Wednesday, May 27, 2015

ANG MAKULAY NA BUHAY NI SEN. PING LACSON

Kung ihahalintulad ang buhay ni Sen. Ping Lacson sa isang bagay, walang kaduda-duda, isa itong kahon ng krayola.

Lahat nang uri nang emosyong dala nang bawat kulay ay naranasan na yata ng dating senador.  Walang kaduda-dudang pang-show business ang naging mga tsapter ng kanyang buhay.

Sen. Ping Lacson

Kontrobersyal at inspirasyunal ang kilalang lider, kaya naman dalawang pelikula nga ang umusbong dito:  yung isa ay ang biopic na “Ping Lacson:  Supercop” noong 2000 na pinagbidahan ng yumaong si Rudy Fernandez, samantalang yong huli ay  ang “10,000 Hours” noong 2013 na fictionalized account ng kanyangpagtatago  hindi bilang presidentiable kungdi isang pugante.
      
Aminado naman ang Senador na madalas nga raw siyang biruin tungkol dito.  “Para raw akong artista dahil palagi ako nahe-headline!” kaswal niyang bungad.

Hindi naman din kataka-taka dahil dalawa na ang kanyang apo na bunga ng pakikipagrelasyon ng kanyang junior na si Pampi kay Jody Sta. Maria at Iwa Moto.
Iwa Moto & Pampi Lacson
 

Ikinatutuwa ba niya ito o ikinalulugod na nagiging mas “showbiz” na ang kanyang buhay publiko?  “Halos pareho ang entertainment world at saka pulitika.  Sa magnitude lang nag-iiba,” ayon sa dating rehabilitation czar noong aftermath ng bagyong Yolanda.

Sa paglaki ng kanyang mga apong si Thirdy at Mimi, mas pipiliin ba niyang maging artista ang mga ito o pulitiko?

Jodi with son Thirdy
 
Ayon sa dating PNP chief, yan ang isang bagay na di niya pinakikialaman kahit noong bata-bata pa ang kanyang mga anak na sina Ronald Jay, Panfilo Jr at Jeric. Hindi raw dapat pinipilit ang mga anak. 

Mas pinahalagahan niya ang paghulma sa kanila lalo't sa kanyang mga apo.  Mapa-showbiz man daw o pulitika, importante yung may taglay silang dignidad.

Sa murang edad, kailangan turuan na natin sila ng sense of what is right or wrong para lumalaki silang may disiplina,” aniya. 

At doon daw siya makakahinga nang maluwag dahil alam niyang tatatag sila tulad ng kanyang mga anak. 

Istrikto ako, pero hindi ibig sabihin nun na hindi ako mapagmahal.  I may not be always there, pero pag may time, I make sure na quality ang bonding naming mga mag-ama at maglolo,” pagtatapos ng dating senador.


Proud Lolo--halatang humuhugot siya ng inspirasyon ngayon sa kanyang mga apo.  At kung sakali man itaguyod pa rin niya ang pagtutuwid nang ating daan, ito ay dahil sa nais niyang ito ang lakaran ng kanyang mga apo.

No comments:

Post a Comment