Tuesday, September 22, 2015

SHERYL CRUZ WALANG BILIB SA PINSAN NA SI SEN. GRACE POE

Kaloka ang mga kaganapan last night, Septermber 22 (Tuesday) sa media launch ng kontrobersiyal din na pelikula na Felix Manalo na bio-pic ng founder ng INC (Iglesia ni Cristo) na ginanap sa Manila Hotel kung saan pinagbibidahan ni Dennis Trillo ang pelikula

 Umagaw ng eksena at center of attraction si Sheryl Cruz last night na imbis sa pelikula ang focus at atensyon ng media, aligaga ang marami sa nagyaring kaganapan dahil gusto nila makuha ang official statement ng singer-actress tungkol sa pinsan na si Sen. Grace Poe na tumatakbong Presidente ng Pilipinas sa May 2016.

Mayroong statement kasi ni Sheryl tungkol sa pinsan at sa pagtakbo nito bilang Presidente ng bansa sa susunod na taon: “She’s not yet ready for the task, for the big responsibility,” wika niya na bigla nagpista ang media,

Syempre, ini-expect na kapamilya, lalo pa’t pinsan at si Sen.Grace Poe ay close sa ina ni Sheryl na si Rosemarie Sonora, hindi mo iisipin na aabot sa ganito ang sintimiyento ng pinsan ng senadora na alam naman ng nakararami na makakasira ito sa kanyang kandidatura.

Sariling pamilya at pinsan mismo ay hindi naniniwala sa kakayahan ni Sen. Grace na may magagawa itong pagbabago sa current situation ng Pilipinas.

Last night pagpasok pa lang niya sa entrada ng presscon area, naharang na ng media si Sheryl kung saan kabilang siya sa madaming mga showbiz personalities ang mapalad na nagkaroon ng role sa pelikula na dinirek ni Joel Lamangan.

Pero imbis tumuloy sa media launch ay mas minabuti ni Sheryl na magaroon ng instant presscon kagabi sa coffee shop ng hotel.

 Pahayag ni Sheryl at pagpapaliwanag na mabilis ang desiyon ng pinsan niya na pasukin ang paka-presidente.

Ginawa nga niyang example ang isang senador to point out her position sa isyu,:” Kung mas marunong nga na senator na si Serge OsmeƱa, who works closely with my cousin, ang sinabi nga niya, 'She would make a fine president, just not right now. It’s just that she would be a more effective president come 2022 and not 2016,” sabi niya sa media.

Sinabi din ni Sheryl na hindi siya ginagamit ng dalawang presidentiabe na makakalaban ng senadora na sina Binay at Roxas para bakbakin ang imahe at kredebilidad ng kanyang Ate Grace sa publiko.

Ang balita na kumalat last night ay hinarangan na si Sheryl ng hotel security at mga staff ng Viva at INC na makapasok sa presscon venue at pinaalis na kaagad para maiwasan ang dagdag pa na kaguluhan.

Habang isisnusulat namin ito ay wala pa pahayag si Manang Inday (Susan Roces) sa ginawa ng pamangkin.

No comments:

Post a Comment