Thursday, September 17, 2015

KRIS AQUINO KUNG IIBIG MULI AYAW MAGING "KERIDA"

Kapag nagsalita na si Kris Aquino, asahan mo at babandera ang statement niya ika nga. Kumbaga in layman's term, pang-headline ang bawat sasabihin niya. Inaabangan kasi ng lahat kapag bumuka na ang bibig niya lalo pa't may isang isyu na dapat niya linawin.


Sa media launch ng bagong pelikula niya para sa Star Cinema na "Etiquette for Mistress" na ipapalabas na come September 30; walang kagatol-gatol sasagutin niya ang tanong mo.
 
Kung minsan nga, ang statement niya na hindi mo inaasahan ang siyang lead mo pa sa mga susunod na itatanong mo sa kanya na may handing sagot siya ng diretsahan. Kumbaga, siya ang favorite subject ng isang nagi-interview. Walang kahirap-hirap lalo na nasa mood si Tetay just like nang humarap siya sa media last Wednesday,September 16 kasama ang ibang mga cast ng pelikula tulad nina Kim Chiu, Iza Calzado, Cheena Crab (na wala sa media launch dahil naka-based ito sa US); at ang nagbabalik na si Claudine Barretto,
 
Ang bagong pelikula ni Kris ay kuwento ng mga kabit, kerida; other woman; kept woman at kung ano man terminology na tumutukoy sa isang babae na nakikipagrelasyon sa isang lalaki na may sabit o' sa direstsahang salita ay may asawa na.
 
Alam ng showbiz at ng publiko na ilan sa mga nakarelasyon at minahal niya ay may sabit. “It’s not a secret, I was into relationships with men who’s marriage were not annulled. So, deadma -- it’s reality," pahayag niya sa media.

Sabi pa niya:"Wala akong itinatago dahil alam naman ni Bimb, and the only person who’s I’m responsible is 8 years old, and alam niya. Kasi sabi ko, mababasa niya sa internet, makikita niya sa YouTube, so, sabi ko, hindi madali kasi, you’re really judged."

Pagpapaliwanag niya na siya rin mismo ay dumaan sa pagiging "kerida or kabit". Sabi niya:" I heard that word so often, that ‘kabit’, because hindi pa plantsado at hindi pa maayos. Dumaan din naman ako sa marriage na nagloko ang asawa ko.So I’ve looked that love for both sides now, ika nga, ‘di ba?"


At kung muli siya iibig (ang kuwento nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ay ibang usapin) papayag ba siya na maging "kerida? “Sa totoo lang, ang pipiliin ko ay ‘yung madali, ‘yung wala akong kaagaw, ‘yung wala akong kaila­ngang ka-share."

Based sa kanyang karanasan sa mga previous relationship niya ay madami siyang aral na natutunan:" And you really realize that you have to go through those lessons to know who really matters to you.And you have to make mistakes for you to know what is right and what is wrong, and the consequences because I paid those consequences three times.” 

No comments:

Post a Comment