Tuesday, September 22, 2015

COCO MARTIN BILIB SA GALING NI ARJO ATAYDE SA PAGARTE

Sa biruan namin ng kaibigang Sylvia Sanchez, nagmana ang dalawang anak niya na sina Arjo Atayde  at Ria Aatyde (siya si Titser Hope sa morning serye na Ningning bago mag Its Showtime) sa kanya pagdating sa pag-arte.
 
Si Arjo na  mahalaga ang role sa bagong teleserye ni Coco Martin na “Ang Probinsyano” na magsisimula na sa Lunes, September 28 ay alam ng publiko na magalng naman talaga umarte ang binate.
 
Mula nang mabigyan siya ng malaking break ng MMK (na most of our newcomers ay nangangarap na makapag-guest sa show ni Ms. Charon Santos); in his early years sa showbiz, naka tatlong guesting na siya where he played the lead character a drama anthology.

Kaya nga hindi ako magtataka na ang galing ni Arjo ay napansin ni Coco Martin na isa rin sa mga magagaling na artista natin sa kasalukuyan para sabihin ng diretsahan nito na hanga siya kay Arjo at nangangarap na makatrabaho ang baguhsng actor in the near future.

Fast forward; heto na ang magandang action serye na “Ang Probinsyano” na pagsasamahan nilang  dalawa.

Si Arjo, he plays classmate ni Coco na sa simula pa lang noong nagaaral sila, may kumpetisyon na silang dalawa na lingid sa kaalaman  ni Coco (who plays a dual rle as Ador and Cardo) ay hindi na gusto ni Arjo ang “pange-eksena” ni Coco sa mga gawain nito na unintentional na dahilan para purihin siya sa kanyang gawain at maging center of attraction ng mga kasamahan nila,.

Si Coco aprub sa kanya ang galing ni Arjo. No wonder supportive ang aktor kay Arjo na sa simula pa lang ng pagsasama nila (with their PNP training) saludo na si Arjo sa pagiging humble ni Coco sa mga artistang baguhan na tulad niya.

Sa bagong serye makakasama nina Arjo at Coco si Maja Salvador at si Ms. Susan Roces who plays “Lola” kay Coco. Ang action serye ay mapapanood pagkatapos ng TV Patrol

No comments:

Post a Comment