Tuesday, May 26, 2015

BAGONG LOVE TEAM: VICE & COCO?

Natuloy din pala ang "presentation conference" nina Vice Ganda at Coco Martin kanina (Tuesday, May 28) para sa isang bagong project na pagsasamahan ng dalawa.

Sa presentation conference, dito dini-discuss at ini-explain ang iba't ibang mga projects na pwedeng pagsamahan ng mga napiling artista. In short, presentation of projects ito para sa mga magbi-bida sa proyekto.

Hindi pa tinukoy kung anong project ito na pagsasamahan ng dalawa, pero ang balita na nakarating sa amin a couple of months ago, magsasama sina Vice at Coco sa isang movie project na ang target playdate ay sa December bago ang MMFF 2015.

Kapag nagkatuluyan, malamang riot ang movie project na ito ng dalawa na dahil matagal na nga magkakilala (noong nagwo-work pa as a waiter si Coco); hindi na sila magkakailangan.

Sa unang photo na nakahaging ang mukha ni Coco kay Vice; mukhang may idea na kami kung ano ang magiging tema ng pelikula ng dalawa. Epek siguro kung RomCom na ang dalawa will play "Mother & Child"? He he he...



No comments:

Post a Comment