Tuesday, May 26, 2015

COCO AT ARJO BATAK ANG TRAINING SA PNPA

Pupusan ang training ng mga artista na kasama sa action-teleserye ng Dreamscape Entertainment na "Ang Probinsiyano" para sa Kapamilya Network.

Mula nang magka-pirmahan ang FPJ Production represented by Ms. Susan Roces at si Ms. Charo Santos-Concio representing ABS-CBN last week na ibinibigay ng biyuda ni The King Fernando Poe Jr. ang rights para ipalabas ang mga pelikula ni FPJ sa Kapamilya Network, isang malaking hakbang din para sa career ni Coco Martin bilang isa sa mga mahahalagang artista ng istasyon na isa-telebisyon ang isa mga mga malalaking pelikula ni FPJ na ginawa nito in the 90's.

Coco Martin  & Arjo Atayde together with other PNP Trainees

Mula nang makumpirma ang proyekto, halos araw-araw na ang mga aktibidades ni Coco at mga artista na kasama sa serye.

Halos araw-araw din ang training ng mga artista mula sa basic physical exercises like push-up, jogging, martial arts at maging ang target shooting para mas makatotohanan ang pagganap nila sa kani-kanilang mga karakter bilang mga pulis sa action-serye.


Malamang, sa halos araw-araw na training nina Coco at Arjo kasama ng ibang mga artista sa PNP Academy, ewan ko na lang kung ang mga muscles nila ay hindi mababanat ng husto at mamaga at kailangan nila ng masahe? Any volunteers?



No comments:

Post a Comment