Friday, May 29, 2015

COCO KALBO

Nagsimula kahapon, Friday, May 29 ang taping ng bagong teleseryeng "Ang Probinsiyano" na pinagbibidahan ng aktor na si Coco Martin mula sa Dreamscape Entertainment-FPJ Production para sa Kapamilya Network.

Akala nga namin, pangkaraniwang taping day lang ang magaganap nung umagang yun na ang mga bida; si Coco at si Ms. Susan Roces ay may mahalagang eksenang kukunan para sa serye.

Noong umaga kinunan yong eksena kung saan inihatid ni Ms. Susan ang apo na si Coco sa bus stop kung saan tutungo ito ng Maynila na may konting drama ang kanilang pagpapaalaman. Simpleng eksena pero madrama dahil maghihiwalay ang mag-lolo.

Pero kinahapunan laking gulat ng social media nang mag-post ang Dreamscape Entertainment ng photo mula sa isang mahalang eksena sa serye kung saan kina-kalbo si Coco bilang panimula nang kanyang pagpasok sa pagka-pulis.

Akala nga ng marami, prosthetics lang ang gamit ng actor sa eksenang pagpapakalbo nito; yun pala totohanan ang pagkakalbo sa buhok niya.



Kabilang sa kuwentong naming ito ay ang mga kasamahan ni Coco na sina Michael Jornales, Marc Acueza, Lester Llansang, Rino Marco and John Medina na lakas loob nag-pakalbo rin para sa kanilang karakter na gagampanan bilang mga police trainees sa "Ang Probinsiyano".

Kabilang sa cast ng bagong aksyon-serye ay sina Albert Martinez, Jaime Fabregas, Angeline Qinto, Bela Padilla at si Arjo Atayde.

No comments:

Post a Comment