Tuesday, May 26, 2015

MANOLO PEDROSA AYAW SA BABAE

Isa si Manolo Pedrosa sa mga baguhan na cutie at hunk na hunk ang appeal.

Matangkad sa taas na 6 feet flat. Ang ganda ng pangangatawan. Guwaping na guwaping na ang tsinitong mga mata marahil ang lalong nagpapakilig sa mga girls na edad 20 and below para magustuhan siya.

Mula nang namataan ng publiko ang Lasalista sa PBB kung saan mula sa labas na manonood ng show sa bahay ni Kuya ay nagbuo ng tambalan nila ni Mariz Rascal; hindi niya inisip na magiging kilala pala siya paglabas niya.

Last year nag-graduate sa High School si Manolo na ewan ko at hindi ko naitanong sa discoverer and manager niya na si Jun Reyes kung paaano niya naispatan ang binata. Sa edad niya na 17, never been into a romantic relationship ang binate.ito’y kung paniniwaalan natin ang sabi niya.

Biro nga namin kay Manolo ay daig ba siya ng  na si Mariz dahil sa edad at 17 years old, dapat may karanasan na siya magmahal at makipagrelasyon.

Tipong goodboy si Manolo. Masunurin sa mga magulang na ang habilin sa kanya ay tapusin muna ang pagaaral kaysa maghanap ng ige-girlfriend. May mga crushes siya pero mas nagseryoso siya sa kanyang studies.

Kaya nga nang makalabas siya sa bahay ni Kuya, ang nabuong loveteam nila ni Mariz mula sa loob ng bahay ay naitawid nila sa isang pelikula na pang-hugot din para sa mga bagets ang “ Stars versus Me” mula sa direksyon ng kuwentista na si Direk Joven Tan na palabas na sa June 3.

Makakasama ng dalawa sa unang pelikula nila sina Janine Desiderio, Dennis Padilla, Rita Avila at Matet de Leon.
 

No comments:

Post a Comment