Dahil mga kaibigan niya kami noon pa man, waley magsusulat kung ano man ang narinig mo sa usapan na sinabayan ng tawanan.
Sa yearly pa-birthday blow-out niya sa amin, aliw kami at laugh trip dahil dito mo makikilala si Bistik na noon pa man ay kilala na namin noong panahon na siya pa lang si Reneboy na kapatid ni Floredeluna (played by Janice de Belen) sa teleseryaneg panghapon na "Flor de Luna" sa RPN 9 kung saan dumadalaw kami regularly sa taping nila sa Broadcast City sa may bandang UP Diliman.
Malalim ang pondasyon ng friendship namin ni Mayor. Noong panahon na si Mommy Baby (mother of Herbert, Harlene and Hero) ang isa sa mga nanay-nanayan namin sa showbiz na kapag waley datung ang mga bekis, dadaan lang kami sa haybols nila sa may bandang New York sa Cubao (malapit sa simbahan kung saan doon nagpakasal sina Dingdong at Marian); pakakainin na kami ni Mommy Baby. Hindi ko aalala kung uso na ang "gibsung" nun.
Kung hindi ako nagkakamali, si Mommy Baby ang nanay ng mga showbiz writers noon na may ready na food na ipapatikim sa yo kapag dumalaw ka sa kanila. Like ko ang adobong baboy ni Mommy Baby. Sila lang yata noong na open ang pintuan nila sa lahat ng press people na napapadaan sa bahay nila.
Kaya nga siguro ganito si Mayor Bistik ngayon, namana niya sa mabait niyang ina ang ugali. Ang ama naman ni Mayor si Daddy Butch, once or twice lang namin nakasalamuha.
“Gusto ko ipagpatuloy ang nasimulan ni Mama ,” kuwento ni Mayor Bistik sa amin last Saturday over lunch.
Sa mga taga-showbiz, siya lang yata ang naaalala ko na may ganitong get-together sa mga entertainment press yearly.
Kung ikukumpara mo ang family ni Mayor Herbert sa mga artista ngayon, waley. Hindi mo nga alam kung saan sila nakatira. Hindi mo alam kung sino ang ibinabahay nila na lingid sa kaalaman ng mga fans nila. Sina Mommy Baby, Mayor Bistik ang buong pamlya nila, transparent sa mga showbiz writers kaya ang turing ng mga manunulat sa kanila, hindi showbiz kundi kapamilya.
I still remember noon na hindi pa naman uso ang “havey” na datung, si Mommy Baby pupunta sa bahay namin sa Sampaloc, Manila na karay-karay si Harlene (na nasa edad 10-11 lang yata nun); at may dalang longaniza na napakasarap. Token ng pasasalamat sa naisulat naming sa panganay niya.
Ang layo na ang narating ni Reneboy; ni Bistik at ngayon nga ay si Mayor Herbert or ang tawag namin sa kanya ay MBistik. Milya-milya na mula sa karakter niya sa seryeng Flor de Luna, siya na ngayon ang tagapamahalan ng Lunsod ng Quezon kung saan sa itinagal-tagal namin na pagtira sa kalunsuran (galling kami ng probinsiya ng Central Luzon); sa Kyusi na kami namuhay at nasanay mamuhay.
Sa lunch tsikahan namin with MBistik, naikuwento niya na ang Liberal Party kung saan siya kaalyado ay isinasama siya sa listahan ng mga Senador na isusuga nila sa 2016 elections.
Pero ang gusto ng mga entertainment
press ay ipagpatuloy niya ang kanyang paglilingkod sa Quezon City kung saan
napatunayan naman na ang kanyang gawain ay swak sa istandard ng mga mamayan na
pinaglilingkuran niya sa ilang nagdaang panahon.
Sabi ko personally sa kay MBistik,
mas makakapaglingkod siya ng upfront sa mga taga-QC kaysa sa pasukin niya ang
pagka-Senador.
We hope na I-consider ni Mayor Herbert ang mag- run for re-election for Mayor ng QC next year. One more term na lang. Sayang kasi.
By the way, kung napabalita man na hindi na matutuloy ang pelikulang pagsasamahan nila ni Kris Aquino para sa Star Cinema para sa MMFF 2015, sabi ni Mayor Bistik: "Tuloy na ako. As of last night (Friday evening) nagkausap na kami ni Miss Malou (Santos). Sabi, dapat andun ako sa pelikula, Ako daw kasi ang nasa original cast," kuwento ni Mayor.
No comments:
Post a Comment