Thursday, May 28, 2015

"ANG PROBINSIYANO" NAGSIMULA NA

Matapos ang pirmahan ng kontrata at halos one week na pagsasanay kasama ang ilang mga police trainees, natuloy na rin sa wakas ang unang araw(today, Friday May 29)ang taping ng aksyon-teleseryeng "Ang Probinsiyano" mula sa Dreamscape Entertainment-FPJ Production para sa Kapamilya Network.


Naghihintay ng kanilang cue sina Ms. Susan at Coco

Early this week, nabasa ninyo marahil ang updates natin ng training nina Coco kasama sina Arjo Atayde (na gaganap bilang bestfriend niya sa action-serye) at iba pa mga artista sa Philippine National Police Academy.

Dumaan sa pisikal na pagsasanay ang mga artista para lalo nila maintindihan kung gaano kahirap ang pagpapanday ng isang matinong pulis ng ating bansa.

Mula sa stretching, jogging, push-up, pistol firing at ang orientation nila with some PNP officers para maintidihan nila  kung paano mag-isip, gumalaw at mabuhay ang isang pulis nagkabunga din ang masigasig nilang pagsasanay at ngayong araw nga ay nagsimula na ang "Probinsiyano" kung saan sina Coco at Ms. Susan Roces at gaganap bilang mag-lola.

Babalitaan naming kayo sa mga kaganapan at mga balita tungkol sa pagte-telebisyon ng "Ang Probnsiyano" na isa sa mga  malalaking pelikula ni The King Fernando Poe Jr. noong 90's.

Pistol firing exercise si Coco
Kasama sa aksyon-seryeng 'Ang Probinsiyano" sina Bukod kay ms. Susan at Arjo ay sina Albert Martinez, Bela Padilla, Lester Lansang, Jaime Fabregas at Angeline Quinto
Isang eksena sa Ang Probinsiyano

No comments:

Post a Comment