar Sharon Cuneta na sa ibang bansa
lumaki at nag-aral sa Paris (France), iba na ang basehan ng dalaga na
kadalasan ang mga nagiging karelasyon niyang mga Pinoy ay nauuwi lang sa
wala after all her effort at pagmamahal. Kaya nga ‘yong sa kanila ni
Papa P, hindi malinaw ang dahilan ng split-up. Kung meron man, malisyoso
ang sinasabing dahilan.
Sa London, marami ang nakapansin na tila muling okey na ang samahan
ng mag-ex na kung dati’y may konting ilangan lalo pa’t hindi naging
maganda ang hiwalayan nila.
I just don’t know kung matapos ang kaganapan sa London ay muling magkakaroon ng pagkakataon na magtambal sa isang project ang dating magkarelasyon.
No comments:
Post a Comment