Dahil hindi pa tapos ang pelikula, imbis na madaliin at maging bara-bara ay nag-decide ang Star Cinema na baguhin ang playdate from April 27 to May 4.
Sa tutoo lang, excited ako kapag pelikula ni Lloydie. Aminado ako na faney ako ng actor na tuwing may palabas siyang pelikula ay hindi ko talaga kinakaligtaan.
I remember ‘yong kuwento ni Direk Cathay sa amin nang dumalaw kami sa set ng shooting nila sa may Korea Town sa Angeles City, Pampanga na makasasabay ng “Just The 3 of Us” and pelikulang “Captain America”. Nakakakaba nga naman, pero sabi ko kay Direk Cathy, magkaiba ang market audience ng dalawang pelikula.
Ang mga Lloydid at Jen fans, manonood at manonood talaga sila ng pelikula ng dalawa kahit harangan man ng sibat (este, ng batya ni Captain America) kahit magsabay man ito ng playdate.
Tulad ko na aminado na may kilig si Lloydie kapag nanonood ako ng pelikula niya at ngayon ay pati si Jen (na nagustuhan ko siya sa “English Only, Please” with Derek Ramsay na sinundan ng “Pre-Nup” nila ni Sam Milby, at ang sa kanila ni Jericho Rosales), mas uunahin kong ‘di hamak ang “Just The 3 of Us” kaysa sa pelikula ni CA na ayaw kong makipasiksikan na tulad ng Batman vs. Superman na halos kinartel nila ang lahat ng sinehan na ang ending, sa dami ng mga sinehang nilabasan, sa 2nd week ng showing ng pelikula, wala nang mapanood na iba ang mga moviegoers na ang kinahinatna, natalo ang mga sinehan dahil nasagad nila agad-agad ang moviegoers na tuloy, tumamlay ng naging kita ng mga theater owner.
Sa May 4 na ang playdate ng “Just The 3 of Us” nina Lloydie at Jen na makababangga naman ang “This Time” na kilig movie nina James Reid at Nadine Lustre.
No comments:
Post a Comment