Thursday, September 24, 2015

VICE GANDA SUPPORTIVE SA MGA BEKIS

Bilib kami sa pagiging matulungin ni Vice Ganda. Taga-Bulacan pala ang designer ng magandang damit na suot niya sa cover ng Mega Magazine sa September issue ng pamosong fashion and lifestyle na babasahin.

Nang makausap namin ang TV Host –Comedian, sabi ko, gustong-gusto ko ang Mega cover na maging siya, nagandahan sa ginawang cover na sa Japan pa sila nag pictorial noong nagbakasyon siya kamakailan.


Nakakatuwa kasi si Vice, basta alam niya na makakatulong , siya mismo ang nage-effort in his own little way para sa mga kafatid na mga bekis.

Kung ang iba ay masyado mapili sa mga isinusuot nila na ang gusto ay branded at may pangalan ang designer ng mga outfit nila; si Vice mapagbigay na gusto niya bigyan ng exposure ang mga bekis kung makakatulong din lang naman siya.

Yan kasi ang advocacy niya. Basta para sa LGBT community ay okey sa kanya, Suportado niya.

Maging ang kaibigan niya na stand-up comedian na si Chocoleit na minsan nalihis ang landas dahil sa ipinagbabawal na gamot, masaya si Vice dahil sa konting pagalalay niya ay naituwid niya ang kaibigan.

Kaya nga sa kabila ng mga banat sa kanya lately sa mga kaliwa’t kanang mga issues; ng mga bashers sa social media na sinasabi na napagiwanan na siya at naungusan na (pero para sa akin ay “flash in the pan” karakter lang sila sa telebisyon); napapangiti na lang ako; dahil kilo-kilong bigas( at hindi kanin ha ha ha...) pa ang kakainin ng sinasabi na nagpataob sa komedyante dahil they have not proven something except for millions of “tweets” na hindi naman convertible sa cash ika nga.

Pero knowing Vice na hindi nakukuha sa gulpe de gulat at basta –basta na lang natatameme (na karakter niya na personally ay gusto ko); deadma ang kafatid as long as he knows kung ano at saan siya nakatuntong.

Sa katunayan sa 6th year anniversary show ng “It’s Showtime” sa Saturday, September  26 sa Araneta Coliseum, pinaghahandaan ng “Bekilou ng Bayan” ang kanyang magiging pasabog na gagawin na susuportahan naman ng mga sikat na loveteams ng Kapamilya Network tulad nina KathNiel; KimXi; JaDine; LizQuen and a lot more.

Unang salvo lang ang pasiklab na magaganap sa Araneta bukas dahil may mga big shows sila na gagawin sa Davao at Cebu as part of their anniversary.

Sa mga tagasubaybay ni Vice na sa kabila ng kaabalahan niya sa magiging performance niya ay tuloy na tuloy na ang pelikula nila ni Coco Martin na pang-MMFF 2015 kung saan nakapag-two shooting days na sila para sa project.

No comments:

Post a Comment